Angel Locsin recalls being intimidated by Solenn Heussaff in auditions

by Bernie V. Franco
Aug 26, 2021
Angel Locsin (left) recounts telling Solenn Heussaff: "Alam mo ba dati pag pumupunta tayo sa audition, umuuwi na lang ako kasi alam kong hindi ako makukuha?"
PHOTO/S: @therealangellocsin, @solenn on Instagram

Inalala ni Angel Locsin ang pagkakasabay nila noon ni Solenn Heussaff sa VTR (VideoTape Recorder) auditions.

Wala pa sa showbiz noon si Angel, at nago-audition pa lang para sa TV commercials. Gayundin si Solenn.

Sa kasalukuyan, si Angel ay showbiz A-lister na unang nagkapangalan sa GMA-7. Noong 2007, lumipat siya sa ABS-CBN kung saan nagpatuloy ang kanyang kasikatan.

Si Solenn ay pumasok sa showbiz noong 2010 at itinuring na IT Girl. Nagsimula siya sa GMA-7 at hanggang ngayon ay Kapuso pa rin.

Sa podcast ni Matteo Guidicelli na MattRuns Episode 10, inilahad ni Angel ang dahilan ng pagpasok niya sa showbiz.

Rumaraket daw siya noon para makaipon ng pampaopera sa mga mata ng ama niyang si Angelo Colmenares.

“Naghahanap ako ng way para maka-contribute sa bahay. So, isa akong batang raketera,” pagbabalik-tanaw ni Angel.

“Okay, may fashion show, ‘Game!’ May audition dito, ‘Game!’ Pero hindi sumasagi sa isip ko na pwede akong mag-artista.”

Continue reading below ↓

Isang araw, sinamahan daw ni Angel ang isang kakilala sa isang audition. Dahil naroon na rin lang siya, sumubok na siyang mag-audition.

“’Tapos, habang nag-aantay, pina-audition na rin ako.

“Naka-cap lang ako, naka-backpack, nakapang-wrestling na T-shirt pa ‘ko, kasi uso yun dati,” pag-aalala ng aktres.

FEELING INTIMIDATED BY SOLENN

Ayon kay Angel, may kumpiyansa siya sa sarili noon, pero alam niyang may mas magaganda pa sa kanya.

“Alam kong maganda ako, pero hindi yung magandang-maganda.

“Alangan namang sabihin ko, ang pangit ko. Wala nang ibang pupuri sa akin kundi sarili ko.

“Pero siyempre, may mga limitation, like, kunwari si Solenn. Dati, lagi ko nakakasabay ‘yan sa VTR.

“Wala pang GMA nun. Mga commercial pa lang.

“Nagko-commute ako simula Caloocan papuntang Makati. So, nakailang bus ako, ‘tapos mag-e-MRT pa ‘ko.”

Kahit puno raw siya ng pawis ay didiretso siya sa audition.

“Pawis ka pa rin naman. Haggard ka pa rin,” sabi ni Angel.

Continue reading below ↓

“Papasok si Solenn, galing kotse. Ang ganda-ganda ni Solenn talaga!

“Alam mo yung gusto ko na lang umuwi kasi alam mong hindi ka makukuha, yung ganun.”

Lumipas daw ang maraming taon at pareho sila ni Solenn na nakagawa na ng pangalan sa showbiz.

Minsan ay kinausap daw niya si Solenn tungkol dito.

“Later on, after so many years, kinausap ko na si Solenn.

"‘Solenn, alam mo ba dati pag pumupunta tayo sa audition, umuuwi na lang ako kasi alam kong hindi ako makukuha?’

“Hindi niya ako natatandaan!” natatawang kuwento ni Angel.

Dagdag niya, “Pero kasi siya IT Girl talaga noon pa. Maganda na talaga, pero mabait.

“Hindi siya yung snob, ah. Mabait talaga siya.

“So, tawa lang siya nang tawa, ‘Naku, Gel, sorry,’ gumaganun siya. ‘Ba’t ka, nagso-sorry?’

“E, alam mo yun, pag nagko-commercial ka, nag-o-audition ka, may isandaan na babae, isandaan na lalaki talaga.

“’Tapos hindi mo alam kung mapipili ka, pero hanggang dun lang.”

Continue reading below ↓

BULLYING, DISCRIMINATION IN SHOWBIZ

Bukod sa pag-o-audition sa commercials, hindi raw inakala ni Angel na papasukin niya ang pag-aartista.

Binigyan daw niya ng deadline ang sarili sa showbiz.

“Dapat two years lang ako sa showbiz. Yun lang kasi ang deadline ko. Mag-iipon lang ako, papaopera ko tatay ko.”

Pero nang makaipon na nang malaki, sinabihan daw si Angel ng doktor na hindi na pwedeng operahan ang kanyang ama. Dinamdam daw niya ito nang husto.

“Medyo na-lost ako. Parang wala akong purpose. Hindi ko alam kung ano gagawin.”

Sa pagpapatuloy ng kanyang pag-aartista, naranasan din daw noon ni Angel ang pangmamaliit sa kanya.

Sabi niya kay Matteo, “And then na-challenge ako, kasi parang, di ko alam kung naranasan mo yung, minsan may bullying…

“O minsan may parang discrimination, o ganyan."

Hindi na nagdetalye si Angel sa karanasan niyang ito.

“Na-challenge lang ako na parang, ‘Okay, pakita ko na kaya ko.’ Yun lang.

Continue reading below ↓

“’Tapos tanggap lang ako nang tanggap ng trabaho. Hanggang sa nakakita ako ng magagaling na artista, yung mga senior actors natin, na-impress ako doon sa passion nila.”

HOT STORIES

Use these Adidas PH promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angel Locsin (left) recounts telling Solenn Heussaff: "Alam mo ba dati pag pumupunta tayo sa audition, umuuwi na lang ako kasi alam kong hindi ako makukuha?"
PHOTO/S: @therealangellocsin, @solenn on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results