"As a friend?" Netizens react to Paolo Contis inviting Yen Santos to Baguio

by Rachelle Siazon
Sep 9, 2021
After Paolo Contis admitted that he went to Baguio with Yen Santos, netizens persist in speculating about the real score between the two. Paolo and Yen grew close after working together in the romance film A Faraway Land.
PHOTO/S: CTTO / A Faraway Land

Kinumpirma ni Paolo Contis na si Yen Santos ang "mystery woman" na namataang kasama niya sa Baguio.

September 2 nang kumalat sa social media ang picture ni Paolo habang kumakain sa isang restaurant sa Baguio.

Noong araw ring iyon, isang saksi na tiga-Baguio ang nagpaabot ng impormasyon sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na si Paolo iyon kasama si Yen.

Kinumpirma ng source na kuha iyon sa Lemon and Olives restaurant sa Baguio noong August 27.

Minabuti ng PEP.ph na hindi pangalanan noon si Yen dahil wala itong face reveal.

Pero "sure na sure" ang source na si Yen iyon. Iang beses na raw niya itong nakikita sa lugar, at noong araw na iyon ay kasama raw nito si Paolo.

Obserbasyon pa ng source, "super sweet" sina Paolo at Yen at "dumadantay pa yung head ni Yen kay Paolo."

Noong September 3, sumunod na nag-viral ang video nina Paolo at Yen na kuha naman sa Manaoag Church sa Pangasinan. Kuha rin iyon noong August 27.

Continue reading below ↓

Base sa video, makikitang nakaangkla ang kamay ni Yen kay Paolo habang naglalakad sila sa kalye.

Sinagot ni Paolo ang mga espekulasyon kaugnay ng viral photo at video.

Miyerkules ng gabi, September 8, sa pamamagitan ng Instagram, sinabi ni Paolo na walang kinalaman si Yen sa hiwalayan nila ng partner of six years na si LJ Reyes.

Depensa ni Paolo kay Yen: "She was never the reason of our break up. I was.

"Kung matagal na kaming hindi okay ni LJ, it was mainly because of me.

"Masyado niyo siyang diniin sa issue na to. Pati pag promote namin ng movie nabahiran na ng kung anu ano."

Magkatambal sina Paolo at Yen sa Netflix movie na A Faraway Land.

Hindi raw niya akalain na ang simpleng pag-imbita niya sa aktres sa Baguio ay lilikha ng kontrobersiya.

Ani Paolo, magkaibigan lang sila ni Yen.

Paliwanag ng Kapuso actor: "When LJ left for the States with the kids, I went to Baguio for 3 days dahil ayaw ko sa Manila at gusto kong makapag isip isip.

Continue reading below ↓

"Naging insensitive ako about the possible effects nung issue and I invited Yen for a day para may makausap since malapit lang siya sa North din.

"She went there as a friend.

"Hindi ko naisip na madadamay siya ng ganito. I’m sorry for this."

Hindi kumbinsido ang karamihan sa netizens.

Mula Miyerkules ng gabi hanggang ngayong Huwebes ng umaga, September 9, nag-trend sa Twitter ang "Baguio."

Continue reading below ↓

May mga patutsadang nag-aya na mag-Baguio "as a friend."

Continue reading below ↓

May hugot pa ang isang netizen nang mabasa ang pahayag ni Paolo.

Continue reading below ↓

MEMES ABOUT THE ISSUE

May gumawa rin ng memes at ginawang noun ang "Baguio" gamit ang paliwanag ni Paolo kung bakit niya isinama si Yen.

Sabi nila, ang Baguio ay "lugar na puwedeng puntahan kung gustong mag-isip-isip at mag-aya ng kasama as a friend for 1 day."

Continue reading below ↓

May meme din na test paper kunsaan pina-exam ang netizens.

Ang katanungan sa essay: "Explain Philosopher Paolo's theory of As a Friend. And how can you apply it in real life situation."

just an excuse?

Marami rin ang tahasang kuwestiyon sa pahayag ni Paolo na "as a friend."

Continue reading below ↓

Wala raw bang ibang kaibigan si Paolo na puwede niyang mayaya sa Baguio.

Continue reading below ↓

Hindi kumbinsido ang netizens na magkaibigan lang ang dalawa base sa kilos ng mga ito sa viral video.

Continue reading below ↓

PAOLO ON THIRD PARTY IN BREAKUP WITH LJ

Kung anu't ano man, inabsuwelto ni Paolo si Yen sa isyu ng hiwalayan nila ni LJ.

Hindi binanggit ni Paolo kung sino, pero diretsahan niyang inamin na naging "marupok" siya sa ilang taong pagsasama nila ni LJ.

Base pa rin sa pahayag niya noong September 8, humingi siya ng tawad kay LJ sa lahat ng mga pagkakamaling nagawa niya rito.

Continue reading below ↓

Mariing pinabulaanan ni Paolo ang alegasyong nagdodroga siya, at lalong hindi rin niya sinaktan si LJ, ang two-year-old daughter nila, at ang 11-year-old son ng aktres kay Paulo Avelino na itinuring niyang sariling anak.

Hindi naman sinagot ni Paolo ang malamang pananahimik ni LJ nang tanungin ito kung may kinalaman ang pera sa hiwalayan nila.

August 19 nang unang pumutok ang hiwalayan ng couple matapos i-unfollow ni Paolo si LJ sa Instagram.

September 1 nang lumabas ang pag-amin ni LJ tungkol sa mga problemang naging mitsa ng hiwalayan nila ni Paolo.

HOT STORIES

Use these MetroMart promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
After Paolo Contis admitted that he went to Baguio with Yen Santos, netizens persist in speculating about the real score between the two. Paolo and Yen grew close after working together in the romance film A Faraway Land.
PHOTO/S: CTTO / A Faraway Land
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results