AJ Raval opens up about breakup with boyfriend Axel Torres: "Ayaw niya po akong magpaseksi."

by Jojo Gabinete
Aug 20, 2021
AJ Raval on breakup with Axel Torres: "Hindi na po ako magsisinungaling, pero kasali na rin po si Sean. Pinagselosan po si Sean. Ayaw din po talaga niya ng karera ko ngayon." The Sean that AJ is referring to is Sean de Guzman, her leading man in the movie Taya.
PHOTO/S: @axeltorres Instagram

Tinuldukan na ni AJ Raval, 25, ang relasyon nila ng dating Pinoy Big Brother housemate na si Axel Torres, 28.

Noon lamang Mayo, sa story conference ng Nerisa, inamin ni AJ na nobyo niya si Axel.

Pero sa virtual conference ng Taya ngayong Biyernes, August 20, ipinagtapat ng sexy star na hiwalay na sila ni Axel.

Ayon kay AJ, hindi matanggap ni Axel ang pagpapaseksi niya sa mga pelikula.

"To be honest po, marami kaming naging problema sa career namin kaya nag-end po nang maaga yung relationship namin," pag-amin ni AJ.

Nangyari ang kanilang breakup dalawang buwan na ang nakalilipas.

Ito ang dahilan kaya burado na ang kanilang mga litratong magkasama sa Instagram account ng ex-PBB housemate. Hindi na rin nila sinusubaybayan ang social media accounts ng isa't isa.

Sa Setyembre raw sana ang second anniversary nila bilang magkasintahan.

"Hindi po ako magsisinungaling. Hindi po ako magpapakitang-tao. Yun po ang pinaka-reason," tukoy ni AJ sa kanyang daring roles sa mga pelikula.

Continue reading below ↓

Dagdag niya, "Gusto ko pong ipagpatuloy yung karera ko. Gusto ko pong sumugal sa karera ko kaysa sa love life."

AXEL GOT JEALOUS OF SEAN

Diretsahan ding sinabi ni AJ na nadawit si Sean de Guzman sa mitsa ng breakup nila ni Axel.

Si Sean ang leading man ni AJ sa Taya, at marami silang mapangahas na eksena sa pelikula.

Paliwanag ni AJ: "Hindi na po ako magsisinungaling, pero kasali na rin po si Sean. Pinagselosan po si Sean.

"Ayaw din po talaga niya ng karera ko ngayon. Ayaw po niya akong magpaseksi, which is naiintindihan ko naman siya sa part niya.

"Pero kung susugal man ako sa pag-ibig, talo naman po ako sa karera. Pero kung susugal naman po ako sa karera, panalo pa rin ako."

Aminadong hindi kaya ni AJ na isuko ang kanyang showbiz career, lalo na't sunud-sunod ang proyektong natatanggap niya ngayon.

Hindi raw nakapag-adjust si Axel sa kanyang sexy image.

"Naiintindihan ko naman po siya sa part niya kasi pumasok po ako sa relasyon na hindi pa ako nag-aartista.

"Napaka-conservative ko pong babae hanggang sa nag-artista po ako.

"Parang dun po ako nag-start magpaseksi, so naiintindihan ko po siya sa part na hindi niya ako ganoon kakilala kaya hindi niya po matanggap na ganito ang career ko."

Continue reading below ↓

HOT STORIES

AJ OPEN TO FALL IN LOVE WITH SEAN

Kuwento pa ni AJ, si Sean ang isa sa mga unang pinagsabihan niya tungkol sa hiwalayan nila ni Axel.

"Nag-message po ako kay Sean noon. Biniro ko po siya, sabi ko, 'Sean, break na kami. Puwede mo na akong ligawan,'" prangkang saad ni AJ.

Hindi inililihim ni AJ ang sobrang pagkagiliw niya kay Sean, na walang karelasyon sa kasalukuyan.

Walang paliguy-ligoy na hayag pa ni AJ: "Si Sean, kaibigan ko po 'yan. Kilala ko siya. Alam ko ang personality niya.

"Napakabait na tao, maalaga. Pero kung magiging partners po kami, bakit hindi?"

Pero nag-usap na raw sila na ang mga career muna ang pagtutuunan nila ng atensiyon para hindi masayang ang kanilang pagiging magkaibigan.

Continue reading below ↓

AJ AND SEAN'S CLOSENESS

Ikinagulat ni Sean ang diretsahang pahayag ni AJ tungkol sa kanya.

Pero tila naging malapit talaga sila sa isa't isa.

Noong August 11, nag-post sa Instagram si Sean ng litrato nila ni AJ na kuha sa isang restobar.

Makikitang pareho silang may hawak ng mic at magka-duet sa isang kanta.

Caption ni Sean, "'di ka nakakasawang tignan, pagmasdan ang iyong mga mata."


Continue reading below ↓

Komento ni AJ, "WUV U!!!!"

Sagot ni Sean, "wuv u too."


HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
AJ Raval on breakup with Axel Torres: "Hindi na po ako magsisinungaling, pero kasali na rin po si Sean. Pinagselosan po si Sean. Ayaw din po talaga niya ng karera ko ngayon." The Sean that AJ is referring to is Sean de Guzman, her leading man in the movie Taya.
PHOTO/S: @axeltorres Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results