Sharon Cuneta answers critic telling her "share mo blessings mo yung walang camera"

by Rachelle Siazon
Aug 15, 2021
Sharon Cuneta to her critic: "Ang dami mong hindi alam sa mga nagawa ko na at ng pamilya ko, pati mga anak ko nag-aambag mula sa ipon pati alkansya."
PHOTO/S: @reallysharoncuneta Instagram

Hindi pinalampas ni Sharon Cuneta, 55, ang isang kritiko na pinuna ang panawagan niya sa mga kababayang may kakayanang tumulong sa mga nangangailangan ngayong pandemya.

Nag-ugat ito sa mensahe ni Sharon tungkol sa pag-iisip niya ng "long-term" aid lalo na sa mga nawalan ng hanapbuhay at walang pantustos sa pang-araw-araw na pangangailangan.

Bahagi ng Facebook at Instagram post ni Sharon noong August 11:

"I am wracking my brain trying to think of how I and hopefully fellow artistas and singers and other non-famous but more fortunate people can help.

"Please pray with me so that the Holy Spirit may give me ideas that will work.

"Also you are most welcome to make suggestions, not just for the duration of the ECQ, but hanggang maayos ang pag-(mis)handle ng Covid Crisis na ito sa ating bansa."

Dagdag niya, "Pati po pantawid-gutom po at gamot sa mga may sakit ngayong ECQ WELCOME po from anybody who'd love to help!!!"

Continue reading below ↓

Nakarating kay Sharon ang patutsada ng isang netizen na hindi raw sana publicity lang ang pinaplanong pagtulong ng Megastar.

Sabi ng netizen: "Share mo na lang kaya ang blessings mo sa mga apektado yung walang cmera ha...."

SHARON ON NEED FOR TRANSPARENCY

Ipinost ni Sharon ang screenshot ng mensahe ng kanyang kritiko.

Idiniin ni Sharon na hindi lahat ng kanyang pagtulong ay idinadaan niya sa social media.

Balik-sagot ng Megastar sa kritiko niya: "Nanawagan nga ako sa ibang gusto ding tumulong.

"Ang dami mong hindi alam sa mga nagawa ko na at ng pamilya ko, pati mga anak ko nag-aambag mula sa ipon pati alkansya.

"Ang na'camera' gaya ng sabi mo at naisulat na ay kakaunting % lang ng alam ng Pangingoong naitulong namin ng galing sa puso at walang nakakaalam."

Ipinunto rin ni Sharon na kailangan ng transparency lalo na kung humingi siya ng tulong mula sa ibang potential donors.

Continue reading below ↓

"KAILANGAN naming ipaalam ang napaalam na dahil humihingi din kami ng tulong mula sa iba na nagpapakitang kung kami ay may naitulong, sana sila/kayo rin.

"Yon LANG ang dahilan ng pinapaalam sa publiko.

"Di na namin kailangan ng puri o sikat, nagbabawas pa baka puede."

IS SHARON "MADALING MAGALIT"?

May pumansin na netizen sa pagpatol ni Sharon sa kanyang kritiko.

Continue reading below ↓

"Napapansin ko madaling magalit si Sharon," sabi ng netizen.

Ipinaliwanag ni Sharon na hindi siya galit kundi nagpapaliwanag lamang.

Ani Sharon, "Ay hindi po! Maayos po salita ko today kasi masaya naman po ako!

"Minsan lang talagang matulungin ako at matiyagang nage-explain sa mga tila di makaintindi o ayaw lang umintindi sa sinasabi ko."

Dagdag niya patungkol sa bashers, "Madalas naman, block na lang!"

Continue reading below ↓

"HINDI AKO NAKIKIPAG-AWAY."

Sa hiwalay na post ni Sharon, inulit nitong ang tanging intensiyon niya ay humingi ng suhestiyon para sa pinaplanong pagtulong sa mga nangangailangan.

"Para hindi lang lahat umaasa sa gobyerno. Baka lang makausad ng konting bilis pa.

"Hindi ako nakikipag-away sa kahit kanino," paliwanag ni Sharon.

"The end na muna ito dahil alam niyo naman... kahit maganda ang intensyon ng isang tao, meron at meron pa ring mambabash!

"Expected na natin pero wag na pansinin."

Continue reading below ↓

Noong April 2020, nabatikos si Sharon dahil isa siya sa mga personalidad na nag-abot ng tulong pampiyansa sa 21 rallyista sa Quezon City dahil sa umano'y kakulangan ng ayuda sa kanilang lugar noong panahong iyon.

Inaresto ng mga awtoridad ang mga rallyista dahil sa paglabag sa ipinatutupad na enhanced community quarantine.

Dahil sa mga batikos na ipinukol sa kanya, nabanggit ni Sharon na ang malasakit niya ay hindi lang naman sa mga rallyista kundi pati sa ibang nangangailangan ng tulong.

Doon na dinepensahan si Sharon ni Angel Locsin, na nagbunyag na nag-donate ang Megastar ng PHP3 million sa proyekto noon ni Angel na magpatayo ng makeshift tents sa mga ospital sa iba't ibang siyudad sa Metro Manila.

HOT STORIES

Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sharon Cuneta to her critic: "Ang dami mong hindi alam sa mga nagawa ko na at ng pamilya ko, pati mga anak ko nag-aambag mula sa ipon pati alkansya."
PHOTO/S: @reallysharoncuneta Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results