Manny Pacquiao defends wife Jinkee against bashers: “'Yan namang pera na 'yan, dugo at pawis, hard-earned money ko.”

by Arniel C. Serato
Sep 3, 2021
Senator Manny Pacquiao defends wife Jinkee Pacquaio’s extravagant lifestyle: “Yung asawa ko, mukhang mamahalin lang yun pero hindi naman masyadong mahal yung mga sinusuot niya.”
PHOTO/S: Courtesy: @jinkeepacquaio on Instagram

Dinepensahan ni Senator Manny Pacquiao ang asawang si Jinkee Pacquiao laban sa pambabatikos ng netizens kaugnay ng pagiging materyosa raw nito.

Pinuna ng mga kritiko ang branded ng mga suot ni Jinkee kahit saan ito magpunta.

Isa sa pumukaw sa atensiyon ng netizens ay ang OOTD ni Jinkee sa boxing match ni Manny at ng Cuban boxer na si Yordenis Ugas sa Las Vegas, Nevada, noong August 21.

Umabot sa P2.2M ang presyo ng suot nitong damit, sapatos, bag, at alahas.

Ayon sa ilang netizens, naging "insensitive" si Jinkee lalo na sa mga Pilipinong dumaranas pa rin ng kahirapan dahil sa pandemya.

Sa panayam ng The Chiefs ng One News kagabi, September 2, natanong kay Manny ang bintang na “materyalesa” ang asawa.

Ayon sa Pambansang Kamao, kahit mukhang mamahalin ang mga suot at gamit ni Jinkee ay hindi naman daw ganun kamahal ang mga presyo nito.

At, higit sa lahat, pinaghirapan naman nila ang mga ipinambili nito.

Continue reading below ↓

Hindi maitatangging bilyonaryo ang mambabatas dahil sa mga kinita nito sa kanyang mga laban sa boxing.

Pahayag ni Manny, “Yung asawa ko, mukhang mamahalin lang yun, pero hindi naman masyadong mahal yung mga isinusuot niya.

“At 'yan namang pera na 'yan, dugo at pawis, hard-earned money ko.

"Ano 'yan, hindi 'yan ninakaw sa gobyerno, hindi 'yan ninakaw dun sa mga tao, kundi pinaghirapan ko 'yan, pinaghirapan namin.”

Hindi naman lingid sa kaalaman ng publiko na bago ang tinatamasang kasikatan at karangyaan ngayon nina Manny at Jinkee, nagdaan sila noon sa matinding hirap.

Pangarap daw nila noon pa man na umangat sa buhay para maging masaya.

Ani Manny, “Now, kung ano man meron kami, dream namin 'yan. Sakripisyo, dugo, at pawis ang puhunan namin para kami maging masaya.”

“HINDI KAMI MARUNONG MAKIKIPAGPLASTIKAN”

Sabi pa ng boxer-politician, hindi naman yata tamang kahit nakakaangat na sila sa buhay ay magsusuot pa sila ng mga gula-gulanit na damit.

Continue reading below ↓

Asta raw kasi ito ng mga traditional politician o trapo.

Saad niya, “Yun po ang ano natin, unless kung magsuot kami ng mga pangmahirap, e, magiging plastic din kami.

“Na sabihin na, ‘Ang istayl ng mga trapong politician,' minsan lalo pagdating ng eleksiyon, magsusuot 'yan, kung puwede lang punit-punit yung mga damit, e, para sabihing mahirap, e, hindi ba?

“E, hindi kami ganun, e. Hindi kami marunong makikipagplastikan.”

Nanindigan si Manny na mula sa marangal na kaparaanan ang yamang kanilang tinatamasa kaya wala siyang ikinakatakot kung punahin ng iba ang karangyaan nila.

Aniya, “Gusto namin, kung ano yung tinatamasa namin ngayon, pinagdadaanan naman namin ngayon, gagawin namin dahil hindi naman kami nagnanakaw, hindi naman kami... pinaghirapan namin 'yan kung ano meron kami.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senator Manny Pacquiao defends wife Jinkee Pacquaio’s extravagant lifestyle: “Yung asawa ko, mukhang mamahalin lang yun pero hindi naman masyadong mahal yung mga sinusuot niya.”
PHOTO/S: Courtesy: @jinkeepacquaio on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results