Mikael Daez weighs in on BIR asking YouTubers to pay taxes

by Rose Garcia
Aug 30, 2021
Actor-vlogger Mikael Daez on need for vloggers to fulfill obligation with BIR: "And if that’s what the government requires and the taxes to be paid, kasi nagiging negosyo na rin siya, then I think it’s up to us na maging responsible para sa mga obligation natin bilang Filipino kasi patas naman."
PHOTO/S: @mikaeldaez Instagram

Halos karamihan ng celebrities ay naging vlogger o YouTuber na ngayong pandemic.

Ang Kapuso actor na si Mikael Daez ang isa sa mga unang sumubok bilang online content creator.

Natutuwa raw siyang mas marami na ang gumagamit ng online platform.

"I’m very happy dahil ibig sabihin nun, we’re very ready in terms of equipment, in terms of skills, specially ngayon na kailangan work from home lahat. Medyo sariling sikap," pahayag ni Mikael.

"Wala ka na talagang editor, wala ka nang cameraman na pupunta rito para mag-shoot sa ‘yo.

"So, in terms of skills, parang okay, suwerte lang. Kakailanganin pala natin yung skills na ganito during 2020 and 2021."

Nakausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment writers sa online mediacon nang muli siyang pumirma ng network contract sa GMA-7 last week.

Hindi naman daw niya inisip na mas marami na ang kumpetisyon sa mga celebrity vloggers ngayon.

Continue reading below ↓

"In terms of competition, never kong naisip ‘yan," sabi niya.

"Actually, I was very, very welcoming. I spoke to several colleagues about this, about vlogging, noong early days pa, mga 2015, 2014, hindi pa sikat ang mga YouTube.

"I’ll tell them, 'Subukan mo ‘to.'

"Kasi, napapadpad sila sa YouTube channel ko. So I would always say, 'Sige, try mo.'

"And yung reason there, as we see now, napakalawak ng digital space. It has enough space for everyone."

Sabi pa ni Mikael, "And ako naman, never ko naman na-monopolize ang space na yun. Very aware ako na there’s space for everyone. Let’s all come over here, enjoy this space and create our own content.

"I guess, yun ang palaging mindset ko pagdating sa YouTube and all other digital platforms."

BIR AND VLOGGERS

Kasabay ng pagdami ng mga celebrity na pumasok na sa vlogging ang pag-implement ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ng tax regulation para sa vloggers at YouTubers.

Continue reading below ↓

Hiningan namin ng reaksiyon si Mikael tungkol dito.

"Very, very intriguing question. But I have an answer for that," natawang sabi niya.

"I think, yung sinasabing death and taxes are inevitable sa buhay natin, at a certain extent, I think that’s true.

"But I think we have to understand na yung government system natin, yung tax system natin is also evolving. Ang bilis ng pag-evolve.

"All of a sudden, may kakaibang negosyo. Tandaan natin, kung five years ago sinabi kong YouTuber ako, nganga na lang tayo. 'Ano ‘yon?' Pero ngayon, 'Ah, okay, tama.'

"I think, there’s school and courses now on how to be a professional YouTuber. So, I think, nag-a-adjust din ang mga tao.

"And if that’s what the government requires and the taxes to be paid, kasi nagiging negosyo na rin siya, then I think it’s up to us na maging responsible para sa mga obligation natin bilang Filipino kasi patas naman."

Continue reading below ↓

Dugtong pa niya, "I think right now is a transition period. All players involved. People from the government, YouTubers, digital players alike, we need to start educating ourselves in being aware."

Maging si Mikael ay kailangan din daw pag-aralan ang bagong sistemang ito.

"I need to brush up, okay, what do I need to be aware of para ready ako in the future to fulfill my obligation," aniya.

Inihalintulad din niya kung paano siya bilang artista.

"Just like getting into showbiz, good example, hindi ko alam na may mga kailangan na palang ganito. May kailangan palang registration na ganito.

"So, it’s part of the process and, in life, palagi ‘tong mangyayari. Ang daming pagbabago kaya dapat willing lang tayo na matuto palagi."

