Ivana Alawi has the cutest reaction to "crush" Joshua Garcia's surprise message

by Rachelle Siazon
Aug 31, 2021
Napamulagat ang mata ng actress at YouTuber na si Ivana Alawi nang mapanood ang celebrity crush niyang si Joshua Garcia (inset). Ang kapatid ni Ivana na si Mona Louise Rey (not in photo) ang nanghingi ng video kay Joshua. Sabi ni Ivana kay Mona, "Sinabi mong crush ko siya, 'no?"
PHOTO/S: Ivana Alawi YouTube

Napatili sa sobrang kilig si Ivana Alawi, 24, nang makatanggap siya ng surprise video message mula sa kapwa Kamilya star na si Joshua Garcia, 23.

Bungad ni Joshua gamit ang salitang Korean, "Annyeonghaseyo!"

Nanlaki ang matang reaksiyon ni Ivana, "Waaaaaa!!! Wait! What? Bakit andiyan si Joshua?!?"

Ang kapatid ni Ivana na si Mona Louise Rey ang nambuking na "crush" pala ni Ivana si Joshua.

Lihim na humingi si Mona ng video greeting mula kay Joshua, at saka ipinakita ito kay Ivana para sa pagdiriwang ng ikalawang anibersaryo ng kanyang YouTube channel.

Natatawang singit ni Mona ukol kay Joshua, "Gusto ko lang sabihin crush niya po 'yan."

Pina-rewind ni Ivana ang video na pinapanood nila.

Nahihiyang sabi ni Ivana, "Mona, sandali lang! Di pa ako ready!"

Sabay tawag ni Ivana kay Joshua, "Oppa!"

Nang i-play ang video, ito ang sinabi ni Joshua: "This is Joshua Garcia, binabati ka ng happy second YouTube anniversary.

Continue reading below ↓

"My message for you is to continue to inspire and to entertain people because you're doing an excellent job."


Sumabay pa si Ivana na nag-aprub nang mag-thumbs up si Joshua.

Pigil ang tiling sabi ng dalaga, "I love you!"

Dugtong ni Joshua sa video, "Follow me on Instagram! Kidding aside, I just hope you and your family are safe."

Continue reading below ↓

Sa puntong ito ay todong napatili uli si Ivana, "I follow you! You follow my heart!"


May iba pang artista na bumati kay Ivana tulad nina Liza Soberano, Marco Gumabao, Donnalyn Bartolome, Daiana Menezes, at Bela Padilla.

Matapos panoorin ang lahat ng surprise video greetings, hindi pa rin naka-get over si Ivana sa kanyang crush na si Joshua.

Continue reading below ↓

Sabi ni Ivana kay Mona, "Nakakahiya. Minessage mo si Joshua Garcia. Sinabi mong crush ko siya, 'no?"

Napapangiting pag-amin ni Mona, "Medyo nalaglag ko si Ate.

"Sabi ko, 'Hi, Kuya Joshua... Puwede ba manghingi ng video greet kasi crush ka ng ate ko? Anniversary po ng YouTube niya."

Napapikit si Ivana na waring nahihiya kay Joshua.

Ani Ivana, "Ang kapal ng mukha mo, Mona! Ni-DM mo si Joshua!"


Continue reading below ↓

Nanuksong sabi pa uli ni Mona, "Sinabi ko, 'Puwede ba manghingi ng video greet kasi crush ka ng ate ko?"

Napatingin si Ivana sa camera at tila may mensahe para kay Joshua sakaling mapanood nito ang vlog.

Ani Ivana, "Pasensiya na sa kapatid ko, ha? Hindi ko alam kung saan niya nakuha yung confidence niya."

HOT STORIES

Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Napamulagat ang mata ng actress at YouTuber na si Ivana Alawi nang mapanood ang celebrity crush niyang si Joshua Garcia (inset). Ang kapatid ni Ivana na si Mona Louise Rey (not in photo) ang nanghingi ng video kay Joshua. Sabi ni Ivana kay Mona, "Sinabi mong crush ko siya, 'no?"
PHOTO/S: Ivana Alawi YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results