Janus del Prado claims "G" cheated on "B"; says he was wrong to call B "praning"

by Rachelle Siazon
Aug 27, 2021
Janus del Prado on what he knows about "milagro sa set" involving a celebrity couple and an unnamed third party: "Kasi may nangyari dati. May utang ako na sorry kay 'B' dahil pinagtanggol ko si 'G'. Pinagtanggol namin. Ako mismo tinawag ko siyang 'praning'... Si B, nakumpirma niya sa lehitimong source tungkol kay G na nangyayari sa set. E, sino ngayon ang nagmukhang masama na pinagtatanggol siya?"
PHOTO/S: @janusdelprado Instagram / PEP File (inset blind item photo)

Nagsalita na si Janus del Prado tungkol sa kontrobersiyang panloloko ng isang aktor, na itinago niya sa initial na "G," at sa matalik niyang kaibigang aktres, na itinago niya sa initial na "B."

May kinalaman ito sa kontrobersiyal na August 24 Instagram post ni Janus, tungkol sa sinasabi niyang "milagro sa set" sa pagitan ni "G" at ni "P" sa set ng proyektong itinago sa initials na "MPY."

Nangyari iyon "three years ago," ayon kay Janus.

Sa vlog ni Ogie Diaz kagabi, August 26, humarap si Janus at sinabing nais niyang tawagin sa initials ang mga personalidad na sangkot dahil ayaw niyang mademanda ng libel.

Sabi ni Janus: "Siyempre, ingat na rin tayo. May mga tao na kapag wala nang mai-rebutt, demanda ang sagot lagi. So, ingat na tayo. Dun na lang tayo sa letra.

"Baka mapikon at sabihin, 'Ay, libel iyan.' Makita ko na lang nagpa-file ng kaso, naka-white T-shirt at shades, kasama yung lawyer."

Continue reading below ↓

Hindi man direktang pinangalanan ni Janus, mahihinuna sa mga sumunod niyang salita kung sino ang kanyang pinatutungkulan.

Lalo na nang sabihin nitong suportado niya ang relasyon noon nina B at G, nang magkabalikan ang mga ito matapos magkatrabaho sa How To Be Yours.

Hindi kaila sa publiko kung sino ang mga bida ng pelikulang iyon na ipinalabas noong 2016.

Sabi ni Janus: "Actually, I was really rooting for them kasi it was the second time around. Sabi ko naman sa 'yo, maganda naman makitungo sa akin si G.

"Kaso nga lang, there's something na disingenuous, parang hindi totoo.

"Pero siyempre, lagi akong, 'Sige, kung masaya yung kaibigan ko.' Kasi nakatrabaho ko sila sa How To Be Yours.

"Alam ko, ang inaakala ng mga tao mas madaming beses ko nakatrabaho si JLC, pero si B talaga madaming beses ko nakasama sa pelikula.

"Dun lang kami medyo nagkakausap-usap na sa How To Be Yours."

Continue reading below ↓

WHAT JANUS CALLS "MILAGRO SA SET"

Hanggang sa muling nakatrabaho ni Janus si G sa proyektong MPY kasama ang aktres na itinago niya sa initial na "P."

Noong panahong iyon, inamin ni Janus na may pinag-awayan ang magkasintahang G at B dahil sa isyung may kinalaman sa set ng MPY.

Lumalabas na napag-alaman ni B na may panlolokong ginawa sa kanya ang nobyong si G.

Ito ang tingin nilang kasalanan ni G kay B na hindi pa raw nito sinserong inihihingi nang patawad.

Hindi raw iyon basta isyu na applicable ang kasabihang "it takes two to tango" para masabing parehong may mali ang isang magkarelasyon.

Ayon kay Janus, "Ang rason kasi ng iba, 'Kaya kasi nanloko kasi ganito siya.' E, di makipag-break ka. Ba't ka nanloko?

"'Di niya kasi ako binibigyan ng atensiyon kaya ako nambabae or nanalake.' E, di sana nakipag-break ka right there and then, ta's saka ka naghanap ng iba. Madali lang naman.