Team sila ng misis niyang si Megan Young kahit sa mga online content nila, lalo na sa kanilang joint YouTube channel, kunsaan nagbibigay sila ng relationship advice base sa kanilang mga personal na karanasan.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

MARRIED LIFE WITH MEGAN

Kakasal lang nina Mikael at Megan nang magsimula ang pandemya noong first quarter of 2020. Kinumusta namin si Mikael kung anong klase silang couple ngayong 24 oras silang magkasama.

Mas naging matibay ba ang samahan nila o katulad din ng iba na magkasama pero parang mas nagiging malayo sa isa’t isa.

Saad ng aktor, "In my case, hindi naman sa blessing yung pandemic, because pandemic is a very difficult situation.

"I think, ang nagiging blessing dito is yung attitude namin as a couple. Kasi, alam naman natin na lahat ng couple, iba-iba ang chemistry nila.

"At thankful na lang ako, ito yung blessing na kami ni Megan, sobrang spontaneous kami and willing mag-adjust.

"Biggest blessing lang talaga sa amin na, 'Ah okay, cool lang tayo. Whatever’s there, adjust lang tayo and pag-usapan natin.' That would be the blessing that I will say here."

Sa mga podcast nila ni Megan, ang aktres ang mas vocal sa kanyang nararamdaman. May isang podcast nga silang bigla na lang itong lumuha at naging emosyonal nang napag-usapan ang posibilidad na magkahiwalay sila.

Continue reading below ↓

Kaya tanong ng PEP.ph kay Mikael: mas lamang ba si Megan sa pagmamahal sa kanya o nagkataon lang na babae ito at mas vocal kumpara sa kanya?

"I have a very good answer to that!" natawang sabi ni Mikael.

"Sa totoo lang naman, si Megan, yung personality niya is more emotional talaga.

"And ako, yung personality ko, natural na mas practical ako, at yun ang nakakatuwa sa podcast namin.

"Nakikita mo na iba-iba ang reaksiyon ng mga audience. Yung iba nakaka-relate sa akin. Yung iba, nakaka-relate kay Megan.

"So, yes, I understand na, 'Bakit parang mukhang mas in love si Megan dito?'

"But I think, parang product lang yun ng pag-uusap namin and depende kung saan ka nakaka-relate.

"So, I think, yun nga ang one of the reasons for success ng podcast namin."

Pero hndi pumayag si Mikael sa impresyong mas in love si Megan kaysa sa kanya.

"Hindi, ako ang mas malambing nga," sabi niya.

Continue reading below ↓

PROUD KAPUSO FOR 11 YEARS

Labing-isang taon nang Kapuso si Mikael, at sa GMA siya nagsimula bilang artista.

At para kay Mikael, "proudest moment" niya bilang isang Kapuso sa tuwing pipirma siya ng kontrata.

"Sa totoo lang, yung proudest moment ko, baka cheesy at this moment. Pero I think, every contract signing is super proud moment.

"Kasi siyempre, sige, sabihin natin bawat contract is a three-year contract. Hindi mo alam kung mare-renew ka at the end of the contract, di ba?

"Ang basehan nun siyempre is your performance. At the end, business ‘to."

Pursigido si Mikael na pagbutihin ang kanyang mga proyekto sa network.

"Pero ako, binubuhos ko naman lahat. Siyempre, masakit kung binubuhos ko naman lahat and it falls short, hindi siya sapat pa rin.

"Pero so far, I’ve been working in GMA for 11 years na rin and parang napaka-rewarding. It makes myself proud na nagawa ko ito. Para sa akin, nakaka-proud yun.

Continue reading below ↓

"Ang contract signing, signing lang sa papel, pero yung meaning niya, napakabigat.

"And it says a lot about who I’ve been as a worker in GMA, as an actor in GMA for the past eleven years.

"So, malaking bagay talaga yun kung pag-iisipan kong talaga what this moment means to me.

"I guess, ‘yon ang pinaka-proudest moment ko."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor-vlogger Mikael Daez on need for vloggers to fulfill obligation with BIR: "And if that’s what the government requires and the taxes to be paid, kasi nagiging negosyo na rin siya, then I think it’s up to us na maging responsible para sa mga obligation natin bilang Filipino kasi patas naman."
PHOTO/S: @mikaeldaez Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results