Netizens call out ABS-CBN News, GMA News for "misleading" photo about Manny Pacquiao's defeat

by Rachelle Siazon
Aug 23, 2021
Netizens criticize ABS-CBN News, GMA News, and other news organization that used the photo of Manny Pacquiao falling on his bum after being pushed by Yordenis Ugas. They pointed out, "Hindi naman napatumba si Pacquiao sa suntok eh. Tapos ganyan mga pinipili niyong photos? Tinutulak siya ng tinutulak tapos nababayagan pa nga. Ang first impression ng makakakita ay napatumba ni Ugas si Pacquiao."
PHOTO/S: ABS-CBN News / GMA News Facebook

"Misleading" ang tingin ng fans ni Manny Pacquiao sa litratong ginamit ng online news sites ng GMA-7 at ABS-CBN tungkol sa pagkatalo ng Pambansang Kamao laban kay Yordenis Ugas.

Si Ugas ang 35-year-old Cuban boxer na tumalo kay Pacquiao via unanimous decision sa boxing match na ginanap sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, Nevada, Sabado ng gabi, August 21 (Linggo ng umaga, August 22, sa Pilipinas).

Tumagal ng 12 rounds ang labanan ng dalawa.

Pasado ala una ng tanghali ng Linggo, August 22 (Philippine time) nang ilabas ng ABS-CBN News sa kanilang official Facebook page ang ulat tungkol sa pagkatalo ni Pacquiao.

Kalakip nito ang litrato kunsaan natumba nang paupo si Pacquiao habang si Ugas ay makikitang nakatayo sa ring.

Bahagi ng caption, "DEFEATED. Manny Pacquiao bows to Cuba’s Yordenis Ugas with a unanimous decision loss on Sunday (Manila time) at the T-Mobile Arena in Las Vegas."

May link iyon papunta sa kumpletong ulat kung ano ang score nina Ugas at Pacquiao para sa 12 rounds.

Continue reading below ↓

Pasado alas otso naman ng gabi nang i-post din ng GMA News sa kanilang Facebook page ang parehong litrato.

Caption dito: "The Legend vs. The Olympian

"Tinalo ni Yordenis Ugas ng Cuba si Manny Pacquiao via unanimous decision para madepensahan niya ang kaniyang WBA welterweight championship."

Continue reading below ↓

May link din iyon papunta sa in-photos article ng GMA News tungkol sa laban nina Pacquiao at Ugas.

Ginamit din ng The Philippine Star ang parehong litrato ni Pacquiao na natumba sa ring.

Pasado ala una ng tanghali nang i-post iyon sa kanilang Facebook page.

Caption sa Facebook post ng broadsheet: "Manny Pacquiao had trouble getting past Yordenis' Ugas height and busy jabbing as he lost a unanimous decision and failed to take the title that used to belong to him in their fight at the T-Mobile Arena in Las Vegas Saturday (Sunday, Manila time)."

Continue reading below ↓

Ang litratong ginamit ng ABS-CBN News, GMA News, at The Philippine Star ay galing sa subscription nila sa international news agency na Agence France-Presse (AFP).

Lahat din ng nabanggit na news organization ay may iba pang artikulo tungkol sa positibong mensahe mula sa mga kapamilya, katrabaho, at fans ni Pacquiao.

HOT STORIES

NETIZENS' REACTION: "MANNY DID NOT GET KNOCKED DOWN"

Pero inulan pa rin ng batikos ang ABS-CBN News dahil tingin ng ibang netizens ay hindi akma ang litratong ginamit sa pagkatalo ni Pacquiao.

Hindi naman daw na-knockdown ang Pambansang Kamao.

"Why do you make it seem like Manny was knocked down??? The picture is not what it seems! Para kayong hindi Pinoy ah [angry emoji]," saad ng isang netizen.

Dagdag ng isa pa, "Lol. The photo is Red Herring. Pacquiao didn't blow to Ugas. And that is a knock down. Manny was just pushed down and slipped."

Post ng isa pang netizen: "Why make your headline picture look like a knockdown? He was never knocked down. Tough fight for Manny. Ugas style and reach gave him trouble Fought too flat-footed as well. Great fight Manny. Always a fan."

Continue reading below ↓

Halos ganito ang iba pang komento ng mga nagsasabing "misleading" ang litrato ng ABS-CBN News.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Dinagsa rin ng batikos ang GMA News nang makita ng netizens na ginamit din nito ang litratong natumba si Pacquiao.

Pag-alma ng isang netizen: "Isa pa kayo GMA NEWS! Mukhang may GC kayo ng ABS ah!!!

"Hindi naman napatumba si Pacquiao sa suntok eh. Tapos ganyan mga pinipili niyong photos? Tinutulak siya ng tinutulak tapos nababayagan pa nga. Hindi sa suntok yung reason ng pagkakabagsak niya. Ayusin niyo kuha ng photos for posting. Ang first impression ng makakakita ay napatumba ni Ugas si Pacquiao [rolling eyes emoji].

Continue reading below ↓

"PS: Sen. manny did great, and sadyang may long reach si Ugas bec of height differences kaya hirap si Pacman. (Di ako professional, this is just my opinion and point of view)."

Dagdag ng isa pang netizen: "bat ito ang photo sa caption ninyo? tinabig naman siya jan..di sinuntok..bat di ninyo ilagay yung napaluhod din sa Ugas sa ibang round? well, it doesn't matter now... Pacman lost..but he gain our respect for fighting a clean and good fight! Yun lang po."

"Manny was not knocked down. He was pushed. Very misleading photograph. Be responsible!" komento ng iba pang netizen.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Ang The Philippine Star ay may ilan ding batikos na natanggap sa kanilang page:

Continue reading below ↓

Pero posibleng nadisimula ang post ng The Philippine Star dahil may kasunod agad silang post kunsaan makikita ang mga tumamang sapak ni Pacquiao kay Ugas.

Continue reading below ↓

MANNY PACQUIAO REMAINS AS PAMBANSANG KAMAO

Sa kabilang banda, bumuhos pa rin ang suporta ng Pinoy fans kay Pacquiao at hindi na pinuna pa ang litrato na ginamit ng ABS-CBN News, GMA News, at The Philippine Star.

Natalo man ito sa laban nila ni Ugas, hindi raw makakalimutan ang makailang-beses na karangalang dinala ni Pacquiao sa bansa bilang boxing champion sa walong division titles.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Netizens criticize ABS-CBN News, GMA News, and other news organization that used the photo of Manny Pacquiao falling on his bum after being pushed by Yordenis Ugas. They pointed out, "Hindi naman napatumba si Pacquiao sa suntok eh. Tapos ganyan mga pinipili niyong photos? Tinutulak siya ng tinutulak tapos nababayagan pa nga. Ang first impression ng makakakita ay napatumba ni Ugas si Pacquiao."
PHOTO/S: ABS-CBN News / GMA News Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results