Watch Now

Bea Alonzo on marriage talks with boyfriend Dominic Roque: “I think it’s too soon."

by Arniel C. Serato
Aug 31, 2021
Bea Alonzo Dominic Roque wedding talks
Bea Alonzo says relationship with Dominic Roque is "off to a good start: "Sa akin, magandang foundation talaga yung friendship kasi wala kayong best foot forward. You already knew each other. siyempre lahat naman tayo may mga bad sides, may good sides, alam na niya yung ugly side of you, he knows what to expect already."
PHOTO/S: Courtesy: @beaalonzo on Instagram

Bawat taong sasabak sa isang relasyon ay umaasang ang kanilang partner na ang magiging forever nila sa buhay.

Hindi ito nalalayo sa relasyong Bea Alonzo, 33, at Dominic Roque, 31.

Sa PEP Exclusives noong August 17, inusisa ng editorial team ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bea kung napag-usapan na ba nila ni Dominic ang tungkol sa pagpapakasal.

Minsan nang naikuwento ni Bea na posibleng sa loob ng tatlong taon ay mag-aasawa na siya.

As early as now, napag-usapan na rin kaya nila ni Dominic ang pagpapakasal?

Saad ni Bea, “Alam mo, sa edad ko and siya din naman sa edad niya, hindi naman siguro kami papasok sa relasyon para lang makipaglaro sa isa’t isa, di ba?

“But pagdating sa marriage, parang I think it’s too soon, parang masyado pang maaga.

“At masyado pang bago yung relasyon para sa mga bagay na 'yan.

“And siguro darating din dun, ayoko munang unahan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Diin ni Bea sa relasyon nila ni Dominic, "But it’s something serious definitely."

Palagay ni Bea, mas maganda ang relasyon nila ni Dominic dahil nagsimula sila bilang magkaibigan.

Matagal muna silang magkabarkada hanggang sa humantong sa ligawan at pakikipagrelasyon.

Nitong taon sinagot ni Bea si Dominic.

Dagdag pa niya, “Siguro, tama ka, magandang foundation talaga yung friendship sa isang relationship.

“Sa akin, ha, kasi I can’t speak for everybody, sa iba, may love at first sight, sa iba, may LDR [long-distance relationship].

"Sa akin, magandang foundation talaga yung friendship kasi wala kayong best foot forward.

“You already know each other. Siyempre lahat naman tayo may mga bad sides, may good sides. Alam na niya yung ugly side of you, he knows what to expect already.

“So, sa akin nagwu-work yun sa ngayon.”

Sa ngayon, abala si Bea sa kabi-kabilang guest appearances sa GMA samantalang si Dominic naman ay inaasikaso ang sinimulan nitong negosyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Use these Zalora vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bea Alonzo says relationship with Dominic Roque is "off to a good start: "Sa akin, magandang foundation talaga yung friendship kasi wala kayong best foot forward. You already knew each other. siyempre lahat naman tayo may mga bad sides, may good sides, alam na niya yung ugly side of you, he knows what to expect already."
PHOTO/S: Courtesy: @beaalonzo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results