Hindi inililihim ni JM de Guzman, 32, ang paggamit noon ng ilegal na droga at ang hirap na pinagdaanan niya para tuluyang talikuran ito.
Sariwa pa sa alaala ng aktor ang araw na sapilitan siyang ipinasok sa rehab ng kanyang mga mahal sa buhay.
Hindi iyon ang unang pagkakataong na-rehab si JM, pero nanumbalik ang bisyo nito kaya kinailangan muli ng intervention para maayos niya ang kanyang buhay.
Nangyari iyon noong 2015.
Kuwento ni JM sa kanyang Instagram post, Agosto 25, 2021 (published as is): "I remember 6 years ago, was sleeping in a hotel room. 5 or 6 huge guys woke me up.
"They had access in my room. pinned my head, elbows, knees and chest while i watch the other guy inject something on my right shoulder. i felt weak in an instant."
"They carried me took me out of the hotel in a stretcher."
Nakita raw ni JM ang ina at tiyahin na kasama ng staff ng rehab facility na pagdadalhan sa kanya.
Ramdam niya ang paghihirap ng kalooban ng mga mahal sa buhay, pero sa puntong iyon ay hindi niya raw talaga kaya isalba ang sarili nang walang professional help.
Lahad pa ni JM: "outside the hotel since my head is tied, i see in my peripheral my aunt mom crying like someone died.
"I cried too and shouted dont let them take me. fell asleep for 3 days inside the aero med van.
"woke up alone in a small room with steel bars. stayed there for a month. then transfered me to rehab and stayed there for 2 years.
"This is because I relapsed after a 1 month basement and 1 year stretch in my first rehab."
STARTING AFRESH
July 21, 2018 nang pormal na matapos ni JM ang kanyang SELF Treatment, Rehabilitation & Values Formation Program sa SELF Taal View House sa Talisay, Batangas.
Ipinakita ni JM ang graduation certificate niya sa kanyang Instagram post.
Taong 2018 din nang mabigyan siya ng pagkakataong magbalik-showbiz.
Pinagbidahan niya ang ABS-CBN daytime series na Araw Gabi at ang pelikulang Kung Paano Siya Nawala.
Mula noon ay nagtuluy-tuloy uli ang acting projects niya.
Pero ayon kay JM, baon pa rin niya ang hirap na dinanas dahil sa kanyang masamang bisyo.
Pag-amin ng Kapamilya actor: "This haunts me everyday. in my sleep or while wide awake.
"For years i suffered. I was imprisoned by pain and hate. patched it up with a drug that made me lose everything i love.
"hmm.."
"I DON'T WANNA BE THAT PERSON ANYMORE."
Sa kabila ng lahat, alam ni JM na ang tuksong bumalik sa dating gawi ay nasa tabi-tabi lang.
Kaya raw panalangin niya ay mapaglabanan ito.
"Thank you God for everything.
"Im not alone anymore.
"I pray for happier and peaceful days to come.
"maybe im sharing this to remind other people to stop f**** with my peace or anyones peace."
Diin ni JM, "I dont want to be that person anymore. be kind yoow. peace out."
Si JM ay bahagi ng ongoing Kapamilya prime-time series na Init Sa Magdamag.
JM ON PEP CONFESSIONS
Sa PEP Confessions noong November 2018, ikinuwento ni JM ang paggamit niya noon ng droga.
Kasagsagan ng kasikatan niya bilang bida ng mga Kapamilya teleseryeng Mula Sa Puso (2011) at Angelito: Batang Ama (2011-2012).
Taong 2012 nang unang beses siyang sumailalim sa drug rehab, pero hindi niya ito natapos sa pag-aakalang magaling na siya.
Bumalik siya sa showbiz, at nabigyan ng magagandang proyekto sa pelikula at telebisyon.
Subalit bumalik sa paggamit ng droga si JM, at nangyari ang kanyang relapse noong 2015.
Ipinaliwanag ni JM ang kahalagahan ng ibayong pag-iingat matapos ang kanyang graduation sa rehab noong 2018.
Lahad niya sa PEP.ph: "Actually, yung graduation is just parang checkpoint lang para ma-feel namin na [kaming] recovering people, na we’ve achieved something.
"Nakakatulong yun sa amin na, yes, natapos namin yung [program], pero hindi pa dun tapos yung recovery.
"Para lang sa sarili namin yun.
"Hanggang ngayon, connected pa rin ako sa kanila, sa counselor ko, sa mga peers ko.
"Hindi naman kasi titigil yung struggle, e. Baka mag-trigger… yung mga sitwasyon o mga circumstances na magti-trigger, bumalik sa dati or bumagsak ulit.
"So, araw-araw siyang battle."
Pinapaala raw niya sa sarili na kailangan maging matibay ang kanyang loob.
Aniya, "I have to stay grounded; I have to be humble; be open sa mga weaknesses ko... not overconfident.
CELEBS SUPPORT JM'S POSITIVE MINDSET
Balik sa Instagram post ni JM ngayong Agosto 2021, may mga artistang nagpaabot ng kanilang suporta sa motivation ng Kapamilya actor na tuluyang talikuran ang nakaraan.
Isa na rito ang dating leading lady niyang si Meg Imperial.
Ani Meg, "Salute! Proud of you M! Lamoyan!"
Proud din kay JM sina Dianne Medina at ABS-CBN director Theodore Boborol.
Sabi ni Maxene Magalona, "Sending love, kindness and more good energy your way @juanmigueldeguzman [shining emoji] Proud of you [party emoji."
Mensahe ni Baron Geisler:
Nag-iwan naman ng strong emoji si Tom Rodriguez at heart emoji mula kay Max Collins.
Dagdag ni Gio Alvarez, "Very proud of you ma brotha!!"