Derek Ramsay open to reconciliation with John Estrada

by Melba R. Llanera
Aug 21, 2021
Derek Ramsay on patching things up with good friend John Estrada: "I spoke to John. I called him, in front of my parents, last Sunday to be exact. Sabi ko, 'John, I'm calling you coz I respect you and our friendship...' May mga bagay na nangyari and John apologized to me. I'll be an asshole not to be open to his apology."
PHOTO/S: PEP File

Positibo na ang pagtingin ni Derek Ramsay sa naging sigalot nila ni John Estrada.

Taliwas sa nabitiwan niyang salita na tinutuldukan na niya ang pagkakaibigan nila ni John, ngayon ay bukas siya sa posibilidad na magkaayos pa rin sila nito.

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong August 18, sinabi ni Derek na naibsan na kung anuman ang ikinagalit niya kay John.

Lahad ng Kapuso actor, "Time will heal this. Di ako yung may galit pa. Kaibigan ko siya, e.

"Alam mo na sa pamilya, mas magnified ang away pag nag-away kayo sa pamilya.

"Para sa amin ni John, there were things that happened, but you will never hear me saying or give details because I respect him.

"Yun na ang respeto ko sa kanya at sa friendship namin."

Noong August 12, nakausap ng PEP Troika si John tungkol sa isyung nais na lumayo sa kanya ni Derek.

Continue reading below ↓

Ang tanging sinabi ni John ay kaibigan pa rin ang turing niya kay Derek sa kabila ng kontrobersiyang kinasangkutan nila.

Nakarating kay Derek ang mensaheng iyon ni John.

Sabi ni Derek, "For him to say na friends pa rin kami, I respect that.

''In time we'll be friends. I'm sure, we'll be playing golf again and we'll laugh about this and we'll move on.

"In time, we will fix this. To say na kaibigan pa rin ang turing niya sa akin, ako ang turing ko pa rin sa kanya ay kaibigan at may respeto ako sa kanya.

"Just give us time."

DEREK'S RECENT PHONE CALL WITH JOHN

Sa puntong ito, ipinagtapat ni Derek na tinawagan niya sa telepono si John noong Linggo, August 15.

"I spoke to John. I called him, in front of my parents, last Sunday to be exact.

"Sabi ko, 'John, I'm calling you coz I respect you and our friendship and I'm calling you in front of my parents.' Ang tawag niya sa parents ko is Mom and Dad."

Continue reading below ↓

Ayon kay Derek, humingi ng tawad sa kanya si John at klinaro din nito ang tungkol sa mga isyung naipukol kay Ellen Adarna.

Si Ellen ay fiancée ni Derek. Magkatambal naman sina John at Ellen sa TV5 sitcom na John en Ellen.

Patuloy ni Derek, "May mga bagay na nangyari and John apologized to me. I'll be an asshole not to be open to his apology.

"Na-clarify din naman niya ang mga bagay na pag-aatake kay Ellen. Bigyan lang kami ng oras, that will be water under the bridge and we'll be okay.

"You know, marami kaming pinagsamahan. May respeto ako sa tao, may respeto ako sa pamilya niya.

"Nakikita ko ang respeto ni John kahit nagkaaway na kami. I admire his respect to my parents nung nag-usap kami, so saludo ako sa kanya."

HOT STORIES

WHAT DEREK FELT AT THE HEIGHT OF THE ISSUE

Paliwanag pa ni Derek, kinailangan lang daw niyang magsalita sa publiko noong kasagsagan ng isyung nag-walkout umano si Ellen sa set ng John en Ellen.

Continue reading below ↓

Tila may miscommunication sa produksiyon dahil may iba sa kanila na hindi alam na may ipinangakong cut-off sa aktres noong last taping day nito sa on-location taping nila sa Batangas.

Si John ang line producer ng show, at ilang beses itong naglabas ng pahayag na "pack-up" na si Ellen kaya ito umalis sa set at hindi dahil nag-walkout.

Gayunmpaman, ayon kay Derek, pahapyaw niyang nabanggit na may kinalaman ang isyu sa John en Ellen sa kung anumang naging hidwaan nila ni John.

"Yes, nagbitaw ako ng salita na hindi ko siya kaaway pero di ko siya kaibigan.

"'You know I have a very long patience, I'm a very respectful person. I respect the relationship John and I had that's why I gave him a phone call even after all the stuff that came out."

Gusto lang daw ni Derek na manggaling mismo sa kanya kung ano ang bersyon niya ng mga pangyayari kaysa sa ibang tao na hindi alam kung ano ang nangyari.

Continue reading below ↓

Nanindigan noon si Derek na naroon siya sa last taping day ni Ellen sa Batangas, at maliwanag sa kanya na maaari niyang iuwi na ang fiancée dahil may cut-off ito.

Taliwas iyon sa impormasyong sinabi ng insider na may kinalaman sa produksiyon na nakausap ng Cabinet Files noong August 3.

"Every day in the news, fake news, all these stuff, kaya ako nagsalita.

"In my entire career, first time ako nagsalita. Hindi yung, 'Sabi ni Derek ganito...'

"Hindi, boses ko talaga ang narinig niyo."

DEREK ON LONG MEJIA'S PUBLIC APOLOGY

Isa sa nagsalita tungkol sa isyu ay si Long Mejia, na co-star nina John at Ellen sa TV5 sitcom.

Noong August 4, sa eksklusibong panayam ng PEP.ph, tahasang sinabi ni Long na tingin niya ay "pambabastos" ang ginawa ni Ellen na pag-alis ng set nang hindi tapos ang kanyang eksena.

Kinabukasan, August 5, naglabas sa PEP.ph ng public apology si Long para kina Ellen at Derek.

Continue reading below ↓

Inamin ng veteran comedian na wala siyang alam sa napagkasunduang cut-off time ng aktres sa show.

Para kay Derek, na-appreciate niya ang paghingi ng tawad ni Long.

"Hindi madaling mag-sorry in public and he did it publicly. Ginawa pa niya through video.

"And na-appreciate ko, nakausap ko rin ang asawa niya. Ano ang makukuha ko kung di ko tanggapin yun?

"Mahirap yun for anybody and he shows sincerity. If somebody shows yung sincerity, you should be open and welcome to that person's apology.

"Madaling mag-text, 'O, sorry na, sige na.' Pero hindi ganun, e. Humingi siya ng patawad.

"And for me, I embrace that with open arms and we moved on. I have nothing against Long and I accept his apology.

"But I was very honest with it. Kasi ang dahilan niya wala siyang alam sa mga nangyari.

"Sabi ko, 'Pare, wala na tayong problema. Nag-sorry ka, that's fine, I accept your apology.

Continue reading below ↓

"Pero ang sagot ko lang sa iyo, hayun na nga, dapat wag ka nang magsalita kung di mo alam ang mga bagay.

"There are times we get carried away pero rule iyan, e.

"Never open your mouth about things you don't know anything about. It will bite you in the ass."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Derek Ramsay on patching things up with good friend John Estrada: "I spoke to John. I called him, in front of my parents, last Sunday to be exact. Sabi ko, 'John, I'm calling you coz I respect you and our friendship...' May mga bagay na nangyari and John apologized to me. I'll be an asshole not to be open to his apology."
PHOTO/S: PEP File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results