JaMill deletes YouTube with 12M subs "to save their relationship"

by Rachelle Siazon
Aug 19, 2021
Jayzam Manabat and Camille Trininad, better known as Jamill, prove that their relationship is not just a publicity stunt by deleting their YouTube Channel.
PHOTO/S: @jamill Instagram

Nagpaalam na ang JaMill sa higit 12 million subscribers ng kanilang YouTube channel.

Ang JaMill ay uniname ng real-life couple na sina Camille Trinidad at Jayzam Manabat.

Sumikat sila bilang content creators, at sa YouTube nasubaybayan ng kanilang mga tagahanga ang love story nila at iba pang kaganapan sa kanilang buhay mula noong 2016.

Nitong Huwebes, Agosto 19, 2021, nag-trend ang JaMill dahil napuna ng netizens na biglang naglaho ang kanilang YouTube channel.

Hapon nang mag-post sa Facebook ang JaMill upang kumpirmahing deleted na ang Jamill YouTube channel.

Hindi raw ito fake news.

Sabi sa caption (published as is): "Deleted Na Talaga YT namin. Hindi Joke o Prank o Kung ano.

"Sobrang saya nang naexperience namin sa YouTube pero this time mas priority na namin ang Relasyon namin dalawa.

"Gusto namin Habang buhay talaga kaming nag mamahalan mga Kaigan.
Share this video to Spread the news, Para di sila mabiktima ng Fake news.

Continue reading below ↓

"Eto ang dahilan and i hope irespeto nyo kami mga kaigan [hearts emojis]

"MARAMING MARAMING SALAMAT PUTEK [sad face and heart emojis] I love you all!!!! AHU!!!! #Jamill

"Kahit puti na bulbol namin, kami parin > Kahit puti na bulbol namin vlogger padin kami."

Sa kalakip na video, ipinaliwanag ni Jayzam na nagkaroon sila ng masinsinang pag-uusap ni Camille kagabi.

Paliwanag ni Jayzam, "Tingin ng ibang tao, nag-stick lang kami sa isa't isa dahil sa YouTube channel.

"May interview kami na pinagdaanan ta's yun ang mga tanong, 'Totoo ba yung relasyon niyo?'

"Nakakainis. Ganun ba tingin ng nakakarami?"

Lumalabas na lubha silang naapektuhan sa pagkuwestiyon ng ibang tao sa sinseridad ng kanilang relasyon.

Pag-amin ni Jayzam, "Dahil naririnig namin yun, pumapasok na sa isip namin.

"Nagkakatanungan na kami, 'Dahil lang ba sa YouTube?'

"Hanggang sa gumawa kami ng desisyon."

Sabay turo ni Jayzam kay Camille, "Siya pala. 'Babe, deleted na yung channel, ha?'"

Continue reading below ↓

Biglang natawa si Camille na nasa tabi lang ni Jayzam.

Halos hindi makapagsalita si Camille dahil baka raw maiyak pa siya kaya si Jayzam ang nagpaliwanag ng dinaanan nila.

Ginaya ni Jayzam ang boses ni Camille nang pag-usapan nilang hindi na maganda ang epekto ng YouTube sa kanilang relasyon.

Sabi raw ni Camille, "'Sige na! Ayoko na! Gusto ko na lang ng simpleng buhay. Ayoko ng ganito! Napi-pressure tayo!

"'Parang yung buhay natin, yung relasyon natin, umiikot na lang sa YouTube!'"

Sabay dinelete raw ni Camille ang kanilang YouTube channel.

Patuloy ni Jayzam, "Sabi ko, 'Sige, okay lang.'

"Pinapatunayan namin sa isa't isa na wala kaming pakialam sa YouTube. Na mahal namin ang isa't isa.

"Ito ang punto namin: Kahit na wala yung channel namin, kami pa rin, nagmamahalan pa rin kami.

"Hindi dahil may YouTube kaya kami nandito.

"Nagkasubukan kami, hanggang sa nagka-delete-an ng channel."

Ano ang sumunod na nangyari?

Continue reading below ↓

Diin ni Jayzam, "Kami pa rin. Magkasama kami. Magkayakap pa kaming natulog."


HOT STORIES

BACK TO SIMPLE LIFE

Gusto raw balikan nina Jayzam ang Camille ang panahon na ang pokus nila ay simpleng pamumuhay habang sila ay magkasama.

"Naisip namin na mamuhay na lang kami nang normal ni Camille. Gusto namin ng normal na buhay.

