Enchong Dee apologizes to Congresswoman Claudine Bautista over "reckless" tweet

by Rachelle Siazon
Aug 18, 2021
Enchong Dee: "With deep regret, I would like to apologize to Congresswoman Claudine Bautista, her husband, their families, and the Dumper Partylist... I will take this opportunity to reflect on the wrong I have done and use this opportunity to better myself in being more discerning of my actions."
PHOTO/S: Enchong Dee YouTube / Michael Cinco Instagram

Humingi ng paumanhin ang aktor na si Enchong Dee kay Congresswoman Claudine Diana "Dendee" Bautista dahil nagkamali raw siya sa mga binitawang salita laban dito.

Si Bautista ang representative ng Drivers United for Mass Progress and Equal Rights o DUMPER party-list.

Martes ng gabi, Agosto 17, nag-tweet si Enchong ng kanyang public apology.

Kaugnay ito ng pagbatikos ng netizens at ilang artista sa anila'y magarbong wedding ni Bautista sa longtime friend nitong si Jose French "Tracker" Lim.

Karamihan sa kanila ay pinuna ang wedding gown ni Bautista na gawa ng sikat na international designer na si Michael Cinco.

Ginanap ang kasal sa mamahalin at eksklusibong Balesin Island Resort sa Polilio, Quezon.

Si Enchong ay tahasang kinuwestiyon kung saan galing ang perang ginastos sa kasal ni Bautista.

Tweet ni Enchong noong gabi ng August 14: "The money for commuters and drivers went to her wedding. Let’s not prolong this conversation and don’t say otherwise."

Continue reading below ↓

Pero binabawi na ito ni Enchong.

Burado na rin ang tweet sa kanyang Twitter feed.

Ayon sa aktor, naging padalos-dalos siya sa kanyang opinyon, at lubos niyang pinagsisisihan ito.

Opisyal na pahayag ni Enchong: "I have been reckless in the tweet I posted and I take full responsibility for my lapse in judgment.

"With deep regret, I woul like to apologize to Congresswoman Claudine Bautista, her husband, their families, and the Dumper Partylist.

"I reacted based on impulse without thinking of the consequences nor the harm it may cause."

Napagtanto raw ni Enchong na kailangan niyang maging responsable sa kanyang binibitawang salita.

Aniya: "I learned that as dutiful citizens, we must always fact-check our statements to avoid sensationalism and the spread of false news.

"I will take this opportunity to reflect on the wrong I have done and use this opportunity to better myself in being more discerning of my actions."

HOT STORIES

DUMPER'S recent VACCINATION PROGRAM IN DAVAO CITY

Nang pumutok ang isyu sangkot si Bautista, walang inilabas na opisyal na pahayag ang kongresista.

Pero noong August 15, ni-repost ni Bautista sa kanyang Facebook page ang tungkol sa vaccination program para sa "18,000" PUV drivers sa Davao City.

Nakasaad na magkatuwang ang LGU ng Davao at DUMPER party-list sa proyekto, na kakatapos noong August 14.

Continue reading below ↓

"Successfully delivered for our PUV sector," saad sa caption ni Bautista.


Nakasaad din sa Facebook page ng DUMPER ang iba pang relief ops para sa ilang grupo ng PUV drivers na isinagawa ng party-list kamakailan.

WHO IS CLAUDINE BAUTISTA?

Si Claudine Bautista ay vice chair ng Transportation Committee sa Kongreso at assistant majority leader ng Rules Committee.

Continue reading below ↓

Ilan pa sa komite sa Kongreso kunsaan miyembro siya: Creative Industry and Performing Arts, Games and Amusements, Good Government and Public Accountability, Legislative Franchises, at Sustainable Development Goals.

Siya ay ipinanganak at lumaki sa Davao City.

Ayon sa ulat ng The Philippine Star noong December 2020, nagtapos si Bautista ng kursong Hospitality Management sa L’Institut de Hautes Etudes Glion sa Glion, Switzerland noong 2005.

Muli siyang nag-aral at nagtapos ng kursong BS Entrepreneurship sa Ateneo de Davao University noong 2013.

Panganay siyang anak ni Davao Occidental Governor Claude Bautista.

Ang mister ng kongresista na si Jose French "Tracker" Lim ay anak ng may-ari ng isang car franchise sa Davao.

Sina Bautista at Lim ay parehong galing sa prominente at mayamang pamilya.

Nananatiling bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa anumang pahayag ng mga personalidad na nabanggit sa artikulong ito.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Enchong Dee: "With deep regret, I would like to apologize to Congresswoman Claudine Bautista, her husband, their families, and the Dumper Partylist... I will take this opportunity to reflect on the wrong I have done and use this opportunity to better myself in being more discerning of my actions."
PHOTO/S: Enchong Dee YouTube / Michael Cinco Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results