Camille Prats on LJ Reyes's breakup with Paolo Contis: "Kumikirot ang puso ko."

by Bernie V. Franco
Sep 3, 2021
Camille Prats (left) on friend and Mars Pa More co-host LJ Reyes: "Alam kong hindi madali yung lahat ng pinagdadaanan niya, lalo na kasi may mga bata na involved.”
PHOTO/S: @marspamore on Instagram

Ramdam daw ni Camille Prats ang hinagpis ni LJ Reyes kasunod ng pagkumpirma nitong hiwalay na sila ni Paolo Contis.

Sina Camille at LJ ay magkaibigan at nagkakasama dahil nagiging guest co-host si LJ sa Kapuso morning talk show na Mars Pa More, kung saan regular host si Camille.

Si Paolo naman ay kasabayan ni Camille bilang child star sa Kapamilya Network noong ‘90s.

Ani Camille, pareho niyang kaibigan ang dating showbiz couple na ngayon ay hiwalay na.

Nagsalita si LJ tungkol sa paghihiwalay nila ni Paolo sa interview sa kanya ni Boy Abunda na ipinost sa YouTube nitong September 1, 2021.

Base sa mga pahayag ni LJ, mahihinuhang may kinalaman sa pera at third party ang sanhi ng hiwalayan nila ni Paolo.

HOT STORIES

CAMILLE AS LJ'S FRIEND

Bilang kaibigan, ipinaparamdam daw ni Camille kay LJ na masasandalan siya nito kahit anong oras.

Si LJ ay nasa New York ngayon, kasama ang dalawang anak na sina Aki, 11, at Summer, 2 anyos.

Continue reading below ↓

“Ang sinabi ko lang naman, I’m always here for her. If she needs someone to talk to.

“Siyempre, nilalagay ko rin yung sarili ko sa sitwasyon niya.

"Alam kong hindi madali yung lahat ng pinagdadaanan niya, lalo na kasi may mga bata na involved," pahayag ni Camille sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong September 3, Biyernes.

Bilang isa ring babae at ina, ramdam daw ni Camille ang bigat ng loob ni LJ.

Saad ng dating child star, “Pag naiisip ko siya, talagang kumikirot ang puso ko.

“I’m always here for her whenever. I think about her.

"At pag naaalala ko siya, I just type a simple prayer, a quick prayer, and I just send it to her whenever I can.

“Siyempre yung pain, yung nakasanayan mong ilang taon of being together, lahat ‘yon mababago.”

Anim na taon ang itinagal ng pagsasama nina LJ at Paolo.

Patuloy raw ang pagpapakita ng moral support ni Camille kay LJ.

Continue reading below ↓

Aniya, “I just want her to know a lot of people love her.

"Sana enough na ‘yon para maging mas malakas pa yung loob niya, para sa sarili niya, at mga anak niya."

Hindi raw lubos-maisip ni Camille kung gaano kabigat ang loob ni LJ dahil kahit sa taping nila sa Mars Pa More, hindi nito ipinakitang may pinagdadaanan na pala siya.

“Hindi siya nag-share na meron na pala siyang pinagdadaanan nung panahon na ‘yon.”

Nalaman na lang daw iyon ni Camille nang lumabas ito sa social media.

“The first thing that I did was to message her. And asked her bilang kaibigan.

“Matagal na kasi kaming magkakilala talaga. Magkaedad pa ang mga anak namin ni LJ.

“I messaged her. I asked her how she is. Siyempre, kinakamusta ko si Paolo.”

Bagamat sumasagot si LJ, hindi raw ito nag-e-elaborate tungkol sa kanyang pinagdadaanan.

Sabi ni Camille, “Yung mga answers naman niya were very simple. But, ganun naman talaga kami pag nagtsitsikahan.

Continue reading below ↓

“Pero hindi ko rin naman naramdaman na meron na pala siyang pinagdadaanan.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Camille Prats (left) on friend and Mars Pa More co-host LJ Reyes: "Alam kong hindi madali yung lahat ng pinagdadaanan niya, lalo na kasi may mga bata na involved.”
PHOTO/S: @marspamore on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results