Why Regine Velasquez cries remembering husband Ogie Alcasid giving her massage

by Rachelle Siazon
Aug 25, 2021
Regine Velasquez on love story with husband Ogie Alcasid: "Ang daming mali sa umpisa namin, but God gave us another chance. He made it right for us." After almost 19 years of being together, from the time they became boyfriend-girlfriend to when they got married, Regine says she realized that she loves Ogie now more than ever.
PHOTO/S: @ogiealcasid Instagram / Nice Print Photo

Hindi akalain ni Regine Velasquez na mas mahihigitan pa ang pagmamahal niya para sa mister na si Ogie Alcasid.

Halos labing-isang taon na silang kasal, at bago iyon ay walong taon silang naging magkasintahan.

Pahayag ni Regine, "I thank God for him every day.

"I don't know if it's possible, kasi I'm so in love with him, nadagdagan pa.

"Di ko alam kung posible pa yun, pero I'm so, so in love with my husband."

Muli raw napatunayan ni Regine ang pagmamahal ni Ogie nang atakehin siya ng build-up migraine sa loob ng tatlong linggo mula Hunyo hanggang Hulyo nitong taon.

Hindi raw biro ang malala niyang migraine, na ngayon lang niya ulit naranasan dahil aminadong "menopausal" siya at dumadaan sa "hormonal adjustments."

Maluha-luha pa si Regine nang maalalang mas uunahin pa ni Ogie ang pag-aruga sa kanya kaysa pagpapahinga.

"My husband was so worried na. He was calling people. Pati ata bumbero tinatawagan niya," kuwento ni Regine sa Kapamilya morning show na Magandang Buhay noong August 23.

Continue reading below ↓

"I just wanna honor him because he was there the whole time. When he would go to work, he would check on me.

"He would give me massages even though he's tired. He would cook for me, so that I'd feel better because I was getting depressed already."

Ni hindi raw kasi makabangon sa kama si Regine sa tindi ng kanyang migraine.

Dugtong ng Asia's Songbird: "I can't play with my son. I can't even watch TV...

"I think I was getting depressed. My araw na the whole day I was crying.

"I don't know what's going on, and I'm just thankful that I have my husband."

HOT STORIES

ON CRYING WHILE BEING MASSAGED

Patuloy na lahad pa ni Regine habang naluluha, "Yung first time niya ako minassage, umiiyak ako the whole time.

"Not because kasi masarap yung massage. I was very touched that he was doing that for me.

"I know he was tired. He came from taping the whole day and he was giving me massage.

Continue reading below ↓

"So parang, 'Are you serious?' So, andun ako, umiiyak ako [habang nakadapa].

"Hindi dahil masakit ang ulo ko, but I was just deeply touched by the gesture, the effort."

Sabay biro ni Regine, "Nag-aral pa ata magmasahe."

Nakita raw ni Regine kung gaano nag-alala para sa kanya ang mister.

"Kasi alam mo pag asawa mo, kung ano yung sakit mo, sakit niya rin yun, e.

"Hindi man niya physically mararamdaman, but he carries it because he doesn't want to see you suffer like that. He was suffering with me."


Continue reading below ↓

MEETING OGIE AT THE RIGHT TIME

Dahil sa kuwento ng pag-iibigan nina Regine at Ogie, humirit si Sunshine Dizon ng "Sana all!"

Nasa show si Sunshine dahil humalili siya kay Karla Estrada, na co-host nina Melai Cantiveros at Jolina Magdangal.

Sabi naman ni Regine kay Sunshine, "Dadating din 'yan. Alam mo, normally, when you're not expecting it, e."

Tukoy pa ni Regine hinggil sa love story nila ni Ogie, "When he came into my life, parang nag-surrender na ako, e, 'Siguro ganito na lang ako.' You know what I mean?

"But he came at the right time, at the right moment.

"Although our beginning was very difficult, it was very hard and very painful.

"Ang daming mali sa umpisa namin, but God gave us another chance. He made it right for us."


Continue reading below ↓

regine and ogie's love story

Unang nagkakilala sina Regine noong baguhang singer pa lang si Ogie noong late '80s.

Sa Tonight With Arnold Clavio ng GMA-7 noong 2016, sinabi ni Ogie na front act siya sa show ni Dingdong Avanzado habang isa sa guests si Regine.

Noong panahong iyon ay nag-date pa raw sina Ogie at Regine, at ang manager ni Regine ang chaperone nila.

Tandang-tanda pa raw ni Ogie na nasa restaurant sila, napansin nilang may ipis na tumawid sa mesa at pinatay ni Regine gamit ang kamay.

"Sabi ko, 'Ay, ba't ganun?' Parang bata kasi si Regine... Na-cute-an ako sa pagkapatay niya ng ipis."

Pero naudlot ang pagkakamabutihan nila noon, at nagkaroon sila ng kani-kanilang buhay.

Hanggang sa nagkrus muli ang landas nila nang magkatrabaho sa defunct Kapuso Sunday musical-variety show na S.O.P.

Taong 2002 nang maging magkasintahan sila, pero unang inamin ito ni Ogie sa YES! Magazine June 2007 cover story.

Continue reading below ↓

"I love her, I'm crazy about her," pag-amin noon ni Ogie.

Doon din unang isiniwalat ni Ogie na matagal na silang hiwalay ng first wife niyang si Michelle Van Eimeren, na kandidata ng Australia sa Miss Universe 1994.

Noong June 2010 na-annul ang kasal nina Ogie at Michelle.

December 22, 2010 nang ikasal sina Ogie at Regine.

Biniyayaan sila ng kanilang unico hijo na si Nate noong November 9, 2011.


Continue reading below ↓

HOT STORIES

Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Regine Velasquez on love story with husband Ogie Alcasid: "Ang daming mali sa umpisa namin, but God gave us another chance. He made it right for us." After almost 19 years of being together, from the time they became boyfriend-girlfriend to when they got married, Regine says she realized that she loves Ogie now more than ever.
PHOTO/S: @ogiealcasid Instagram / Nice Print Photo
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results