Continue reading below ↓

"Yung mga rason na, 'it takes two to tango, may mali ako, may mali rin siya,' rason iyan ng mga narcissist. Yung mga di marunong tumanggap ng pagkakamali.

"Tatanggap ng pagkakamali, pero kailangan share tayo."

HOT STORIES

JANUS SAYS HE WAS WRONG TO CALL B "PRANING"

Kuwento pa ni Janus, pati siya ay nadawit dahil ipinagtanggol niya noon si G kay B.

Tingin noon ni Janus ay walang basehan ang hinala ni B sa nangyayari sa set na may kinalaman kina G at P.

"Kasi may nangyari dati. May utang ako na sorry kay B dahil pinagtanggol ko si G. Pinagtanggol namin.

"Ako mismo, tinawag ko siyang 'praning.'"

Sabi raw ni Janus kay B, "Praning ka. Nandun kami."

Kinalaunan, napagtanto ni Janus na tingin niya ay "minanipula" siya at ibang kasamahan dahil napaniwala sila ni G sa magandang asal nito sa set.

"Ang galing nga, e. Sabi ko sa 'yo, alaga kami, laging may pagkain. Yayain kami mag-swimming sa sapa, sa ilog, pagkatapos ng shooting.

Continue reading below ↓

"Pero lagi akong may feeling na, 'Bakit? Ilang beses na tayo nagkatrabaho. Bakit ngayon parang ang close natin? Kino-close mo ako.'"

Sa puntong ito tinukoy ni Janus na pelikula ang "MPY" na proyekto kunsaan co-star siya nina G at P.

Dagdag ni Janus patungkol kay G, "Pati nga damit ko sa premiere night pinagawa pa niya, e. Pinatahi niya sa kaibigan niya."

Kaya raw humingi ng paumanhin si Janus kay B nang malaman niya na ang sinasabing panloloko rito ni G.

"Yun ang ano ko kay B, 'Sorry na pinagtanggol namin siya nung time na yun kasi wala kaming alam. Namanipula kami. Kaya nung na-confirm mo through a source, na lehitimong source...'

"Si B, nakumpirma niya sa lehitimong source tungkol kay G na nangyayari sa set. E, sino ngayon ang nagmukhang masama na pinagtatanggol siya?"

Umabot daw sa puntong nagkaisyu pati ang pagkakaibigan nina Janus at B dahil akala ni B ay pinagtatakpan ni Janus ang sinasabi ni B na panloloko sa kanya ni G.

Continue reading below ↓

Dagdag ni Janus: "Kaya nagtataka ako, paano niya sasabihin na nakikisawsaw ako sa issue na ito, e, kasama ako. Kasama ako dun sa issue.

"Hindi ito issue ng iba na nag-comment lang ako."

JANUS ON G ASKING FOR B'S FORGIVENESS THIS 2021

Ipinaliwanag din ni Janus na ang pahayag ni G sa isang interbyu nitong August 2021 ang naging mitsa kung bakit siya nagpakawala sa Instagram ng tungkol sa "milagro sa set" sa pagitan nina G at P.

Kinuwestiyon ni Janus ang sinseridad ni G sa paghingi ng paumanhin kay B.

Bukod sa kahina-hinala ang timing, ang lakas daw ng loob ni G na idiin na hindi lang ito ang may kasalanan kundi silang dalawa ni B.

Paliwanag ni Janus: "Alam ko, sabi nila mababaw. Wala naman daw na sinabi si G dun sa latest interview niya.

"Pero kung aamin ka ng kasalanan, yung sa 'yo lang aminin mo. Huwag ka magsalita para dun sa isang tao.

Continue reading below ↓

"Hindi mo right yun, e. Right niya yun. 'Yon yung tipping point ko.

"Para saan na naman ito? May bagong pelikula ba? May bagong project ba? Sumasakay ka ba sa trending na vlog nila? Yun ba yun?"

Tinanong ni Ogie kung hindi pa ba napatawad ni B si G sa kasalanan nito sa isyung may kinalaman sa "milagro sa set" tatlong taon ang nakararaan.

"Alam ko napatawad niya na iyan. Pero nandun din tayo sa ayaw niya kunsintihin yung behavior.

