Tom Rodriguez details "contingency plans" for wedding with Carla Abellana

by Rommel Gonzales
Aug 25, 2021
Tom Rodriguez on finalizing who among his family from the States can attend his wedding to fiancée Carla Abellana: "Gustung-gusto nilang pumunta dito, lalo na my mom. Kaso ako yung nag-aalangan. With the Delta variant and everything going on, gusto ko bang i-risk yung safety niya? So I really have to make sure na pulido."
PHOTO/S: Nice Print Photo / Pat Dy

Puro "contingency plans" ang inihahanda ni Tom Rodriguez para sa nalalapit na kasal nila ni Carla Abellana.

Hindi nakakatulong ang pandemya sa kanilang mga preparasyon.

Nakatakda silang ikasal ni Carla—na ngayon pa lang ay "Misis" na kung tawagin ni Tomsa October 23, sa Madre de Dios Chapel, Tagaytay Midlands sa Tagaytay Highlands.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press si Tom noong August 23, sa Zoom mediacon para sa The World Between Us.

Pagbabahagi ni Tom, "Well, puro mga contingency plans.

"Siyempre may mga family ako sa States na, unfortunately, hindi makakapunta dito, nagkaroon ng developments.

"Like ngayon, my sister, buti pa-recover na siya sa COVID niya. Pero hindi na siya puwedeng magpa-vaccinate, hindi na aabot, kasi parang two months daw yung kailangan before makapagpa-vaccinate siya.

"So, inaalala namin kung makakapunta pa ba siya dito, kung kailangan ng vaccination card for her to be able to travel. So, may mga ganun, ang daming mga factors.

Continue reading below ↓

Medyo nakakaramdam ng kaba ang aktor dahil sa last-minute changes.

"Nakaano na lang ako ngayon, steady ako dito, pero yung mga kamay ko gumaganun," sabay-muwestra niya ng mga kamay niyang nanginginig.

Natatawang dagdag niya, "Hindi niyo lang kita, pero okay pa naman ako, okay pa naman."

ON THEIR WEDDING ENTOURAGE AND GUEST LIST

Ngayong nauuso ang intimate weddings sa gitna ng pandemya, mayroon pa rin ba silang entourage?

Sagot ni Tom, "Meron, pero iyon nga, e, yung ilan sa entourage medyo nagkaroon ng pagbabago. My two brothers hindi makakapunta."

Dahil sa travel restrictions at protocol na dulot ng COVID-19 pandemic, inaayos pa ni Tom kung sino sa mga miyembro ng kanyang pamilya na nasa Amerika ang makakarating sa kasal nila ni Carla.

Aniya, "Gustung-gusto nilang pumunta dito, lalo na my mom. Kaso ako yung nag-aalangan.

"With the Delta variant and everything going on, gusto ko bang i-risk yung safety niya? So, I really have to make sure na pulido.

"Gusto ko man sila na nandito, ako mismo yung nagdadalawang-isip. So, ngayon ongoing pa rin.

"Akala ko naka-lock-in na yung ganung pag-iisipan before pa, pero hanggang ngayon pala kailangan pag-isipan pa rin siya na mabuti up to the last minute kung ano pa."

Hindi pa final ang wedding entourage at guest list niya, pero alam ni Tom na kailangang ma-release na ang wedding invitations.

"E, ngayon mag-aano na ng mga invitation. So, kahit yun, pagpulido ng guest list, getting numbers...

"Siyempre hindi naman lahat makakapunta. But at the same time, kailangan mai-release na, mailabas na."

Noon pang Mayo nakaanunsiyo ang kanilang kasal sa publiko.

"Nakalampas naman sa wedding banns, e, pati nga yung location ng wedding, kasi kailangan yun for a Catholic wedding.

"Kailangan i-announce nila, lalo ngayon, pandemic, ina-announce nila through social media.

"So, it's on October 23rd pa din."

Muling nagkrus ng kanyang mga daliri si Tom, sabay sabi ng "sana" ay matuloy sa araw na iyon.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

HECTIC WORK SCHEDULE BEFORE WEDDING DAY

Dagdag sa hamon sa preparasyon ng wedding nina Tom at Carla ay ang kanilang hectic taping schedule.

Sa ngayon, naka-lock-in si Carla sa taping ng To Have And To Hold, ang upcoming teleserye ng GMA-7 kung saan kasama niya sina Rocco Nacino at Max Collins.

Pag natapos ang lock-in taping ni Carla, si Tom naman ang papasok sa lock-in taping ng The World Between Us.

"Kasi pagpasok ko na naman, salisi na naman kami ni Misis. Whereas, dati akala ko September 6 tapos na kami...

"Baka a week or two before the wedding na kami magkaabot."

May season break ang The World Between Us, ang Kapuso prime-time series na pinagbibidahan ni Tom kasama sina Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith.

Pumabor kay Tom ang pagkakaroon ng pahinga sa kanilang taping dahil nabigyan siya ng panahong ayusin ang kasal nila ni Carla habang ang aktres ang nasa taping.

Continue reading below ↓

"By that time na eere na kami ulit, yung mga kailangan kong gawin, nagawa ko na.

"So, iyon yung inaalala ko," saad ni Tom.

Panay ang senyas ni Tom ng crossed fingers kasabay ang panalangin na "Lord, sana matuloy."

TOM ON SEASON BREAK FOR THE WORLD BETWEEN US

Sa usaping trabaho, naiintindihan ni Tom kung bakit kinailangang mag-season break ng The World Between Us.

Nakaapekto kasi ang katatapos na enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila dahil sa muling pagtaas ng COVID-19 cases.

"Siyempre, konting nalungkot din. But at the same time, I thought it made sense kasi kahit nung umeere yung show, habang ginagawa namin, confident kami na kaya naming matapos, magawa lahat, e, kasi sobrang efficient nung team, ng production team.

"Kaya nung nangyari yung ECQ and we had to stop to adhere to the protocols, naabutan na kami ng ano, ng pondo namin.

"So, parang kung pantay sila dati, mas [lumamang na ngayon] yung kakulangan ng pondo [ng episodes]. Naubos na kaysa sa sa mga naibabangko namin. Kaya it made a lot of sense."

Continue reading below ↓

Sumang-ayon din si Tom sa pahayag ng co-star na si Sid Lucero na mas mapaghahandaan nila ang mga susunod na episodes ng show.

"And gaya ng sinabi ni Sid, at least in this way, magkakaroon kami ng oras para mas puliduhin pa yung mga gagawin namin.

"Dati naman efficient na kami, so paano pa kaya kung mas may lead time kami?

"So, hopefully, mas ikagaganda pa ng project."

HOT STORIES

Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tom Rodriguez on finalizing who among his family from the States can attend his wedding to fiancée Carla Abellana: "Gustung-gusto nilang pumunta dito, lalo na my mom. Kaso ako yung nag-aalangan. With the Delta variant and everything going on, gusto ko bang i-risk yung safety niya? So I really have to make sure na pulido."
PHOTO/S: Nice Print Photo / Pat Dy
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results