Paolo Contis "relieved" after owning up to his mistakes: "Sinadya man ito o hindi, nagkamali ako."

by Arniel C. Serato
Sep 10, 2021
Paolo Contis on issues sorrounding his breakup with LJ Reyes (left) and co-star Yen Santos (right): "I felt relieved kasi alam kong may kasalanan ako at sinabi ko ang kasalanan ko."
PHOTO/S: Courtesy: @paolo_contis on Instagram / Paolo Contis on Facebook

Nakahinga na raw nang maluwag si Paolo Contis matapos ihayag ang kanyang panig sa hiwalayan nila ni LJ Reyes.

Sa dalawang magkakasunod na mahabang posts sa Instagram noong Miyerkules ng gabi, September 8, inamin ni Paolo ang kanyang pagkakamali sa relasyon nila ng longtime partner.

Naging marupok daw siya at naging gago.

Ngunit pinabulaanan ng aktor ang akusasyong nagdu-droga siya at pinagbuhatan niya ng kamay si LJ at ang kanilang anak na si Summer at anak ng aktres na si Aki.

Sa vlog ng entertainment witer at talent manager na si Ogie Diaz na lumabas kahapon, September 9, ibinahagi nito ang maiksing usapan nila ni Paolo matapos mag-post ang aktor sa Instagram ng kanyang panig.

Ayon kay Ogie, parang nabunutan ng tinik sa kanyang dibdib si Paolo matapos aminin ang kanyang mga kasalanan.

Lahad ng talent manager/comedian/entertainment writer, “Sabi niya sa akin, 'I felt relieved kasi alam kong may kasalanan ako at sinabi ko ang kasalanan ko.

Continue reading below ↓

“'Tao lang naman ako, Mama Og, na nagkakamali ako, sinadya man ito o hindi, nagkamali ako.'”

“AS A FRIEND”

Sa pahayag na inilabas ni Paolo sa Instagram, pinabulaanan din niyang third party sa hiwalayan nila nila ni LJ si Yen Santos.

Bago naglabas ng statement ang aktor, naging viral ang “holding hands while walking” video na kuha sa Manaoag, Pangasinan at paparazzi photos nila ng kanyang A Faraway Land co-star habang kumakain sa isang restaurant sa Baguio.

Ayon kay Paolo, magkaibigan lamang sila ni Yen at walang halong malisya ang napanood ng publiko.

Sinamahan lamang daw siya ni Yen "as a friend" na magsimba at kalaunan ay magpunta sa Baguio para makapag-isip-isip.

Diin ng Kapuso actor: “She was never the reason of our break up. I was.

"Kung matagal na kaming hindi okay ni LJ, it was mainly because of me. Masyado niyo siyang diniin sa issue na to.

"Pati pag promote namin ng movie nabahiran na ng kung anu ano.

“When LJ left for the States with the kids, I went to Baguio for 3 days dahil ayaw ko sa Manila at gusto kong makapag isip isip.

Continue reading below ↓

"Naging insensitive ako about the possible effects nung issue and I invited Yen for a day para may makausap since malapit lang siya sa North din.

"She went there as a friend. Hindi ko naisip na madadamay siya ng ganito. I’m sorry for this."

Hanggang ngayon ay hindi pa nagsasalita si LJ matapos ang kanyang mahabang tell-all interview kay Boy Abunda na lumabas noong September 1.

Nananatili namang tikom ang bibig ni Yen.

Pero ayon sa source ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), down na down ito at apektado sa isyu.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paolo Contis on issues sorrounding his breakup with LJ Reyes (left) and co-star Yen Santos (right): "I felt relieved kasi alam kong may kasalanan ako at sinabi ko ang kasalanan ko."
PHOTO/S: Courtesy: @paolo_contis on Instagram / Paolo Contis on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results