DUMPER Rep. Claudine Bautista breaks silence on controversial Balesin wedding

by Arniel C. Serato
Aug 19, 2021
Claudine Bautista statement
Drivers United for Mass Progress and Equal Rights (DUMPER) party-list Representative Claudine Bautista on critics of her Balesin wedding: "I will no longer indulge in the statements by people of influence against me as I will leave it up to my legal team to address this."
PHOTO/S: Courtesy: DUMPER PTDA on Facebook / Instagram

Binasag na sa wakas ni Congresswoman Claudine Diana "Dendee" Bautista ang kanyang katahimikan sa kontrobersiya kaugnay ng kasal nila ng childhood friend at schoolmate na si Jose French “Tracker” Lim.

Si Bautista ay ang party-list representative ng Drivers United for Mass Progress and Equal Rights (DUMPER).

Ikinasal sina Bautista at Lim nitong Agosto sa eksklusibong Balesin Island Resort sa Polilio, Quezon. Nauna na rito ang kanilang civil wedding noon namang February 2021.

Umingay ang kasal ni Bautista matapos batikusin ng netizens na "insensitive" ang magpakita ng karangyaan ang kongresista, habang marami sa nirerepresenta niyang PUV drivers ang hirap dahil sa pandemya.

Napuna ang wedding gown niyang gawa ng international designer na si Michael Cinco, pati na ang mamahaling venue.

Sina Agot Isidro, Pokwang, at Enchong Dee ang ilang artista na nagparinig kay Bautista tungkol sa engrande nitong kasal sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ngayong Huwebes, August 19, nagbigay na ng pahayag si Bautista sa ilang media.

Continue reading below ↓

Base sa sinabi ng mambabatas, ang kanilang kasal ay bunga ng hardwork ng kanyang asawa.

Si Lim ay anak ng may-ari ng car franchise sa Davao, habang si Bautista ay panganay na anak ni Davao Occidental Governor Claude Bautista.

Pahayag ni Bautista, "My husband has been planning this special day with me for years even before the pandemic, and it pains us to see how things after our wedding turned out.

"This was supposed to be the culminating event of a decades-long love story."

Ikinalungkot ng kongresista na nabahiran ng pulitika ang aniya'y masaya sanang kaganapan sa kanyang buhay.

Hiwalay raw ang kanyang trabaho sa Kongreso at mga pangyayari sa personal niyang buhay.

Patuloy ni Bautista: "My husband is a kind and loving person and all he wanted was to give me the wedding of my dreams.

"We both found many of the comments heartbreaking.

"This celebration of love was a product of my husband’s hard work."

Continue reading below ↓

Aminado si Bautista na pinagdiskitahan ng celebrities at netizens ang mamahaling gown niya na gawa ng Dubai-based Filipino designer na si Michael Cinco.

Paglilinaw niya, wala siyang intensiyong isapubliko ang kanyang pribadong kasal.

Nagkamali raw ang sikat na international fashion designer sa pag-post ng tungkol sa kanyang kasal at humingi na raw ito ng dispensa.

HOT STORIES

MOVING FORWARD

Nais ni Bautista na mag-move on mula sa isyung ibinabato sa kanila ng asawa.

Ayaw na raw niyang makipagsagutan sa mga personalidad na bumatikos sa kanya dahil ipinapaubaya na niya ito sa kanyang legal team.

Saad ni Bautista sa kanya namang official statement: "Moving forward, I want to move past this issue and focus on pressing matters—the pandemic and serving better my constituents.

"I will no longer indulge in the statements by people of influence against me as I will leave it up to my legal team to address this."

ON DOING HER JOB

Sa huli, sinagot ni Bautista ang mga kumukuwestiyon sa kanyang nagawa bilang representative ng PUV drivers.

Continue reading below ↓

Pagdating sa trabaho, sinabi ni Bautista na nag-donate siya ng PHP3M para sa mga doktor at nurse, at 1.1 million grocery packs at iba pa para sa mga public utility vehicle (PUV) drivers at mananakay.

Galing daw iyon sa sarili niyang bulsa.

Dagdag pa niya, "Kaysa magsiraan tayo, ilaan natin ang enerhiyang meron tayo bilang isang komunidad sa pag-ahon mula sa pandemyang ito."

Continue reading below ↓

Noong August 17, humingi ng dispensa si Enchong matapos akusahan si Bautista na galing sa pondo ng opisina ng kongresista ang ginastos sa kasalan.

Binawi iyon ni Enchong, at inaming nagpadalus-dalos siya sa kanyang tweet.

HOT STORIES

Use these MetroMart promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Continue reading below ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Drivers United for Mass Progress and Equal Rights (DUMPER) party-list Representative Claudine Bautista on critics of her Balesin wedding: "I will no longer indulge in the statements by people of influence against me as I will leave it up to my legal team to address this."
PHOTO/S: Courtesy: DUMPER PTDA on Facebook / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results