Janus del Prado spills the tea about Gerald Anderson's "milagro with P"

by Arniel C. Serato
Aug 24, 2021
Janus del Prado Gerald Anderson Pia Wurtzbach
Janus del Prado shares tips to Gerald Anderson on Instagram on how to apologize sincerely: "Do it in private.”
PHOTO/S: Courtesy: @janusdelprado / @andersongeraldjr on Instagram

Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Janus del Prado at muli na naman niyang binanatan si Gerald Anderson sa social media.

Si Gerald ang ex-boyfriend ng matalik na kaibigan ni Janus na si Bea Alonzo.

Matapos sitahin ang aniya’y mababaw na paghingi ng dispensa ni Gerald kay Bea, nag-post si Janus sa Instagram ng mga batayan kung paano humingi ng sinserong kapatawaran.

Nakasaad sa photo message ni Janus:

“1. Take FULL responsibility of your actions without splitting the blame with the other person

“2. Sincerely say and mean that you are truly sorry.

“3. Don’t expect or get mad if the other person refuses to forgive you. You’ve wronged them so they have every right in the world to choose whether to forgive you or not.

“4. You don’t get to say ‘Move on’. That’s just the way it is.

“5. Say sorry not just through your words but most importantly through your actions.

Continue reading below ↓

“Do it in private.”

May parunggit pa si Janus sa caption: “Ayan ah ginawan na kita ng kodigo para di ka na nagmumukhang ewan. [grinning face with squinting eyes, peace sign emojis] #sorrynotsorry [tears of joy emoji]”

“DON’T ME”

Sa kasunod niyang post, ibinunyag ni Janus na inatake siya ng “paid trolls.” Pero hindi pa niya pinangalanan kung kaninong kampo galing ito.

Banta ng aktor, kapag hindi siya tinigilan ng "paid trolls" ay handa siyang pakawalan ang isang sikretong matagal na niyang nais ilabas.

Saad ni Janus sa kanyang photo message: “Uuuy nagpakawala na siya ng mga bayarang troll. Yung bagong gawa lang ang account.

“No pic, no followers, following no one. Hwehehe. Pakawala ka pa baka sakaling tuluyan ko ng matapon tong tsaa na hawak ko.

“Nasa isang drum din to [laughing emoji] #sorrynotsorry”

Sabi niya sa caption, huwag siyang pilitin dahil tatlong taon na niyang hawak ang nasabing sikreto.

Continue reading below ↓

“Don't me. [grinning face with squinting eyes, peace sign emojis]

"Nangangawit na din ako eh tatlong taon ko ng hawak to. [grinning face with squinting eyes, smiling face with open mouth and cold sweat, shushing face emojis]”

"MILAGRO NA GINAWA NILA NI P”

Sa bagong post ni Janus ngayong umaga ng Martes, August 24, direkta na niyang sinabi na ang "paid trolls" na umaatake sa kanya ay galing kina "G&J."

Malinaw na ang kanyang tinutukoy na "G" ay si Gerald at ang "J" naman ay tumutukoy sa girlfriend nito ngayong si Julia Barretto.

Nagpakawala rin si Janus ng pasabog tungkol sa diumano'y "milagro na naganap sa set ng MPY" sa pagitan nina "G" at "P."

Ang tinutukoy ni Janus ay sina Gerald (G) at Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach (P), na nagkatambal sa pelikulang My Perfect You (MPY) noong 2018.

Noong ginagawa, matapos, at promotions ng pelikula, maugong ang usap-usapang nagkamabutihan sina Gerald at Pia at nagkaroon sila ng mas higit pa sa pagkakaibigang relasyon.

Continue reading below ↓

Lalo pa itong uminit dahil in-unfollow ni Bea sina Gerald at Pia sa Instagram noong March 2018.

Saad ni Janus sa kanyang photo message, "pa-victim" si Gerald at kayang magmanipula ng mga tao sa paligid nito.

Ipinagtanggol pa raw nila si Gerald kay Bea, na muntik nang ikasira ng "pamilya ng OMC." Mabuti na lamang daw at naagapan kundi ay muntikan na silang ma-FO (friendship over).

Ang "pamilya OMC" ay posibleng tumutukoy sa pagkakaibigang nabuo sa One More Chance, ang 2007 blockbuster film nina Bea at John Lloyd Cruz kung saan nasa cast din si Janus.

Buong photo message ni Janus: “Inaatake na ako ng mga paid trolls nila G&J pero kahit kelan naman wala ako sinabi masama kay J.

“Sabihan niyo kasi yang pavictim niyong master na wag manipulahin yung mga tao sa paligid niya at pag away awayin para lang mapagtakpan yung milagro na ginawa nila ni P sa set ng MPY.

Continue reading below ↓

“Pinagtanggol pa naman namin lahat siya kay B.

“Muntikan pa tuloy masira ang pamilya ng OMC. Pa FO na eh. Buti naisalba pa. Nyeta ka. #aynapost.”

Maiksing caption niya: “Ay natapon. [teacup, person shrugging emojis] #sorrynotsorry”

JANUS GETS DEATH THREAT

Bago magtanghali ngayong araw, ibinunyag ni Janus na may mga natatanggap siyang banta sa kanyang buhay galing sa "kampo nila."

Isa rito ay ibinahagi niya sa kanyang account.

Mababasa rito: "malapit kana ma Tokhang Magpaka bait kana Buang!@janusdelprado"

Buwelta ni Janus sa caption, “May pa death threat na galing sa kampo nila. Haha!

“Eto bang mga artistang may ganitong mga fans ang dapat nakikita sa tv at binibigyan ng endorsements. Oh well.

“I guess kung ano yung idol ganun din ang fans. Hintayin ko yang tokhang mo ah. Baka tokwa lang yan.”

Wala pang reaksiyon sina Gerald, Julia, at Pia kaugnay ng Instagram posts na ito ni Janus.

Gayunpaman, mananatiling bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa maaaring ihayag o paglilinaw nila ukol sa mga pahayag ni Janus.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janus del Prado shares tips to Gerald Anderson on Instagram on how to apologize sincerely: "Do it in private.”
PHOTO/S: Courtesy: @janusdelprado / @andersongeraldjr on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results