Watch Now

Pen Medina bashed for anti-face mask stance

by Arniel C. Serato
Aug 28, 2021
Pen Medina COVID-19 face mask
Unfortunate comment of veteran actor Pen Medina on face masks: "Napag-aralan ko na. Kasi po ang face mask malalaki ang hibla niyan, yun pong coronavirus, ang mga virus, maliliit po. Kumbaga hindi pa rin ito na identified."
PHOTO/S: Screenshot from DZBB on Twitter

Binatikos ng maraming netizens ang character actor na si Pen Medina sa pagsabi nitong hindi epektibo ang face masks kontra COVID-19.

Sa panayam ng DZBB kay Pen noong nakaraang Huwebes, August 26, sinabi ng beteranong aktor na hindi siya naniniwalang makakatulong ang pagsuot ng face mask upang hindi mahawaan ang isang tao ng COVID-19.

Napag-aralan na raw niya kasi ito.

Sabi ni Pen, “Napag-aralan ko na. Kasi po ang face mask malalaki ang hibla niyan. Yun pong coronavirus, ang mga virus, maliliit po.

“Kumbaga, hindi pa rin ito na-identified. Kumbaga sa lineup ng pulis, hindi pa na pinpoint kung sino yung kriminal na virus.”

Dagdag pa ni Pen, “Ito pong virus na ito, para kang naghahanap sa buhangin, sa isang beach na pagkarami-raming buhangin, at yung buhangin microscopic, di mo siya makikita sa mata mo lang.

“Kailangan gumamit [ng microscope]… Hindi pa po nila nakikita yan, tas may sinasabi nang variant… At iyan po ay lulusot po, kahit na anong mask. Dahil sobrang, sobrang pagkaliit-liit.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kinainisan ang multiawarded actor ng maraming netizens.

Ayon sa isang nagbahagi ng post ng DZBB, “Pen Medina, kung gusto mo mamatay, ikaw na lang ho! Wag ka na mang damay ng iba pa! Sobra na sakripisiyo ng mga healthcare workers sa bansa, yan ang isipin mo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ng isa pang netizen sa kanya, “KASINUNGALINGAN. ANO BA PEN MEDINA?! WEAR A MASK! DOUBLE MASK! WASH YOUR HANDS! GET VACCINATED!! DO EVERYTHING YOU CAN TO PROTECT YOURSELF AND THE PEOPLE YOU LOVE FROM THE VIRUS! magpa rt pcr ka nakakaloka ka!”

Puna ng isang netizen, balewala na pala ang pag-aaral ng mga eksperto dahil napag-aralan na mismo ni Pen ang virus.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tumbok nito, “Balewala pala yung years of studying and research ng mga scientists kay pen medina eh napag-aralan niya na raw”

Gigil naman ang isa pang netizen na, sa kasamaang palad, ay may kagaspangan ang salita: “Nanggigigil ako sayo Pen Medina. Katanga mong ha--p ka. Buwakanangs--t ka.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pang-uuyam pa ng isa, “Sana okay ka lang Pen Medina. Di ko kinaya yung 'napag aralan ko na' Doctor ka po or Scientist?? Asking from a friend. #CovidFakeNewsSpreader

Marami pang negatibong comments sa social media ukol sa sinabi ni Pen.

Ayon sa mga eksperto at dalubhasa ng medisina, malaki ang maitutulong ng face masks upang hindi makapasok ang virus sa katawan sa pamamagitan ng bibig at ilong.

Lumampas na sa 19,000 PER DAY ang Covid cases na naitala sa Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Unfortunate comment of veteran actor Pen Medina on face masks: "Napag-aralan ko na. Kasi po ang face mask malalaki ang hibla niyan, yun pong coronavirus, ang mga virus, maliliit po. Kumbaga hindi pa rin ito na identified."
PHOTO/S: Screenshot from DZBB on Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results