Andoy Ranay, Adrian Lindayag, IC Mendoza, LGBTQ members celebrate Manny Pacquiao's loss

by Rachelle Siazon
Aug 23, 2021
LGBTQ+ members, including celebrities, rejoice after legendary Filipino boxer Manny Pacquiao (left) lost to Cuban boxer Yordenis Ugas in their boxing match held this Sunday, August 22, in Las Vegas, Nevada. Pacquiao previously made a statement about same-sex marriage that irked the LGBTQ+ community.
PHOTO/S: @mannypacquiao Instagram / Twitter (inset)

Hindi inilihim ng ilang miyembro ng LGBTQ+ ang kanilang pagbubunyi nang matalo ang legendary Filipino boxer na si Manny Pacquiao laban sa Cuban boxer na si Yordenis Ugas.

Naganap ang boxing fight nina Pacquiao at Ugas sa Las Vegas noong Linggo, August 22.

Ang LGBTQ+ ay tumutukoy sa lesbian, gay, bisexual, transgender, and questioning community.

Sariwa pa rin sa isip nila ang mga binitawang salita ni Pacquiao nang hingin ang opinyon nito tungkol sa same-sex marriage noong 2016.

ANDOY RANAY

Ang ABS-CBN director na si Andoy Ranay nag-post ng litrato niyang nakangiti matapos ang laban ni Manny.

Si Andoy ay proud LGBTQ member.

Tweet niya, "Dahil natalo yung unggoy!"


Continue reading below ↓

May mga napatanong kung para kay Manny ba ang tweet ni Andoy.

Isang netizen ang nag-reply ng gif ni Manny, at ni-repost iyon ni Andoy kalakip ng tawang "Bwahahahaha!!"

Sinamahan ito ni Andoy ng unggoy at belat na emojis.


ADRIAN LINDAYAG AND IC MENDOZA

Ang baguhang artista na si Adrian Lindayag ay may komento rin tungkol sa pagkatalo ni Manny na isa raw "homophobe."

Continue reading below ↓

Si Adrian ay bida sa 2020 Metro Manila Film Festival entry na The Boy Foretold By The Stars.

Proud member din ng LGBTQ community si Adrian.

Ani Adrian, "'matic olat talaga pag homophobe :-)"


Ang TV personality na si IC Mendoza ay nagpasaring din kay Pacquiao matapos ang laban nito.

Continue reading below ↓

Gumamit siya ng mga gay lingó na "Lotlot" at "LaOcean" para ilarawan ang kanyang opinyon sa pagkatalo ng Pinoy boxer.

Ang ibig sabihin ng "lotlot" ay talo at ang "laocean" ay laos.

Gumamit din si IC ng hashtag na "#MasaholPaSaHayop" bilang pagtukoy sa paglalarawan noon ni Manny tungkol sa same-sex marriage.


Continue reading below ↓

PEREZ HILTON

Hindi rin nakalimutan ng American blogger na si Perez Hilton ang pagtawag ni Manny sa gay relationship na "worse than animals."

Noong 2016 ay isa rin si Perez sa bumatikos sa opinyon ni Manny tungkol sa same-sex marriage.

Tweet ni Perez sa pagkatalo ni Manny laban kay Ugas, "Yordenis Ugas is Cuban. Not a horrible homophobe, like Manny Pacquiao. (That we know of).

"And he took on the fight on just 11 days' notice, after Errol Spence Jr. withdrew. Ugas deserves the win and all the praise!"


Continue reading below ↓

HOT STORIES

NETIZENS REMEMBERING MANNY'S "MASAHOL PA SA HAYOP" REMARKS

Ang cartoonist na si Zach gumawa ng artcard na pinasalamatan si Manny dahil sa pagtaas niya ng bandila ng Pilipinas bilang legendary boxer.

Pero may patutsada rin ang cartoonist nang isama niya sa art card ang boxing athlete na si Nesthy Petecio na nag-uwi ng silver medal mula sa Tokyo Olympics.

Bukas sa pagiging lesbian si Nesthy.

Bahagi ng artcard ni @cartoonistzach patungkol kay Nesthy, "PINATUNAYAN MO NA ANG MGA LGBT AY MAY IBUBUGA (AT HINDI PO SILA MAS MASAHOL PA SA HAYOP)."

Marami pang netizens ang tumawag na "homophobe" kay Manny.


Continue reading below ↓


Sabi ni @SidManila: "Dear media, wag niyo sanang lahatin ang mga Pilipino tungkol sa respeto at paghanga kay pakyaw. Mas marami sa amin ngayon ang natutuwang natalo ang isang boksingerong senador na umaayon sa EJK at sa tumawag sa aming mga LGBT+ na masahol pa sa hayop."


Continue reading below ↓

MANNY'S STAND ON SAME-SEX MARRIAGE

Nang kumandidato si Manny sa pagka-senador noong 2016, hiningan siya ng opinyon tungkol sa same-sex marriage.

Sagot ni Manny: "Mas mabuti pa yung hayop. Marunong kumilala kung lalaki, lalaki; babae, babae. Ngayon kung lalaki sa lalaki, babae sa babae, e, mas masahol pa ang hayop sa tao."

Nag-viral ang 30-second video clip na iyon ni Manny.

Ikinagalit ng netizens ang mapanghusgang salita ng legendary boxer.

Hindi nakasama sa nailabas na video clip ang paliwanag ni Manny kung bakit hindi siya pabor sa same-sex marriage.

Makalipas ang tatlong araw, naiulat ang buong kasagutan ni Manny sa one-minute version ng video.

Lahad ni Manny: "As a Christian, bawal naman yung same-sex marriage.

"Ginawa ang babae para sa lalaki, ginawa ang lalaki para sa babae.

"Kasi para sa akin, ito lang o, common sense lang.

"Makakita ka ba ng any animals na lalaki sa lalaki o babae sa babae?

Continue reading below ↓

"Mas mabuti pa yung hayop, marunong kumilala kung lalaki o lalaki, babae, babae, o di ba?

"Ngayon, kung lalaki sa lalaki o babae sa babae, e, mas masahol pa sa hayop ang tao, o di ba?

"Ang hayop lang… hindi puwedeng hindi talaga magsama ang lalaki sa lalaki.

"Pero I'm not condemning. I’m not condemning them.

"Yung marriage lang, committing sin against God."

Humingi noon ng paumanhin si Manny sa mga nasaktan sa binitawan niyang salita.

Giit ng boxer-politician, hindi niya kinokondena ang LGBTQ community, pero pinanindigan nito ang kanyang paniniwala tungkol sa same-sex marriage.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
LGBTQ+ members, including celebrities, rejoice after legendary Filipino boxer Manny Pacquiao (left) lost to Cuban boxer Yordenis Ugas in their boxing match held this Sunday, August 22, in Las Vegas, Nevada. Pacquiao previously made a statement about same-sex marriage that irked the LGBTQ+ community.
PHOTO/S: @mannypacquiao Instagram / Twitter (inset)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results