Yen Santos feeling “so down” right now, says source

by Bernie V. Franco
Sep 9, 2021
Yen Santos remains quiet even in her social media accounts since the news came out linking her to Paolo Contis. Yen is accused of being the third party in Paolo-LJ Reyes breakup.
PHOTO/S: ysantos on Instagram

Isang nagpakilalang malapit na kaibigan ni Yen Santos ang nagbahagi sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na lubhang apektado ngayon ang aktres kaugnay ng pagkakadawit niya sa Paolo Contis-LJ Reyes breakup.

Ngayong Huwebes ng hapon, September 9, ay hiniling namin sa source na ito kung nais magsalita ni Yen kaugnay ng kinasasangkutang kontrobersiya.

Sagot ng source, “I will ask her. She’s so down rn [right now] kaya all we can do is comfort her.”

Makalipas ang 30 minuto, nag-update ang source: “No comment na muna si Lilieyen.”

Lilieyen Santos ang tunay na pangalan ng aktres, na unang nakilala nang maging housemate siya sa Pinoy Big Brother: Teen Clash 2010.

Inusisa namin ang source kung ano ang ugnayan niya kay Yen.

Sagot niya, “She’s a family friend. Bestf riend sya ng sister ko.”

Nang bisitahin ng PEP.ph ang social media accounts ng source, makikitang may mga larawan siya kasama si Yen sa mga nakalipas na taon, mula pa noong 2013.

Continue reading below ↓

Makikita ring nagkokomento si Yen sa mga post ng source. Sa ibang larawan, nakayakap pa si Yen sa kanya, patunay ng closeness nila.

Sa isang Facebook page ng fans club ni Yen, na-publish din ang pagtatanggol ng source sa kaibigang aktres.

Sabi nito: "Lilieyen is a smart girl and I don’t think she would ruin her reputation over a guy."

Dagdag ng source, marami nang “rumors” tungkol kay Yen noon pa man “but no proof.”

Nakuha namin ang permiso ng source na ma-publish ito, pero mas ninais niyang huwag na lang mapangalanan.

Nag-post din ang fan page ni Yen kaugnay ng pinagdadaanan ng kanilang idolo.

"THERE IS ALWAYS TWO SIDES OF THE STORY," bahagi ng post nila noong September 5, 2021.

Hinihimok nito ang publiko na huwag lang makinig sa isang side ng story.

"That is why we must be careful in whatever we say taht we think is the truth," dugtong nito.

Continue reading below ↓

Nagpadala ang PEP.ph ng mensahe kay Yen para kunan ng pahayag, pero hindi kami nakakatanggap ng sagot.

Ilalathala namin ang sagot ni Yen oras na makatanggap kami ng sagot mula sa kanya.

HOT STORIES

YEN ACCUSED OF BEING THIRD PARTY IN PAOLO-LJ BREAKUP

Si Yen ang itinuturong third party si Yen sa hiwalayang Paolo at LJ Reyes.

Ito ay kasunod ng paglabas ng paparazzi photos at videos nina Yen at Paolo na kuha nang magpunta sila sa Baguio.

Sa inilabas na official statement ni Paolo kahapon, September 8, kinumpirma ng Kapuso actor na si Yen nga ang babaeng kasama niya sa Baguio

Pero itinanggi niyang may kinalaman si Yen sa paghihiwalay nila ni LJ.

Ayon kay Paolo, nagpasama lang siya kay Yen bilang kaibigan dahil kailangan niya ng makakausap.

Pero hindi kumbinsido ang ibang netizens at hindi sila naniniwala sa pahayag ni Paolo.

Sa kabila nito, sa pahayag ni Paolo ay inamin nitong may iba siyang naging babae sa anim na taong pagsasama nila ni LJ.

Continue reading below ↓

September 1 nang magpa-interview si LJ kay Boy Abunda upang patotohanan ang pagwawakas ng pagsasama nila ni Paolo.

May pahaging si LJ na may kinalaman ang pera at pambababae ni Paolo sa paghihiwalay nila.

Kasalukuyang nasa New York sa Amerika ngayon si LJ, kasama ang kanyang dalawang anak.

Hinihintay naman ngayon kung magsasalita si Yen upang ilahad ang kanyang panig.

Maging sa social media accounts ay tahimik si Yen simula nang pumutok ang isyung pag-uugnay sa kanya kay Paolo.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Yen Santos remains quiet even in her social media accounts since the news came out linking her to Paolo Contis. Yen is accused of being the third party in Paolo-LJ Reyes breakup.
PHOTO/S: ysantos on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results