"Pinag-uusapan namin, naniniwala kami sa forgive but never forget, otherwise, uulit- ulit, walang matututunan both parties kapag nag-forget ka na clean slate.

"Let's say, ikaw, niloko ka ng partner mo sa business. 'Sorry,' [tapos] pinatawad mo. Makikipagnegosyo ka pa uli? Hindi na, di ba? Ganun yun.

"Ganun din sa buhay, dapat may natututunan ka. Hindi puwedeng kakalimutan mo na lang yung nangyari.

"Oo, tama magpatawad. Pero hindi yung hihilingin pa sa 'yo na forget na. Sobra-sobra na yun. Labis-labis na.

Continue reading below ↓

"At hindi dapat nanggagaling sa kanya yun na, 'Let's move on na.'

"Hindi. Ikaw nakaagrabyado, e. Manggagaling yun sa biktima mo.

"Pag sinabi niya yun, okay na kayo. Pero kung galing sa 'yo, para kang ewan nun."

"PAMILYA NG OMC" AFFECTED BY THE ISSUE

Sa Instagram post ni Janus noong August 24, may nabanggit siyang "pamilya ng OMC" na muntik masira dahil sa pagtatanggol nila kay G kay B.

Nang tanungin ni Ogie kung pamilya ng pelikulang One More Chance ba ang tinutukoy ni Janus, sagot lang ng aktor, "Malay ko."

Hanggang sa may punto sa vlog ni Ogie kunsaan sinabi ni Janus na siya at isang direktor ang sinasabi niyang nadawit sa isyu noon nina B at G.

Si Janus, ang hindi pinangalang direktor, at si G ay nagkatrabaho kasi noon sa pelikulang itinago ni Janus sa initials na "MYP."

"Hindi naman ito initial reaction lang. Tatlong taon ito na kinikimkim ko. Yung ginawa niya sa amin na minanipula niya kami lahat.

Continue reading below ↓

"Kung mahahanap niyo pa sa YouTube, may nag-record niyan. Nag-guest kami sa isang streaming platform ni Direk.

"Sinabi niya na muntikan silang mag-F.O., friendship over ni B. Dahil lang dun.

"Biruin mo, muntikan ka makasira ng relasyon na ilang taon na? Nagsimula nung pag-aartista nung isa, nandun na. Anong klaseng pagkatao meron ka nun?"

ON BASHERS

Sa kaso ng bashers, deadma raw si Janus sa natanggap niyang "death threats" nang dahil lang sa pagtatanggol niya kay B.

"Actually si B, nagwo-worry siya sa akin na naba-bash ako. Yun ang concern niya.

"Kaya gusto niya, 'Okay na. Alam ko pinagtatanggol mo kami at alam ko na overprotective ka sa amin [na mga kaibigan mo]. Pero ayaw din namin nakakatanggap ka ng death threats. Naba-bash ka kasi alam namin stress na dulot niyan.'

"Very concerned sila. Sabi ko, 'Okay lang kasi di rin ako makakatulog kung alam kong di ko kayo naipagtanggol man lang."

Continue reading below ↓

Bitin ang vlog ni Ogie. Hindi pa niya inilalabas ang karugtong ng panayam, kunsaan pinag-usapan pa rin nila ang ani Janus ay: "Namanipula kami... May magic at milagro palang nangyayari between G and P."

Ang sabi naman ni Janus, matapos ang kanyang panayam kay Ogie ay titigilan na niya si G, maliban na lang kung may mabanggit muli itong patungkol kay B na tingin niya ay mali.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janus del Prado on what he knows about "milagro sa set" involving a celebrity couple and an unnamed third party: "Kasi may nangyari dati. May utang ako na sorry kay 'B' dahil pinagtanggol ko si 'G'. Pinagtanggol namin. Ako mismo tinawag ko siyang 'praning'... Si B, nakumpirma niya sa lehitimong source tungkol kay G na nangyayari sa set. E, sino ngayon ang nagmukhang masama na pinagtatanggol siya?"
PHOTO/S: @janusdelprado Instagram / PEP File (inset blind item photo)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results