Continue reading below ↓

"Kagaya nang nangyari sa amin dati. Simple lang kami. Ganito lang kami.

"Ayaw na namin yung masyadong mataas. Ang daming nakakakita sa amin. Marangya.

"Hindi ito sa pagiging ungrateful. Ito yung naramdaman namin na gusto namin kami lang nakakakita sa relasyon namin.

"Yung tamang dramang ganun."

Naalala pa ni Jayzam ang isang simple pero masayang pagkikita nila noon ni Camille.

"Ang dami naming pinagdaanan nung wala pa itong YouTube channel. Ihahatid ko siya sa bus, uuwi siya sa Nueva Ecija.

"Sa sobang mahal sa akin ni Camille, bababa pa iyan ng bus ulit. Ta's pag nahimasmasan kami ng drama, 'T*** i**, Babe! Sayang yung bus, ang luwag-luwag.'

"Di mag-aantay kami ng panibagong bus dahil sa kalandiang taglay na meron kami noon. E, di ilang oras na naman maghintay."

Continue reading below ↓

NOT AN EASY DECISION

Aminado si Jayzam na hindi madali ang desisyon nila ni Camille na tuldukan ang YouTube channel nila.

Hindi biro ang magkaroon sila ng 12 million subscribers.

Ang YouTube channel nila ang naging daan upang makapundar sila ng sariling bahay, mabili ang dream cars nila, at maranasan ang magandang buhay.

Pero ayaw raw nilang maging kapalit noon ang magandang pagsasama nila.

Lahad ni Jayzam, "Ito, galing sa puso namin na ang hirap ng nasa taas. Legit.

"Hindi sa nagmamataas. Twelve million subscribers. Ang hirap i-sustain ng channel na ito na dalawang utak lang. Hindi na namin alam gagawin namin.

"Gusto namin mamuhay nang simple, pero may obligasyon kami na kailangan gawin. May kailangan punan.

"Yun nasa isip namin."

Continue reading below ↓

NO WAY TO RETRIEVE THE CHANNEL

Nang mag-trend sa Facebook at Twitter ang pagkawala ng YouTube channel nila, bigla raw naisip nina Camille at Jayzam na subukang i-request sa YouTube na ibalik ang kanilang account.

Pero binalikan daw sila at sinabing hindi na mare-retrieve ang JaMill account.

"Nabalitaan namin hindi na talaga mababalik. So, di na ako vlogger. Tagadampot na lang ako full time ng mga tae ng mga aso nito.

"So, wala na. Siguro mag-post na lang kami ng video kulitan sa IG, TikTok, Facebook," saad ni Jayzam.

Nakaramdam daw si Jayzam ng panghihinayang.

Aniya, "Nalungkot ako, Babe. Yung mga dati nating video, di na natin mapapanood pag tumanda tayo. Sayang. Nalulungkot ako kasi memories.

"Pero the fact na maalis sa pangalan namin na nag-stick lang kami dahil may YouTube, ang sarap sa pakiramdam."

Singit ni Camille, "Yun ang importante sa akin.

"Nung pinindot ko [yung delete button], ang gaan ng pakiramdam ko. Hindi ko alam kung bakit.

Continue reading below ↓

"Gusto ko lang maramdaman na talagang hindi yun ang kinakapitan natin dalawa.

"Tapos napatunayan ko siya kagabi."

Sa huli, sabi ni Jayzam, "Ito ay one step level up para sa ikaka-healthy ng relasyon namin.

"Gusto namin talaga ng forever mga kaigan. Legit.

"At kung isa ito sa step ng ika-forever ng relasyon namin, di kami magdadalawang-isip mga kaigan.

"Maraming-maraming salamat dahil binago niyo ang buhay namin ni Camille."

Noong April 2021, nasangkot sa kontrobersiya ang JaMill nang isiwalat ni Camille ang tungkol sa ilang buwang panloloko sa kanya ng partner na si Jayzam.

Dalawang babaeng naugnay kay Jayzam ang lumantad noon matapos madawit ang kanilang mga pangalan sa isyu.

Inamin ni Jayzam ang pagkakamali niya kay Camille, at nangakong magiging tapat na siyang karelasyon.

Nagkabalikan noon sina Jayzam at Camille.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jayzam Manabat and Camille Trininad, better known as Jamill, prove that their relationship is not just a publicity stunt by deleting their YouTube Channel.
PHOTO/S: @jamill Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results