Watch Now

Rep. Toto Mangudadatu to wed Miss Asia Pacific International 2018 Sharifa Akeel on August 25

by Arniel C. Serato
Aug 23, 2021
Toto Mangudadato Sharifa Akeel wedding
Maguindanao Second District Representative Esmael “Toto” Mangudadatu will tie the knot with Miss Asia Pacific International 2018 Sharifa Akeel via "Walima Celebration" on Wednesday, August 25, in Cotabato City.
PHOTO/S: Courtesy: Esmael "Toto" Mangudadato on Facebook / @sharifaakeel on Instagram

Ikakasal muli si Maguindanao Second District Representative Esmael “Toto” Mangudadatu, 53.

Sa pagkakataong ito, ang pakakasalan niya ay ang matagal nang nauugnay sa kanyang si Miss Asia Pacific International 2018 Sharifa Akeel, 24.

Gaganapin ang kanilang pag-iisang dibdib sa Miyerkules, August 25.

Inanunsiyo ang nalalapit na pag-iisang dibdib ng mambabatas at ng beauty queen sa Facebook page ng National Commission on Muslim Filipinos, Bureau of External Relations noong Sabado, August 21.

Mababasa rito: “CONGRESSMAN AND BEAUTY QUEEN TO BE WED ON AUGUST 25

“LOOK | Congratulations and best wishes to Miss Asia Pacific International 2018 Sharifa Akeel and Congressman Esmael "Toto" Mangudadatu!

“They will be wed on August 25 at the Alnor Convention Center in Cotabato City (Walima Celebration).”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang “Walima Celebration” (https://symphonyevents.com.au/services/nikah/) ay isang uri ng seremonya kung saan ang Islam wedding ay kailangang ideklara sa publiko.

Ang public declaration ay ginagawa sa pamamagitan ng pagpaplano ng Walimah o Muslim wedding reception at upang ipaalam sa publiko na masaya ang dalawang ikakasal.

Gaganapin ang Islam wedding nina Mangudadatu at Sharifa sa Al Nor Hotel & Convention Center sa Cotabato City, ganap na ika-10 ng umaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MANGUDADATGU-AKEEL RELATIONSHIP

Naging kontrobersiyal ang relasyon nina Mangudadatu at Sharifa dahil sa pag-iingay ng isa pang asawa ni Toto na si Mylene Maligaya-Mangudadatu, noong Hunyo 2020.

Isiniwalat ni Mylene na may relasyon umano ang kanyang mister at si Sharifa simula pa noong 2019.

Nagsalita si Sharifa, pero hindi niya direktang pinangalanan si Mylene kundi tinawag niya itong “Ms Desperada.”

Nagbanta noon si Mylene na sasampahan ng reklamo sa korte si Sharifa, pero wala nang balita ukol dito.

Pinapayagan ang mga lalaking Muslim na magkaroon ng hanggang apat na asawa.

Si Mylene ay kasalukuyang konsehal sa First District ng Muntinlupa City. Naging kandidata rin siya sa Binibining Pilipinas 2006, at ginawaran ng special award na Miss Friendship.

Si Sharifa naman ay Filipino-Qatari at kinoronahang Miss Asia Pacific International noong 2018.

Siya ay tubong-Sultan Kudarat, sa Mindanao.

Si Congressman Mangudadatu, mula sa political dynasty sa Maguindanao, ay isang beteranong pulitiko.

Nagsilbi siyang mayor sa Buluan, Maguindanao noong 1998 hanggang 2007.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagkatapos ng kanyang termino, tumakbo siyang vice mayor sa nasabing bayan at naglingkod mula 2007 hanggang 2010.

Naging gobernador siya ng Maguindanao mula 2010 hanggang 2019, at naihalal na congressman noong 2019 elections.

Isa si Mangudadatu sa 70 kongresistang bumoto ng “yes” para hindi mapagkalooban ng panibagong prangkisa ang ABS-CBN.

Si Toto ay may anak na babae sa aktres na si Ynez Veneracion, ang siyam na taong gulang na si Princess Keilah Del Rosario.

HOT STORIES

Use these Lalamove promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maguindanao Second District Representative Esmael “Toto” Mangudadatu will tie the knot with Miss Asia Pacific International 2018 Sharifa Akeel via "Walima Celebration" on Wednesday, August 25, in Cotabato City.
PHOTO/S: Courtesy: Esmael "Toto" Mangudadato on Facebook / @sharifaakeel on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results