Aira Bermudez waiting for COVID booster shot so she can join husband in Australia

by Rose Garcia
Sep 4, 2021
Aira Bermudez on husband Ronald Inovero: "First boyfriend ko po siya. Puppy love ko po siya. Wala pong ligaw-ligaw iyon. Kasi noong maging kami, after five months, nag-propose siya, and after five months, pinakasalan niya ako sa Australia."
PHOTO/S: @airabermudez on Instagram

Limang taon nang kasal si Aira Bermudez sa kanyang asawa na si Ronald Inovero, na nakabase sa Adelaide, Australia.

Pero dahil sa pandemic, magdadalawang taon silang hindi nagkakasama. Nagkikita lamang sila sa pamamagitan ng Skype.

Kuwento ni Aira nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong August 30, sa pamamagitan ng Zoom, kung papayagan na siyang makaalis bago magtapos ang taong 2021, “for good” na siya sa Australia.

“Kasi noong kinasal po kami, dapat po dito iyan sa Pilipinas. E, noong nag-propose po siya sa akin, yung family, 'Mag-civil muna kayo sa Australia.'"

Whirlwind romance ang nangyari sa kanila ng kanyang asawa.

Lahad ng SexBomb Girls member, “Actually noong maging kami po, after five months lang.

"Kasi, first boyfriend ko po siya. Puppy love ko po siya. Wala pong ligaw-ligaw iyon.

"Kasi noong maging kami, after five months, nag-propose siya, and after five months, pinakasalan niya ako sa Australia.”

Continue reading below ↓

Isang buwan pagkatapos nilang ikasal, bumalik agad si Aira sa Pilipinas dahil sa trabaho.

Tuwing babalik siya sa Australia, tatlong buwan ang itinatagal niya. Pero dahil sa pandemya, hindi na siya nakabalik sa Australia.

Kuwento ni Aira, “Nagpapaalam po talaga ako rito. Then, dapat po meron kaming reunion concert ng SexBomb sa U.S. Kumbaga, comeback namin.

"And after po ng U.S. tour namin ng March, April 9 pupunta na sana ako ng Australia kasama ko po ang mama ko. May tickets na po kami, kumpleto na po.

"Ang nangyari, cancelled ang flight gawa ng pandemic. Hanggang sa yung lockdown ay tumakbo nang tumakbo.

"E, ang Australian government po, napakahigpit, sarado ang borders, kaya hindi po ako makapasok pa.”

WHY AIRA CANNOT ENTER AUSTRALIA YET

May exemption visa naman daw para sa mga immediate family. Yun nga lang, nagkaroon naman ng problema si Rose dahil sa brand ng COVID-19 vaccine na kanyang natanggap noong nagpabakuna siya.

“Ang nangyari po sa akin, nagpa-vaccine ako ng Sinovac, e, hindi pa po nare-review ng Australia,” natawang lahad niya.

“Hindi pa talaga ako makakapasok talaga. E, nalaman ko after kong magpa-vaccine ng first dose.

"Sabi ko, baka pwedeng yung second dose, iba. E, hindi raw pwede."

Kaya maghihintay pa raw siyang matapos ang six months para magpa-booster siya ng brand na aprubado sa Australia.

Pag-alis ni Aira, desidido na siyang tumira sa Adelaide, Australia kasama ang kanyang mister.

Paliwanag ng dancer-actress, “Hindi po kasi kami magkakaroon ng family kung nandito ako. Wala pa kaming baby, five years na kaming kasal.

“Which is okay naman, naiintindihan naman ng iba dahil long-distance nga. Pero kailangan ko lang talagang i-embrace na may asawa na ako.

"Magdu-dual citizen na lang ako para makabalik-balik pa rin ako."

Ngayon ay nasa cast ng Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento si Aira. May usapan naman na rin daw sila ng Artist Circle, na namamahala ng kanyang career, pagdating sa career niya.

Continue reading below ↓

“May usapan naman po kami nila Nanay Rams [David], pag-umuwi ako ulit, pwede namang um-acting kung tatanggapin ako ulit ng GMA.”

HOT STORIES

Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aira Bermudez on husband Ronald Inovero: "First boyfriend ko po siya. Puppy love ko po siya. Wala pong ligaw-ligaw iyon. Kasi noong maging kami, after five months, nag-propose siya, and after five months, pinakasalan niya ako sa Australia."
PHOTO/S: @airabermudez on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results