Watch Now

Ai-Ai delas Alas's son Nicolo and StarStruck winner Steven Silva survive separate car crashes in the U.S.

by Ruel J. Mendoza
Aug 18, 2021
Shaun Nicolo, son of Comedy Queen Ai-Ai delas Alas (left), and former Kapuso actor Steven Silva (right) figured in separate vehicular accidents in the U.S. Thankfully, the two survived the crash without any major injuries.
PHOTO/S: Instagram

Nasangkot sa magkahiwalay na vehicular accident ang anak ni Ai-Ai delas Alas na si Shaun Nicolo at ang StarStruck V Ultimate Male Survivor at former Kapuso actor na si Steven Silva.

Prehong nangyari ang dalawang insidente sa Amerika.

Sa Instagram post ni Ai-Ai ngayong Miyerkules, August 18, ibinahagi nito na milagrong nakaligtas si Nicolo sa isang car crash na resulta ng isang hit-and-run.

Lahad ng Comedy Queen, “Nahulog sa bangin pero sa milagro ng Diyos walang galos ang anak ko.

"Grabe, Lord, salamat po sa pagliligtas sa anak ko. Walang hanggang pasasalamat.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinost din ng Kapuso comedienne ang usapan nila ng anak tungkol sa resulta ng medical examination ni Nicolo pagkatapos ng aksidente. Wala raw natamong internal injury si Nicolo.

“Bruise lang po sa hips, pero ice lang po katapat,” sabi ni Nicolo kay Ai-Ai.

Mensahe pa ni Ai-Ai sa isa pang post: “Walang galos, pasa lang sa hips. Kotse nahulog sa bangin.

"I praise and glorify you, Lord God. Salamat sa kabutihan mo at sa milagro ito sa buhay namin. Salamat sa pangalawang buhay ng anak ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

STEVEN'S "SCARIEST MOMENT"

Isang freak car accident naman ang nangyari sa dating Kapuso actor na si Steven Silva sa Sacramento, California.

Ayon sa post ni Steven sa Facebook at Instagram noong August 17, ligtas siya naturang aksidente.

Pero ang minamaneho niyang SUV na Nissan Rouge ay totally damaged sa driver’s side.

Isang milagro nga raw na buhay siya para ikuwento ang “scariest moment” niya.

Pagbabahagi ni Steven sa kanyang post: “Oh Sacramento, sometimes you make it really difficult to love you.

“I’m beyond thankful that we were able walk away from this accident relatively unharmed, just bruises and cuts.

"Not going to lie though, this was one of the scariest moments of my life and could’ve been way worse.

"If you know me, I drive like a grandpa but sometimes you can do everything right and bad things still happen to you. Be careful out there, friends.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagpadala ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng mensahe kay Steven, sa pamamagitan ng direct messaging sa Instagram, upang kumustahin ang kalagayan niya.

Ito ang tugon niya: “Okay naman kami, may mga pasa at sugat lang. But we’re thankful because it could’ve been way worse.”

Si Steven ang itinanghal na Ultimate Male Survivor ng reality-based artista search ng GMA-7, ang Starstruck V, noong 2010.

Ka-batch niya sina Sarah Lahbati, Rocco Nacino, Enzo Pineda, Diva Montelaba, Nathalie Hart (dating Princess Snell), at Sef Cadayona.

Natapos ang kontrata ni Steven sa GMA Artist Center noong 2016.

Huli siyang napanood sa teleseryeng Akin Pa Rin Ang Bukas noong 2013.

Naging freelancer si Steven ng ilang taon hanggang sa magdesisyon siyang bumalik sa California for good noong 2020, para makasama ang pamilya nang magsimula ang COVID-19 pandemic.

May sariling podcast si Steven, ang The Dumb Things Podcast.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Shaun Nicolo, son of Comedy Queen Ai-Ai delas Alas (left), and former Kapuso actor Steven Silva (right) figured in separate vehicular accidents in the U.S. Thankfully, the two survived the crash without any major injuries.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results