Heart Evangelista asked, will Chiz Escudero allow her to work with ex-BF Jericho Rosales?

by Rachelle Siazon
Sep 5, 2021
Sorsogon Governor Chiz Escudero (left) says it's up to wife Heart Evangelista if she would want to work with ex-boyfriend Jericho Rosales. In December 2017, Heart and Jericho (right) were spotted exchanging pleasantries at an event.
PHOTO/S: @iamhearte / @officialtimyap Instagram

Bukas sa pagsasabi si Heart Evangelista na ilang beses na nilang napag-usapan ng asawang si Francis "Chiz" Escudero kung papayag ba ang gobernador na makatrabaho ng aktres ang ex-boyfriend nitong si Jericho Rosales.

Naungkat ulit ang topic na ito sa taped interview ni Karen Davila kina Heart at Chiz.

Nang tanungin ni Karen kung payag siyang mag-reunion project ang ex-couple, sabi ni Chiz kay Heart, "Pinag-usapan na ba natin 'yan?"

Napangiting sagot ni Heart, "Many times, yeah."

Komento ni Chiz, "Anong sabi ko?"

Kaswal na sagot ni Heart, "It's up to you."

Biniro ni Karen na baka naman umoo si Chiz pero hindi na nito kakausapin si Heart.

Pero diin ni Heart, "No naman."

Nilinaw rin ni Chiz na bukal sa loob niya ang pagpayag sakaling makatrabaho ulit sina Heart at Jericho.

"It's up to you. If it will make her grow. Again, hindi ako selosong tao."

Sang-ayon ni Heart, "NR siya. Sobrang NR. Lately, sensitive lang with time."

Continue reading below ↓

Ang ibig sabihin ng "NR" ay no reaction.

Sabi pa ni Chiz, "It has nothing to do with my level of confidence. It's more your or my level of feeling secure, which to large extent she gave me."

Umusbong ang pag-iibigan nina Heart at Jericho noong magtambal sila sa Panday, ang ABS-CBN primetime series na umere mula November 2005 hanggang May 2006.

Naging magkasintahan sila matapos maging malapit sa isa't isa sa show, at tumagal ang kanilang relasyon hanggang May 2008.

HEART'S "GREAT LOVE" IN THE PAST

Dati nang nasabi ni Heart na itinuring niya si Jericho na "great love" noon.

Aminado ang aktres na "you and me against the world" ang relasyon nila noon dahil sa mahigpit na pagtutol ng kanyang ina.

Kahit sa PEP Talk interview noong October 2017, sinabi ni Heart na alam ni Chiz na sa lahat ng ex-boyfriend niya ay kay Jericho siya maraming natutunan.

Continue reading below ↓

"Whenever Chiz and I talk about relationships and how there's a certain person that you've learned so much…

"Or siya yung naging dahilan sa pagiging more of a woman when it comes to having wisdom…

"It would be Mr. Rosales."

Makalipas ang dalawang buwan, noong December 2017, nagkrus ang landas nina Heart at Jericho sa isang event.

Nakunan pa silang magkausap noon.

Continue reading below ↓

Kasama pa ni Jericho ang misis niyang si Kim Jones sa parehong event na iyon.

Nag-viral ang litrato nina Heart at Jericho dahil sa bihirang pagkakataong makita sila sa iisang function.

Pero noon ding buwang iyon, sa isang presscon kabilang ang PEP.ph, sinabi ni Jericho na hindi iyon ang unang pagkakataong nagkrus ang landas nila ni Heart.

Continue reading below ↓

Sabi pa ni Jericho: "Heart and I handled it like mature people. Tapos na yung episode ng buhay namin na yun.

“We’re both married. And we feel like magaan ang mundo.

"Makakagalaw tayo nang maayos na walang nanghuhusga at kung anu-ano, di ba?

“We’re all friends. And it’s a new chapter.”

HOT STORIES

HEART RECALLS CRYING BECAUSE OF JEALOUSY

Balik sa present time, ikinuwento ni Heart kay Karen na siya pa ang nakaramdam ng selos noong magkasintahan pa lang sila ni Chiz.

"Okay, I'm going to be very honest, just no naming names.

"Honestly, he makes me feel really really secure. But because when you talk to him, when you get to know this guy, you can get so surprised na pinipilahan siya ng maraming babae."

Ayaw maniwala ni Karen.

Biro niya kay Heart, "My god! Naka-helmet ka ba?"

Patuloy ni Heart, "Hindi ako naka-helmet. I'm wide awake.

"Bakit kasi parang violent yung mga girls na nakaraan, parang ganun reaction nila.

Continue reading below ↓

"But he's really such a good guy. He's so smart, conversation [is] so good and so sexy.

"His appeal is just on another level."

Ulit na biro ni Karen kay Heart, "Dear, tanggalin mo na helmet ngayon."

Pero saksi raw si Heart sa mga babaeng lumalapit kay Chiz noong magkasintahan pa lang sila.

Diin ni Heart, "Totoo talaga!

"He's not the type to cheat or malandi, he's not at all.

"In fact, the reason why some girls go for him because he won't make the move, so they really have to be strong personalities to get him.

"And there are women that are very aggressive. I've seen it happen. They can try..."

Dati ay sobrang apektado raw si Heart at napaiyak pa siya.

"Sometimes it's offensive. Seryoso ako. When I see someone coming for him na talagang all-out.

"But this is early on, ha? Now it's different. I'm mature. 'Okay, come for me, I'll come for you.

Continue reading below ↓

"Before, iyak lang ako, 'Ba't sila ganun?' But after that incident that I didn't do anything...

"I sat back. Halos iumpog niya na ulo [niya] kay Chiz.

"Before I would really feel bad. But now, I know how to position myself. 'Sige, go.'

"Sometimes it's also how you handle the guy."

HOT STORIES

Use these Lalamove promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sorsogon Governor Chiz Escudero (left) says it's up to wife Heart Evangelista if she would want to work with ex-boyfriend Jericho Rosales. In December 2017, Heart and Jericho (right) were spotted exchanging pleasantries at an event.
PHOTO/S: @iamhearte / @officialtimyap Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results