Watch Now

Nikko Natividad defends Arjo Atayde; netizen slams actor for lewd response

by Bernie V. Franco
Aug 19, 2021
A netizen calls out Nikko Natividad (left) over a lewd response to a female netizen after he defended his friend and co-star Arjo Atayde over alleged breach of COVID-19 health protocols in Baguio City.
PHOTO/S: @hashtag_nikko/YouTube (ABS-CBN Entertainment)

Naging mainit ang pakikipagsagutan ni Nikko Natividad sa ilang netizens na kinontra siya matapos nitong ipagtanggol si Arjo Atayde.

Si Nikko ay kasama sa pelikulang ginagawa ni Arjo sa Baguio City.

Nagkaroon ng kontrobersiya matapos akusahan ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong si Arjo at ang team nito ng breach of COVID-19 health protocols.

Si Arjo at siyam pang kasamahan sa 100-man production team ay nagpositibo sa COVID-19.

Sa kabila nito, sinuway umano ni Arjo ang usapang huwag siyang aalis. Umalis daw ang aktor nang walang paalam at iniwan sa Baguio City ang mga kasama sa production team.

Nagpaliwanag ang kampo ni Arjo, sa pamamagitan ng isang official statement, tungkol dito.

Ayon sa kampo ng aktor, nagkasundo ang mga magulang ni Arjo na sina Sylvia Sanchez at Arjo Atayde, mga doktor ng aktor, at head ng production team na mas makabubuti kung sa ospital sa Maynila magpatingin si Arjo kaya ito nagdesisyong bumaba na ng Baguio.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May mga sintomas daw si Arjo kagaya ng lagnat, sakit ng ulo, at hirap sa paghinga.

NIKKO DEFENDS ARJO

Ni-retweet ni Nikko ang official statement na inilabas ng kampo ni Arjo nitong Miyerkules, August 18.

Sa caption, itinanggi ng Hashtags member ang paratang na pinabayaan sila ni Arjo.

Tweet ni Nikko: “Hindi kame inabandona. Nakakatawa kasi pagkakareport.

“At hindi rin ho tumakas. Sinugod ho sa ospital.”

Sumunod niyang tweet: “Napaka buti at alaga ni arjo sa aming lahat. Kaya panong sasabihing inabanduna?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa Instagram ay ni-repost ni Nikko ang screenshot ng kanyang tweet na nagtatanggol kay Arjo.

Caption niya rito: “Hindi ganung tao si @arjoatayde.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NIKKO FIRES BACK AT CRITICS

Sunud-sunod din ang post ni Nikko sa kanyang Instagram Story para patuloy na ipagtanggol si Arjo.

Giit niya: “Hindi ho tumakas. Dinala ho sa hospital. Kriminal bat tatakas?”

Ipinost din ni Nikko ang screenshot ng pagsagot niya sa isang female netizen.

Bintang ng netizen, inasikaso umano ni Arjo sina Nikko dahil mga kaibigan niya ang mga ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Komento ng netizen (published as is): “Cympre sa inyo maasekaso kc mga kaibigan ….pero pamilya pinabayaan.”

Maanghang na sagot ni Nikko: “sure ka? Kanino mo nalaman na pinabayaan nya pamilya nya?

“Ate masama magpakalat fake news baka magsara p*p* mo”

Isa pang female netizen ang nabastusan sa sagot ni Nikko kaya nagpadala ito ng private message sa aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mensahe nito: “Bastos ka talaga para kang walang nanay at asawa. Proud na proud kapang bastos ka? Parang walang pinag aralan.”

Sunud-sunod ang sagot ni Nikko para mangatuwiran.

Ipinost niya ang screenshot ng pakikipagsagutan niya sa female netizen.

Ayon kay Nikko, ibinabalik lang niya ang pambabastos na natatanggap mula sa mga netizen.

Reply ni Nikko (published as is): “Sinung nagsabeng proud ako?

“Pag pinatulan at binigyan ng leksyon yang mga bastos galit pa kayo samen

“Anu tingin nyo saming mga artista? Hnd tao? Kayo lang pwede pumitik at magtanggol ng kaibigan? May vocid na kaibgan ko gagaguhin pa nya

“Panu kung sayo gawen yan? Matutuwa kaba?

“Isip isip din

“Hnd na sapat na tahimik nalang kame. Masyado nyo na kaming binabastos”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wala nang sumunod na post si Nikko pagkatapos nito.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A netizen calls out Nikko Natividad (left) over a lewd response to a female netizen after he defended his friend and co-star Arjo Atayde over alleged breach of COVID-19 health protocols in Baguio City.
PHOTO/S: @hashtag_nikko/YouTube (ABS-CBN Entertainment)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results