Alleged CCTV photo of Paolo Contis, Yen Santos in Baguio leaked online

by Rachelle Siazon
Sep 9, 2021
Based on a new photo that surfaced online, a netizen claims that Paolo Contis and Yen Santos met in Baguio not just for one day.
PHOTO/S: CTTO Twitter

Wala pang isang buong araw mula nang aminin ni Paolo Contis ang pagpunta niya sa Baguio kasama si Yen Santos, panibagong litrato ang lumutang sa social media.

Makikitang nakunan si Paolo sa isang Japanese restaurant sa Baguio at in-upload iyon sa Facebook noong August 31.

Isang male crew ang kasama ni Paolo at halatang pinaunlakan ng aktor ang photo-op kasama nito.

Sa caption, nakasaad na bumisita sa lugar si Paolo noong "August 25."

Continue reading below ↓

LEAKED CCTV PHOTO?

Pero sinasabing may stolen shot din si Paolo na kumakain sa parehong restaurant kasama ng isang babae.

Naka-hoodie ang lalaki sa litrato na kapareho raw ng hoodie na suot ni Paolo.

Bahagyang malabo ang kuha ng litrato na kulay gray ang kulay, at waring galing sa CCTV ang screenshot.

Makikita namang may nakahaing bowls ng ramen sa mesa ng dalawa.

Ipinakita iyon ng isang netizen na kinukuwestiyon ang pahayag ni Paolo na sa loob ng tatlong araw niyang pamamalagi sa Baguio ay may isang araw na kasama niya si Yen.

Komento ng netizen, "1 day in baguio? Really Aug 25 in Agara Ramen baguio, then sep 3 sa lemon and olives. Sinong niloloko niyo?"

Continue reading below ↓

Ang sinasabi ng netizen na "Lemon and Olives" ay ang restaurant sa Baguio kunsaan lehitimong namataan sina Paolo at Yen noong August 27.

Pero malinaw na kumain nga sa Japanese restaurant sa Baguio si Paolo noong August 25.

Kung lehitimo ang litratong may kasama siyang babaeng kumakain sa Japanese restaurant, ipinunto ng netizens na may pagkakaiba sa sinabi ni Paolo na isang araw lang sila nagkasama ni Yen sa Baguio.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

PAOLO'S SEPTEMBER 8 STATEMENT

Sa Instagram post ni Paolo kagabi, September 8, ipinaliwanag ni Paolo na namalagi siya sa Baguio ng tatlong araw para makapag-isip-isip matapos ang hiwalayan nila ni LJ Reyes.

Nagkataon daw na nakatira si Yen sa Norte kaya ito ang nayaya niyang kumain sa Baguio. Si Yen ay leading lady ni Paolo sa pelikulang A Faraway Land.

Napagtanto ng aktor na mali na niyaya pa niya si Yen gayong sensitibo ang sitwasyon niya at ng dating karelasyong si LJ.

Diin ni Paolo, walang kinalaman si Yen at hindi ito third party sa breakup nila ni LJ.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Based on a new photo that surfaced online, a netizen claims that Paolo Contis and Yen Santos met in Baguio not just for one day.
PHOTO/S: CTTO Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results