Miss Universe Malaysia declines to join Miss Universe 2021

by Bernie V. Franco
Aug 18, 2021
Miss Universe Malaysia Organization says it failed to hold its national pageant so they will not be able to send a representative at the upcoming 70th Miss Universe pageant. The Miss Universe 2020 titleholder is Andrea Meza of Mexico (left photo).
PHOTO/S: Benjamin Askinas for Miss Universe Organization / @missuniversemalaysia on Instagram

Umurong ang Malaysia sa Miss Universe 2021 na gaganapin sa December 2021.

Napagdesisyunan ng Miss Universe Malaysia Organization na ipagpaliban ang pagsali nila sa annual international beauty pageant dahil sa pananalasa pa rin ng pandemya.

Ginawa ng organization ang announcement sa kanilang social media accounts nitong Martes, August 17.

Apat na buwan bago ang prestihiyosong Miss Universe pageant, hindi nagdaos ng local pageant ang Miss Universe Malaysia Organization.

Ibig sabihin nito, wala silang representative sa international pageant ngayong taon.

Ang 70th edition ng Miss Universe pageant ay mangyayari sa Eilat, Israel.

Sabi sa official statement ng Miss Universe Malaysia Organization, “Unfortunately, due to the worsening COVID-19 situation, which has resulted in limited international and domestic travel, we have been unable to hold our local Miss Universe Malaysia 2021 pageant.

“We have therefore declined the invitation to this year’s pageant and regretfully would not be able to hold a local Miss Universe Malaysia pageant this year.”

Continue reading below ↓

Umaasa naman daw ang Malaysian organization na makakasali na sila sa mga susunod na pagkakataon.

Hindi na rin magiging kataka-taka kung madagdagan pa ang bilang ng mga bansang hindi sasali sa Miss Universe ngayong taon.

Earlier this year, 19 bansa ang umatras sa Miss Universe 2020 dahil sa pandemya.

Isa sa mga naging dahilan ng kanilang pag-atras ay dahil sa travel restrictions bunsod ng COVID-19.

Continue reading below ↓

Kabilang sa mga umurong ay ang Angola, Bangladesh, Egypt, Equatorial Guinea, Georgia, Germany, Guam, Kenya, Lithuania, Mongolia, Namibia, New Zealand, Nigeria, Saint Lucia, Sierra Leone, Sweden, Tanzania, Turkey, at U.S. Virgin Islands.

Ginanap ang 69th Miss Universe pageant sa Seminole Hard Rock Hotel & Casino sa Hollywood Florida, USA noong May 16, 2021.

Si Andrea Meza ng Mexico ang kinoronahang Miss Universe.

Sa Pilipinas, gaganapin ang Miss Universe Philippines 2021 sa September 25, 2021.

Ang mananalo ang magiging kinatawan ng Pilipinas sa Miss Universe pageant.

HOT STORIES

Use these foodpanda vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Universe Malaysia Organization says it failed to hold its national pageant so they will not be able to send a representative at the upcoming 70th Miss Universe pageant. The Miss Universe 2020 titleholder is Andrea Meza of Mexico (left photo).
PHOTO/S: Benjamin Askinas for Miss Universe Organization / @missuniversemalaysia on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results