Netizens compare Ate Gay to Tuesday Vargas following opposing views about this pandemic

by Bernie V. Franco
Sep 8, 2021
NO LAUGHING MATTER: Ate Gay (left) and Tuesday Vargas are being pitted against each other by netizens after their opposing views about the government's response this pandemic.
PHOTO/S: Facebook (Gil Aducal Morales)/ ABS-CBN Entertainment

Inulan ng batikos ang komedyanteng si Ate Gay matapos ang kanyang patutsada sa mga “kaibigan” niyang wala raw ginawa kundi punahin ang gobyerno.

Maraming netizens ang kinontra si Ate Gay, lalo pa’t malaking usapin nitong mga nakalipas na araw ang pabagu-bagong desisyon ng pamahalaan tungkol sa anong klaseng community quarantine ang ipatutupad.

Trending topic si Ate Gay ngayong Miyerkules ng hapon, September 8, 2021.

Ikinumpara pa ng ilang netizens si Ate Gay kay Tuesday Vargas, na nagpahayag ng kanyang opinyon tungkol sa isyu ng pabagu-bagong implementasyon ng uri ng community quarantine.

Lunes, September 6, inanunsiyo ng Palasyo na mula sa modified enhanced community quarantine (MECQ) sa NCR, luluwagan ito sa general community quarantine (GCQ) pagsapit ng September 8.

Subalit nitong September 7, binawi ito ng Palasyo at sinabing mananatiling nasa MECQ ang NCR.

Ikinadismaya ito ng marami, kabilang ang mga negosyante at iba pang sektor sa lipunan, lalo’t nakagawa na sila ng mga plano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ATE GAY’S CONTROVERSIAL FB POST

Kumalat sa Twitter ang Facebook post ni Ate Gay ngayong Miyerkules.

Ayon sa komedyante, ayaw niyang kunsintihin ang pagiging nega ng iba na puro paninisi sa gobyerno ang ginagawa.

Nangahas maging pulitikal ni Ate Gay.

Buong post niya (published as is): “Delete ko mga friends ko dito na walang ginawa kundi mangnega ng umaga ang manisi ang sisihin ang gobyerno .. basa din alamin ang pinagmulan ng paghihirap ng pinas.. simulan nyo ng 1986.. [peace sign emojis]”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Taong 1986 nang magkaroon ng People Power at nailuklok sa puwesto si dating Pangulong Cory Aquino. Naging hudyat din iyon ng pagwawakas ng diktadurya ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, na naupo sa puwesto sa loob ng 20 taon.

Mahihinuhang ngayong araw rin ipinost ni Ate Gay ang kanyang Facebook post, subalit hindi na ito makikita sa kanyang feed.

NETIZENS BRING UP TUESDAY’S STATEMENT

Magkakahalo ang reaksiyon ng netizens sa pahayag ni Ate Gay.

May mga nagtanggol sa kanya, pero mas marami ang bumatikos sa pahayag niya.

Sa Twitter, ikinumpara ng ilang netizens si Ate Gay kay Tuesday, na nagbigay ng kanyang saloobin tungkol sa isyu sa guest appearance niya sa It’s Showtime noong Martes.

Sa "Madlang Pi-Poll" game segment ng Kapamilya noontime show, sinagot ni Tuesday ang tanong kung sang-ayon siyang isailalim muli sa GCQ ang Metro Manila.

“Siguro magyi-yes ako kung may mas konkretong plano, yung hindi ura-uradang pabalik-balik na parang, ECQ, MECQ, GCQ, parang paganun-ganun minsan,” sagot ng singer-comedienne, at saka siya nagmuwestrang nagpapatintero.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Patuloy ni Tuesday, “So, gusto ko siguro ng mas maganda at maayos na sistema.

“Tapos mas maganda at mas maayos na pamamalakad ng lahat ng paglabas ng sistemang ito, para i-deserve naman nila yung buwis na binabayad… ganun!”

Pinalakpakan si Tuesday ng It’s Showtime hosts.

NETIZENS REACT

Pinaboran ng maraming netizens ang pahayag na ito ni Tuesday, at binatikos naman nila si Ate Gay.

Sabi ng iba, Tuesday is “greater than” Ate Gay.

Tweet naman ng isa, “be a Tuesday Vargas in a world of Ate Gay.”

Narito ang ilan sa mga komento pabor kay Tuesday:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May netizens ding ginawang pulitikal ang isyung ito, at inakusahan wi Ate Gay ng pagiging pro-government.

Narito ang ilan sa mga mas kumampi kay Ate Gay:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

TUESDAY CLARIFIES SHE IS NOT BEING POLITICAL

Nagsunod-sunod naman ang tweets ni Tuesday kahapon kaugnay ng kanyang naging sagot sa It’s Showtime.

Paglilinaw ng komedyana, bilang public figure ay nais niyang gamitin ang kanyang boses sa tama.

Pinaninindigan ni Tuesday ang kanyang pahayag hinggil sa pagresponde ng pamahalaan sa pandemic.

Bahagi ng tweet ni Tuesday: “Nais ko pong gamitin nang mahusay ang aming platform.

“Bago pa po ang artista na persona, ako po ay Pilipino na naninindigan kasama ng aking mga kababayan.

“Gagamitin ko po ang aking boses para po sa mabuti.”

Ayon pa kay Tuesday, wala itong kinalaman sa political affiliation.

“Tayo po ay nasa iisang pandemya, nasa iisang sitwasyon.

“Ang gusto nating lahat ay mas malinaw at konkretong plano para sa lahat.

“At kung kinakailangan sabihin, mauuna na po kaming nakikita nyo sa TV.”

Giit ni Tuesday tungkol sa pahayag niya: “Hindi ko po pinlano na maging pulitikal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Subalit tinawag ako ng tanong at marapat na sagutin lang nang tama.

“Karapatan ko bilang mamamayan na maliwanagan.”

HOT STORIES

Use these foodpanda vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
NO LAUGHING MATTER: Ate Gay (left) and Tuesday Vargas are being pitted against each other by netizens after their opposing views about the government's response this pandemic.
PHOTO/S: Facebook (Gil Aducal Morales)/ ABS-CBN Entertainment
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results