Bea Alonzo very much at home with Dominic Roque's family

by Rachelle Siazon
Aug 30, 2021
Bea Alonzo on boyfriend Dominic Roque's family: "Yes, nakilala ko na sila. Mabait sila. Mabuting mga tao."
PHOTO/S: @beaalonzo / @lenaroque16 via @beadom.officialfans Instagram

Sa isang bihirang pagkakataon, lumabas ang litrato ni Bea Alonzo kasama ang pamilya ng boyfriend na si Dominic Roque.

Makikita sa litrato na naroon ang mga magulang ni Dominic na sina Anthony Sr. at Lena.

Naroon din ang mga kapatid ni Dominic na sina Anthony Jr., Iah, at Lhean. Asawa ni Anthony Jr. si Marian at anak nila si Claudia.

Nakuha ng fans ang litrato mula sa ina ni Dominic na si Lena.

Tila kuha iyon sa bahay ng mga Roque nang magdiwang ng kaarawan ang ama ni Dominic.

Waring kapamilya na rin ang turing kay Bea, na yakap-yakap pa ni Dominic sa litrato.

Continue reading below ↓

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong buwan ng Agosto, sinabi ni Bea na ilang buwan na rin silang magkasintahan ni Dominic.

Masayang ibinahagi rin noon ni Bea na naipakilala na siya ni Dominic sa pamilya nito, na naging mainit ang pagtanggap sa kanya.

"Yes, nakilala ko na sila. Mabait sila. Mabuting mga tao," ani Bea.

MEETING DOMINIC'S AUNT BETH

Pati ang tiyahin ni Dominic na si Beth Tamayo ay naka-bonding din ni Bea sa California.

Nang tanungin ng PEP.ph kung kumusta ang pagkikita nila ni Beth, mabilis daw silang nagkagaanan ng loob.

"Parang nung nagkita kami, parang kilala ko na rin siya sa sobrang dami ng kuwento ni Dom tungkol kay Ms. Beth," ani Bea.

Tugma ito sa kuwento ni Beth sa PEP Troika noong Marso na updated siya sa espesyal na ugnayan nina Dominic at Bea.

"Sobrang na-enjoy ko spending time with them because andaming kuwentuhan. Di ba, dati nag-aartista rin talaga siya, so ang dami ko natutunan sa mga kinukuwento niya.

Continue reading below ↓

"Nag-enjoy ako na pumunta kami ng Napa together. We were so happy na nandun kami sa baby shower niya."

Nagbakasyon sina Dominic at Bea sa U.S. mula July 6 hanggang August 3.

AT HOME WITH DOMINIC'S FAMILY

July 18 nang dumalo sila sa baby shower para kay Beth. Doon din nakilala ni Bea ang ibang mga kaanak ng nobyo.

Binanggit ng PEP.ph na mala-cheerleader si Bea nang sumali sa parlor games si Dominic.

Masiglang sabi ni Bea, "Oo, gusto makakuha ng premyo. Nanalo siya! In fairness! Hahaha!"

Gusto raw ni Bea na magbakasyon sila ulit doon para makita ang baby ni Beth

"I really hope makabalik kami dun once the baby is already there. Excited kami magkita kung gaano kaganda yung baby."

DOMINIC GETS APPROVAL OF BEA'S MOM

Noong August 10 unang kinumpirma ni Bea na magkasintahan na sila ni Dominic.

Sa panayam ng PEP.ph, ibinahagi ng dalaga na aprubado ng kanyang inang si Mary Anne Ranollo ang relasyon nila ni Dominic.

Continue reading below ↓

Kuwento ni Bea: "What I really appreciated about Dom, I know he really exerted an effort para magpakilala sa buong pamilya ko, especially sa nanay ko.

"Nakita naman ni Mama na maganda ang intensiyon. Siyempre tinanggap talaga ni Mama.

"I'm happy naging ganito dynamics namin lahat. Kasi siyempre, pag okay sa pamilya mo, magaan lahat. Everything follows. Masarap sa pakiramdam."

HOT STORIES

Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bea Alonzo on boyfriend Dominic Roque's family: "Yes, nakilala ko na sila. Mabait sila. Mabuting mga tao."
PHOTO/S: @beaalonzo / @lenaroque16 via @beadom.officialfans Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results