LJ Reyes details heartbreaking convo with son Aki after breakup with Paolo Contis

by Rachelle Siazon
Sep 9, 2021
LJ Reyes on how she explained her breakup with Paolo Contis to her 11-year-old son Aki (not in photo): "At isa sa mga sinabi ko sa kanya, 'I'm sorry for everything. I wanted a complete family for you and Summer.' Tapos, kinut niya ako dun. Ang sabi niya sa akin, 'You complete us, Mom.'"
PHOTO/S: LJ Reyes Facebook

Ang paghingi ni Paolo Contis ng paumanhin sa 11-year-old son ni LJ Reyes na si Aki ang isa sa mga bagay na pumukaw ng pansin sa kanyang open letter kagabi, September 8.

Kaugnay pa rin ito ng hiwalayan nina Paolo at LJ matapos ang anim na taong relasyon.

Sabi ni Paolo: "To Aki, I wish I could’ve done things differently and listened to you more. I’m sorry I failed you."

LJ'S CONVO WITH AKI

Una nang inamin ni LJ na nakadagdag sa sakit ng hiwalayan nila ni Paolo ang makitang apektado pati ang kanyang dalawang anak.

Two years old pa lang ang anak nina LJ at Paolo na si Summer.

Pero si Aki ay nakakaintindi na at diretsahang tinanong si LJ sa pagkasira ng relasyon nila ni Paolo.

"May one time na nagtanong siya sa akin kung ano daw ba talaga yung dahilan.

"Parang feeling niya, meron pang ibang issue. So, napakasakit nung tanong sa akin ng anak yun.

Continue reading below ↓

"I needed time. Di ko masagot on the spot. Sabi ko sa anak ko, 'Wait lang, sasagutin kita,'" lahad ni LJ sa panayam ni Boy Abunda noong September 1.

Bumuwelo si LJ para mailahad niya nang maayos sa anak ang tunay ng mga pangyayari.

"Ta's nag-gather ako ng sarili ko, kung ano yung sasabihin ko sa kanya.

"Gusto ko kasi sa akin manggaling yung truth. Sa panahon ngayon, sa social media, marami siyang puwede mabasa. Maraming tao ang puwedeng gumawa ng kuwento.

"Pero gusto ko sa akin galing yung katotohanan at sabi ko sa kanya, 'I will never lie to you. Ako ang papaniwalaan mo. Kung meron kang tanong, sasagutin ko.'

"So, kinuwento ko sa kanya yung mga dahilan kung bakit nangyari ang lahat."

AKI TELLS LJ: "YOU COMPLETE US MOM."

Napaluha si LJ nang ilahad niya ang pag-amin sa anak na bigo siya sa kagustuhang maging buo ang kanilang pamilya.

Continue reading below ↓

"At isa sa mga sinabi ko sa kanya, 'I'm sorry for everything. I wanted a complete family for you and Summer.'

"Tapos, kinut niya ako dun. Ang sabi niya sa akin, 'You complete us, Mom.'"

Sobrang na-touch si LJ na sa murang edad ni Aki ay naintindihan nito ang kanyang sitwasyon.

Dagdag ng aktres, "Grabe yung kirot sa puso ko. Na-touch ako sa bata. Sobra. Pero, napaka-sweet na bata ni Aki talaga. At yun ang pinoprotektakan ko."

PAOLO'S CLOSENESS WITH AKI

Si Aki ay anak ni LJ sa ex-boyfriend na si Paulo Avelino.

Pero hindi kaila sa publiko ang magandang samahan nina Paolo at Aki. Ito ay bago pa man ipinanganak ni LJ ang anak nila ni Paolo na si Summer.

Si LJ na rin ang nagsabing parang tunay na ama ang turing ni Aki kay Paolo.

Sa eight birthday ni Aki noong 2018, nag-post pa si Paolo sa Instagram ng madamdaming mensahe na, "Haharang ako ng bala para sa 'yo."

Continue reading below ↓

May kalakip pa iyong litrato nina Paolo at Aki na kuha sa swimming pool.

Pero burado na ito sa Instagram ni Paolo ngayon.

HOT STORIES

Use these Adidas PH promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
LJ Reyes on how she explained her breakup with Paolo Contis to her 11-year-old son Aki (not in photo): "At isa sa mga sinabi ko sa kanya, 'I'm sorry for everything. I wanted a complete family for you and Summer.' Tapos, kinut niya ako dun. Ang sabi niya sa akin, 'You complete us, Mom.'"
PHOTO/S: LJ Reyes Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results