Kim Atienza, Giselle Sanchez comment on Paolo Contis’s post about breakup with LJ Reyes

by Arniel C. Serato
Sep 9, 2021
Paolo Contis's friends Kim Atienza (left) and Giselle Sanchez (right) are hopeful that the actor will realize his mistakes following his breakup with longtime partner LJ Reyes (center).
PHOTO/S: Courtesy: Kuya Kim Atienza / Paolo Contis on Facebook / @gisellesanchez on Instagram

Hindi na ikinabigla ng maraming netizens ang mga pahayag ni Paolo Contis tungkol sa pagtatapos ng anim na taong relasyon nila ni LJ Reyes.

Ang mas inabangan ng netizens ay pagkakadawit ng pangalan ni Yen Santos, na itinuturong third party sa hiwalayan nina Paolo at LJ.

Bago umamin si Paolo ukol sa hiwalayan nila ni LJ, namataan sina Paolo at Yen na magkasamang naglalakad sa Manaoag, Pangasinan at kumakain sa isang restaurant sa Baguio City.

Pero sa pahayag ni Paolo na inilabas niya sa Instagram kagabi, September 8, inabsuwelto niya si Yen.

Bagamat umamin ang aktor na "naging marupok at gago ako," iginiit niyang hindi si Yen ang dahilan ng breakup nila ni LJ.

Sabi ni Paolo: “She was never the reason of our break up. I was. Kung matagal na kaming hindi okay ni LJ, it was mainly because of me.

"Masyado niyo siyang diniin sa issue na to. Pati pag promote namin ng movie nabahiran na ng kung anu ano."

Continue reading below ↓

Nilinaw rin ni Paolo na sumama sa kanya si Yen sa Baguio "as a friend."

Saad ng aktor: “When LJ left for the States with the kids, I went to Baguio for 3 days dahil ayaw ko sa Manila at gusto kong makapag isip isip.

"Naging insensitive ako about the possible effects nung issue and I invited Yen for a day para may makausap since malapit lang siya sa North din.

"She went there as a friend. Hindi ko naisip na madadamay siya ng ganito. I’m sorry for this."

“LAHAT NAGKAKAMALI PAO”

Sa comments section ng post ni Paolo, isa sa nag-iwan ng komento ay ang ABS-CBN personality at TV Patrol weatherman na si Kim Atienza.

Ayon kay Kim, lahat ng tao ay nagkakamali sa buhay pero dapat ay gumawa ng paraan upang hindi na ito maulit.

Buong komento niya: “Lahat nagkakamali pao. We just have to make up for our mistakes. May panahon pa. The kids are young.”

Continue reading below ↓

Sumang-ayon naman ang ilang netizens na nagkomento sa sinabi ni Kim.

Saad ng isa, tama si Kim pero sana raw ay huwag naman ulit-ulitin ni Paolo ang mga kaparehong pagkakamali.

Sabi nito, “tama si kuya kim na lahat nagkakamali pero huwag naman sana palagi ulitin ng ulitin, ang same na pagkakamali. Tumatanda ka na paolo. Nasa una ang sarap pero nasa huli ang pagsisisi"

Continue reading below ↓

Komento ng isa pa, “Kung ang Dios nagpapatawad basta Dasal lng n magiging ok din ang lahat @paolo_contis.”

Continue reading below ↓

Papuri ng isa pa kay Kim, “finally someone gave him the best advice."

Umaasa naman ang isa pang netizen na hindi ito maranasan ng anak ni Paolo balang araw.

Sabi nito, “may babae pa nmn xang anak sana lng di maranasan ng anak nyang babae mga ginagawa nya..”

Continue reading below ↓

Payo ng isa pa, “It's time to be the better man. Learn your lesson well. @paolo_contis

“I WILL PRAY FOR PEACE”

Kabilang din sa mga nagkomento sa post ni Paolo si Giselle Sanchez.

Sabi ng TV host-comedienne, ipagdadasal niyang malampasan nina Paolo at LJ at ng mga bata ang pinagdadaanan nila ngayon.

Continue reading below ↓

Bukod kay Summer, napalapit na rin si Paolo sa anak ni LJ kay Paulo Avelino na si Aki.

Sabi ni Giselle, “I will pray for peace that surpasses all understanding for you @paolo_contis and for @lj_reyes and your kids.”

Sa kanyang column sa Manila Bulletin noong September 5, umapela rin si Giselle kay Paolo na makinig sa kanyang payo.

Continue reading below ↓

Itinuturing ni Giselle na nakababatang kapatid si Paolo dahil nagkasama sila sa defunct show ng ABS-CBN na Okatokat.

Mensahe niya sa aktor: “Paolo, if you are reading this, please listen to your Ate Giselle. We have worked together ever since you were a kid.

"I saw you grow up from Ang TV to Okatokat. I saw you grow to be a good boy to a good father and husband. Please don’t throw this family away who love you dearly.”

Sa ngayon, wala pang pahayag na inilalabas sina LJ at Yen kaugnay ng pahayag ni Paolo.

HOT STORIES

Use these Adidas PH promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paolo Contis's friends Kim Atienza (left) and Giselle Sanchez (right) are hopeful that the actor will realize his mistakes following his breakup with longtime partner LJ Reyes (center).
PHOTO/S: Courtesy: Kuya Kim Atienza / Paolo Contis on Facebook / @gisellesanchez on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results