Agot, Enchong, Pokwang, Ogie criticize lavish wedding of congresswoman representing drivers' sector

by Rachelle Siazon
Aug 15, 2021
Kinuwestiyon nina Agot Isidro, Enchong Dee, Pokwang, at Ogie Diaz ang magarbong pagpapakasal ni DUMPER Party-list Representative Claudine Diana "Dendee" Bautista sa gitna ng pandemya. Napatanong din sila pati ibang netizens kung may naitulong daw ba si Bautista sa public utility vehicle drivers na patuloy na apektado ng krisis dala ng COVID-19.
PHOTO/S: Noel Orsal / Ogie Diaz & Enchong Dee YouTube / Pokwang & Michael Cinco Instagram

Nakiisa sina Agot Isidro, Enchong Dee, Ogie Diaz, at Pokwang sa pagbatikos ng ilang netizens sa magarbong pag-iisang didib ni Congresswoman Claudine Diana "Dendee" Bautista sa childhood friend at schoolmate na si Jose French “Tracker” Lim.

Si Bautista ay representative ng party-list na Drivers United for Mass Progress and Equal Rights o DUMPER.

Ikinasal si Bautista sa Balesin Island Resort sa Polilio, Quezon nitong buwan ng Agosto. Una na silang ikinasal sa isang civil ceremony noong Pebrero 2021.

Napukaw ang atensiyon ng netizens nang makitang ang wedding gown ni Bautista ay gawa ng sikat na international fashion designer na si Michael Cinco, at ang nagdisenyo ng venue ay ang celebrity event stylist na si Gideon Hermosa.

Continue reading below ↓

Base ito sa Instagram post ni Michael noong August 11 at ni Gideon noong August 10.

Ayon sa netizens na bumabatikos kay Bautista, "insensitive" ang pagsagawa ng kongresista ng marangyang kasal habang maraming drivers ang patuloy na hirap maghanap-buhay dahil sa mga tigil-pasada at iba pang epekto ng pandemya.

Sinang-ayunan ito nina Agot, Enchong, Ogie, at Pokwang sa kani-kanilang Twitter posts noong Sabado ng gabi, August 14.

Tweet ni Agot, "That gown alone can feed hundred of families of displaced drivers.

"And you’re representing which sector again, Cong. Claudine Bautista."


Tanong pa ni Agot, "anuna" ang nagawa ni Bautista para tulungan ang drivers?

Maya-maya ay kinorek ni Agot ang kanyang tweet at sinabing "Thousands pala!" ang puwede sanang matulungan sa magarbong wedding ng kongresista.

Si Enchong ay tahasang kinuwestiyon kung saan galing ang perang ginastos sa kasal ni Bautista.

Tweet ni Enchong, "The money for commuters and drivers went to her wedding. Let’s not prolong this conversation and don’t say otherwise."


Continue reading below ↓

Para kay Ogie, sang-ayon siya sa netizens na nagsasabing hindi tamang ipangalandakan ang karangyaan sa panahon ng pandemya.

"Grabe si Ate na representative ng mga drivers. Baka naman me accomplishment siya during pandemic, pakilatag ang resibo," tweet ni Ogie.


Si Pokwang ay pinuna rin ang pagkabongga ng gown ni Bautista.

Continue reading below ↓

Aniya (published as is), "Ok ano na? ang class ng representative ng mga drivers ha... naka Michael Cinco na wedding gown... edi wow!!!

"BONGGA KA DAI!! BONGGA KA DAI!! Beep! Beep! tabiiiiiii!! ang masagasaan edi sorry..."


JUNKED ABS-CBN FRANCHISE

Natukoy ng netizens na si Bautista ay isa sa 70 kongresista na bumoto para ibasura ang application ng ABS-CBN na makakuha ng franchise renewal noong July 10, 2020.

Continue reading below ↓

Sina Agot, Enchong, at Ogie ay kilalang Kapamilya stars.

Si Pokwang ay homegrown Kapamilya star, na lumipat sa GMA-7 nitong 2021.

Noon pa man ay bukas silang apat sa paghayag ng kanilang saloobin sa pagkawala ng prangkisa ng ABS-CBN.

Sa kasalukuyan, hindi pa dinidinig ang mga bagong panukala para ma-renew ito.

WHO IS claudine BAUTISTA?

Si Claudine Bautista ay vice chair ng Transportation Committee sa Kongreso at assistant majority leader ng Rules Committee.

Ilan pa sa komite sa Kongreso kunsaan miyembro siya: Creative Industry and Performing Arts, Games and Amusements, Good Government and Public Accountability, Legislative Franchises, at Sustainable Development Goals.

Siya ay ipinanganak at lumaki sa Davao City.

Ayon sa ulat ng The Philippine Star noong December 2020, nagtapos si Bautista ng kursong Hospitality Management sa L’Institut de Hautes Etudes Glion sa Glion, Switzerland noong 2005.

Muli siyang nag-aral at nagtapos ng kursong BS Entrepreneurship sa Ateneo de Davao University noong 2013.

Continue reading below ↓

Anak siya ni Davao Occidental Governor Claude Bautista.

Sa kasalukuyan, wala pang direktang sagot si Bautista hinggil sa batikos ng netizens tungkol sa sinasabi nilang marangyang pagpapakasal niya sa gitna ng pandemya.

Ni-repost naman ni Bautista sa kanyang personal Facebook account ang anunsisyo ng Facebook page ng DUMPER PTDA Partylist tungkol sa pakikipagtulungan nito sa LGU ng Davao para sa katatapos na vaccination ng PUV drivers.

Caption niya: "Successfully delivered."

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kinuwestiyon nina Agot Isidro, Enchong Dee, Pokwang, at Ogie Diaz ang magarbong pagpapakasal ni DUMPER Party-list Representative Claudine Diana "Dendee" Bautista sa gitna ng pandemya. Napatanong din sila pati ibang netizens kung may naitulong daw ba si Bautista sa public utility vehicle drivers na patuloy na apektado ng krisis dala ng COVID-19.
PHOTO/S: Noel Orsal / Ogie Diaz & Enchong Dee YouTube / Pokwang & Michael Cinco Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results