Watch Now

Ken Chan, Benjamin Alves, Rosanna Roces, other celebs mourn death of comedienne Mahal

by Arniel C. Serato
Aug 31, 2021
Celebs mourn death of Mahal
Comedienne Mahal succumbs to "gastro illness" and COVID-19 at age 46 today, August 31.
PHOTO/S: Courtesy: @mahal.tesorero on Instagram

Nagluluksa ang mundo ng showbiz sa pagpanaw ng komedyanteng si Mahal, Noeme Tesorero sa totoong buhay.

Pumanaw si Mahal ngayong Martes, August 31, sa edad na 46.

Ayon sa kapatid ni Mahal na si Irene Tesorero, "gastro illness" at COVID-19 ang ikinamatay ng diminutive comedienne.

Sa isang ospital sa Batangas binawian ng buhay si Mahal.

Kaagad namang bumuhos sa social media ang pakikiramay ng mga nakatrabaho ni Mahal sa buong karera nito sa showbiz.

Sabi ng Kapuso actor na si Ken Chan, "Maraming salamat sa pagpapasaya sa amin Ate Mahal [black heart emoji]"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mensahe ni Benjamin Alves, "I will miss your laugh and your uplifting aura. We love you forever, Mahal."

Nagkasama sina Mahal at Benjamin sa Owe My Love, ang huling teleseryeng tinampukan ng komedyana.

Labis ding nalungkot si Rosanna Roces sa pagpanaw ng kaibigan.

Sabi niya sa kanyang post sa Facebook, "Pumanaw na po si Mahal. Aka noeme tesorero..isang napaka lungkot na Balita [crying emoji] salamat sa pagkakataong makasama at maka trabaho ka. Uwi na kay Lord Mahal."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


Hindi naman makapaniwala si Kiray Celis sa pagkawala ng co-star sa Owe My Love.

Post niya sa Facebook, "Wag po.. wag po.. wag naman sana.. sana hindi totoo. Wag po.."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni John Vic de Guzman, co-star din ni Mahal sa Owe My Love, "I am lost for words. [crying, praying hands emojis]Ate Mahal - kailanman hinding hindi kita makakalimutan. Maraming salamat sa pagmamahal mo sa akin at lahat ng taong iyong natulungan at napasaya. Rest In Peace. MAHAL ka namin”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagbigay-pugay rin ang Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) sa komedyante dahil kamakailan lamang ay naging panauhin nila si Mahal sa kanilang programa.

Mensahe ng KMJS: "MARAMING SALAMAT MAHAL, SA NAPAKALAKI MONG PUSO

"Pumanaw na ang komedyanteng si Noemi Tesorero o mas kilala bilang Mahal

"Nakikiramay po kami sa kanyang mga mahal sa buhay."

Dahil nagpositibo si Mahal sa COVID-19, iki-cremate kaagad ang kanyang mga labi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Comedienne Mahal succumbs to "gastro illness" and COVID-19 at age 46 today, August 31.
PHOTO/S: Courtesy: @mahal.tesorero on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results