Heart Evangelista shows cozy piggyback pose with Brandon Boyd; netizens quip, "Chiz left the group"

by Rachelle Siazon
Aug 16, 2021
Kapuso actress Heart Evangelista finally meets Incubus frontman Brandon Boyd in Los Angeles. Upon seeing a video of Heart and Brandon's pictorial, netizens couldn't help but rib the actress about how her husband Chiz Escudero might react to it.
PHOTO/S: @iamhearte Instagram / Facebook (inset)

Nagkita na ang Kapuso actress na si Heart Evangelista, 36, at ang Incubus frontman na si Brandon Boyd, 45, sa Los Angeles.

Ilan sa mga sikat na kanta ng American rock band ay "Wish You Were Here,"
Anna Molly," at "Stellar."

Ngayong Lunes, August 16, ipinasilip ni Heart ang pictorial nila ni Brandon kunsaan sumampa siya sa likod ng international singer.

Makikitang bumuwelo si Heart bago tumalon sa likuran ni Brandon na may taas na 6'2".

Tila kayang-kaya naman ni Brandon ang bigat ni Heart, at pareho silang maganda ang pagkakangiti sa camera.

Sabi ni Brandon kay Heart, "You're shocked at how much you don't weigh."

Nakayakap si Heart kay Brandon habang kinukunan sila ng litrato.

Pagkatapos ay sinabi ni Heart, "You can put me down."

Continue reading below ↓

Bahagya pang minasahe ni Heart ang balikat ni Brandon, dahil waring nahihiya siya na baka nabigatan ito sa kanya.

Natatawang paniniguro ni Brandon na hindi mabigat si Heart, "You're fine."

Naka-tag si Brandon sa Instagram Story ni Heart.

Sabi niya sa Incubus singer, "You're crazy for pushing for this shot - but thank you for being so polite [monkey covering eyes emoji]."

Narito ang isa pang behind-the-scene video mula sa kanilang pictorial:

NETIZENS JOKINGLY REACT: "CHIZ LEFT THE GROUP"

Isang Facebook page ang nag-repost ng Instagram Story ni Heart, at marami sa netizens ang nakapansin ng cute piggyback pose ng aktres at ni Brandon.

Marami sa mga ito ang nanukso na baka magselos daw ang mister ni Heart na si Sorsogon Governor Francis "Chiz" Escudero, 51.

Continue reading below ↓

May mga nagbiro pang baka raw "Say Chiz" ang sinabi ng photographer para ngumiti sina Brandon at Heart.

Inihirit din ng isang netizen na bagay kay Chiz ang kanta ng Incubus na "Wish You Were Here."

Continue reading below ↓

Sabi pa ng iba, baka raw kinakanta na ni Chiz ang "Pardon Me" ng Incubus na ang first line ay "Pardon me while I burst."

May netizens ding gumawa ng meme na kunwa'y nagmamatyag si Chiz sa kaganapan.

Continue reading below ↓

Marami ring female netizens ang nagsabing masuwerte si Heart, at sana raw ay sila ang nakaranas ng piggyback ride sa sikat na Incubus frontman.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

ART COLLABORATION

Inimbitahan ni Brandon si Heart na maging bahagi ng Moonlight Arts Collective, isang collaborative project na inorganisa ni Brandon kasama ng ibang artists, na nakilala sa ibang field of career pero may talento rin sa pagpinta.

Makikita sa website ng Moonlight Arts Collective ang ilan pang artists na kasama nila, tulad ng composer na si Mark Mothersbaugh, comedian na si Melissa Villaseñor, aktres na si Alia Shawkat, at photographer na si Brian Bowen Smith.

Continue reading below ↓

Noong Mayo unang ibinahagi ni Heart ang tungkol sa pag-follow sa kanya ni Brandon sa Instagram, at kung paano sila nagsimulang mag-usap tungkol sa kanilang art project.

Noong Hulyo unang pinasilip nina Heart at Brandon ang limited artworks nila na ipi-feature sa Moonlight Arts Collective.

HEART MISSES CHIZ

Ilang oras matapos i-post ni Heart ang pictorial nila ni Brandon, nag-post ang aktres ng shoutout para sa mister na si Chiz.

"I miss my true happy pull, @escuderochiz," saad sa caption ni Heart.

Continue reading below ↓

Bago sa Los Angeles ay nanggaling na si Heart sa New York para sa ilang work engagements.

HOT STORIES

Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actress Heart Evangelista finally meets Incubus frontman Brandon Boyd in Los Angeles. Upon seeing a video of Heart and Brandon's pictorial, netizens couldn't help but rib the actress about how her husband Chiz Escudero might react to it.
PHOTO/S: @iamhearte Instagram / Facebook (inset)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results