Watch Now

Jose Mari Chan breaks silence on his “sleeping” ABS-CBN stocks, ABS-CBN shutdown

by Arniel C. Serato
Sep 7, 2021
Jose Mari Chan ABS-CBN stocks
Singer Jose Mari Chan on his ABS-CBN Corporation stocks: “It’s asleep. I don’t want to say that it’s in a coma, it’s probably just hibernating, waiting for the right moment because ABS-CBN has undergone several crises in the past.”
PHOTO/S: Screenshot / Jerome Ascano

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsalita ang OPM icon at hitmaker na si Jose Mari Chan tungkol sa nabalam na paglago ng kanyang stocks sa ABS-CBN Corporation.

Ito ay bunsod ng pagsasara ng dating giant network matapos ibasura ng Kongreso ang franchise renewal ng ABS-CBN noong July 10, 2020.

Sa showbiz personalities na kabilang sa Top 100 stockholders ng ABS-CBN Corporation, as of March 31, 2019, si Chan ay nasa Top 9 ng listahan.

Ito ay base sa mismong website ng Lopez Holdings Corporation.

Bukod sa pagiging singer, si Jose Mari ay chairman at CEO ng Binalbagan Isabela Sugar Company, Inc. (BISCOM) at A. Chan Sugar Corporation.

Siya rin ang chairman at presidente ng Signature Music, Inc.

Ayon sa ibinigay na halimbawa sa Facebook page ng MONEY Abundance, si Jose Mari Chan ay kasalukuyang may hawak na 1,257,130 shares sa ABS-CBN Corporation.

Kung minultiply ito sa presyo na P16.56 per share (noong February 2020), ang suma tutal nito ay P20,818,072.80.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa Summit Media exclusive interview sessions kasama ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong September 1, inusisa ang multi-awarded singer tungkol sa kanyang shares of stocks sa Kapamilya Network.

Diretsong tugon ng 76-year-old singer, “It’s asleep.

"I don’t want to say that it’s in a coma, it’s probably just hibernating, waiting for the right moment, because ABS-CBN has undergone several crises in the past."

Kasunod na ikinuwento ni Chan ang unang pagkakataong nagsara ang network noong 1973.

Dagdag niya, “The first one was when martial law was declared, 1973, when martial law was declared.

"And because at that time, President [Ferdinand] Marcos said, ‘We are under threat by the communists,' okay.

“So, the first thing that he did was to shut down ABS-CBN because he said that they were instigator by the communists.

"Of course, it was not true, but they shut it down.

"But they reopened it as Barangay Broadcasting Company.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And the second one was because they did not renew their franchise for whatever reason.”

Ang tinutukoy ni Chan ay ang hindi pag-apruba ng Kongreso sa franchise application ng ABS-CBN Corporation noong July 10, 2020.

Pitumpung (70) mambabatas, na karamihan ay kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang bumoto ng “Yes” upang tuluyan nang ibasura ang kanilang franchise application.

Labing-isa (11) lamang ang bumoto ng “No” para bigyan muli ng prangkisa ang ABS-CBN.

“I FEEL A LITTLE BAD”

Ayon pa kay Jose Mari, sana ay pinagbayad na lamang ang ABS-CBN kung mayroon man itong kakulangan sa gobyerno.

Aniya, “You know, kung ako yung Presidente, I would say, ‘I will not renew your franchise because you owe the government P37-M or P370-M. Unless you pay that penalty, I will not renew your franchise.’

“But what they did is, wala lang, ‘We will not renew your franchise.’

“So I feel a little bad. And I hope that one day, the government would reconsider kung anuman ang mga penalties that need to be paid, okay?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Slap it on them, but don’t shut down because the public needs information, they need a network like ABS-CBN that helps to tell the truth, so that you don’t stifle them, you know. That’s my opinion.”

Noong unang bahagi ng taong 2020, sinabi na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na walang hindi nabayarang buwis ang istasyon.

Sa Senate hearing para sa franchise renewal ng network noong February 2020, sinabi ni Simplicio Cabantac Jr, head of Large Tax Payers Audit Division 3 ng BIR: "As far as ABS-CBN account is concerned they are regularly filing and paying their taxes for the past number of years.”

Sa kabila nito, ipinagpipilitan ng pamahalaang Duterte na hindi nagbabayad ng tamang buwis ang ABS-CBN.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Singer Jose Mari Chan on his ABS-CBN Corporation stocks: “It’s asleep. I don’t want to say that it’s in a coma, it’s probably just hibernating, waiting for the right moment because ABS-CBN has undergone several crises in the past.”
PHOTO/S: Screenshot / Jerome Ascano
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results