Dominic Roque proudly calls girlfriend Bea Alonzo "mine"

by Rachelle Siazon
Aug 16, 2021
Dominic Roque declares relationship status with Bea Alonzo and shows their photo holding hands while sitting on a bench at Carmel, California. Bea, on the other hand, showed on her vlog that sweet moment where Dominic softly kissed her on the cheek when they stopped over along a coastal highway.
PHOTO/S: @dominicroque Instagram / Bea Alonzo YouTube

Puno ng ligayang kinumpirma ni Dominic Roque, 31, ang relasyon nila ni Bea Alonzo, 33.

Kung dati ay panay lang ang pahiwatig ni Dominic ng pagsinta niya kay Bea, ngayon ay buong pagmamalaki niyang sinabi na ang Kapuso actress ay matatawag niyang "mine."

Sa pamamagitan ng Instagram post noong Linggo ng gabi, August 15, ipinakita ni Dominic ang sweet couple photo nila ni Bea na kuha sa Carmel, California.

Nakaupo sila sa isang bench habang magkahawak-kamay, at makikitang nakahilig ang ulo ni Bea sa balikat ni Dominic.

Caption ni Dominic na may heart at hug emojis: "Mine.Thanks for watching Bea’s Travel Vlog part 1."

Hindi rin itinago ni Bea ang saya niya ngayong opisyal na ang relasyon nila ni Dominic.

"Kinilig ako," saad ni Bea sa comments section ng post ng nobyo.


Continue reading below ↓

Sa vlog ni Bea, makikita ang food trip nila ni Dominic sa iba-ibang lugar na pinuntahan nila sa California.

Sa dulo ng video ay may drone shot sila kunsaan masuyong hinalikan ni Dominic sa pisngi si Bea.

Unang kinumpirma ni Bea ang tungkol sa relasyon nila ni Dominic sa ulat ng 24 Oras noong August 9, 2021.

HOT STORIES

FIRST SIGHTINGS

Pero noon pa lang February 2020, naiulat sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang usap-usapan ng netizens tungkol sa lumutang na mga litrato nina Bea at Dominic.

Namataan si Dominic na bukod-tanging showbiz personality na kasama sa photo-op ng pamilya ni Bea. Kuha iyon sa baby shower para sa sister-in-law ni Bea na si Thalia Agbayani, anak ng komedyanteng si Bayani Agbayani.

Lumutang din ang litrato noon ni Bea na kasama si Dominic na namimili ng grocery. Naroon din si Nina Ferrer, na kasama nilang nagbakasyon sa Japan noong 2019.

Kahit noong unang bugso ng pandemya sa bansa ay hindi nakaligtas sa mapanuring netizens ang litrato ng sasakyan ni Dominic sa tapat ng bahay ni Bea. Kuha iyon noong gumagawa si Bea ng face shields para i-donate sa frontliners.

Continue reading below ↓

BEA AND DOMINIC'S UNDENIABLE CLOSENESS

Pagsapit ng October 2020, inamin ni Bea sa kanyang vlog na handa na siyang maging masaya muli at mayroon siyang idine-date na hindi pinangalanang lalaki.

Sa vlog ng aktres noong January 2021, inamin ni Bea na "jojowain" niya si Dominic nang mabanggit ang pangalan ng binata sa "Jojowain o Totropahin Challenge."

Hanggang sa nagbakasyon sina Bea at Dominic sa California mula July 6 hanggang August 3.

Dito na nagsimulang maging bukas ang dalawa sa pagpapakita ng sweet moments nila roon.

HOT STORIES

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dominic Roque declares relationship status with Bea Alonzo and shows their photo holding hands while sitting on a bench at Carmel, California. Bea, on the other hand, showed on her vlog that sweet moment where Dominic softly kissed her on the cheek when they stopped over along a coastal highway.
PHOTO/S: @dominicroque Instagram / Bea Alonzo YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results