RR Enriquez on Paolo Contis owning up to mistakes: "Hindi pa tinodo."

by Rachelle Siazon
Sep 10, 2021
RR Enriquez (left) on Paolo Contis (center) inviting Yen Santos (right) to Baguio "as a friend": "Don't us."
PHOTO/S: RR Enriquez TikTok / Paolo Contis / Yen Santos Instagram

Hindi napigilan ni RR Enriquez na "makisawsaw" sa pag-amin ni Paolo Contis sa mga pagkakamali niya kay LJ Reyes at sa ibang taong dawit sa hiwalayan nila.

Kabilang sa inako ni Paolo ay ang pagkakaroon ng third party sa parte niya at nabigo niya hindi lang si LJ kundi pati ang anak nilang si Summer at ang itinuring din niyang anak na si Aki.

Si Aki ay anak ni LJ sa dati nitong boyfriend na si Paulo Avelino.

Bilib si RR dahil tingin niya ay hindi madali para kanino ang umamin ng kung anumang kasalanang nagawa.

Pero kinuwestiyon ni RR ang sinabi ni Paolo na inimbita niya si Yen Santos sa Baguio "as a friend."

Hindi siya naniniwalang kaibigan lang ang turing ni Paolo rito.

Pahayag ni RR sa Instagram kahapon, September 9: "Napahanga ako ni Paolo nung inako nya yung mga mali nya!!! Hindi lahat ng lalaki umaamin ng mali lalo in public ha…

"Kaso sumablay lang sa #4 bigla tuloy ako napaisip if sincere ang pag ako nya.. Kasi hindi pa tinodo [crumpled face andd laughing emojis]

"Ang masasabi ko lang sa #4 dont us!!

"Kaming mga babae hindi sumasama sa lalaki mag isa 'as a friend' lalo ang layo ng bibiyahihin namin!

Continue reading below ↓

"Hello 5hrs para lang mag bigay ng advice or magpalamig at the same time magpa init este magpalamig kasi ang init sa manila?"


PAOLO'S PARTIAL STATEMENT

Sa Instagram post ni Paolo noong September 8, "#4" o ikaapat sa mga isyung tinalakay niya ang Baguio trip nila ni Yen.

Paliwanag ni Paolo, pagkaalis ni LJ papuntang New York ay naisip niyang umakyat ng Baguio para makapag-isip-isip.

Continue reading below ↓

Nanatili ang aktor ng tatlong araw sa Baguio.

Ani Paolo: "Naging insensitive ako about the possible effects nung issue and I invited Yen for a day para may makausap since malapit lang siya sa North din.

"She went there as a friend."

RR ON PAOLO AND YEN'S COZY VIRAL VIDEO

Pero giit ni RR, hindi siya kumbinsido dahil sa viral video kunsaan namataang nakaangkla ang kamay ni Yen kay Paolo habang naglalakad sila sa kalsada.

Nakunan iyon ng isang netizen sa Manaoag Church, Pangasinan noong August 27.

Hiwalay pa iyon sa viral picture na kuha naman sa isang restaurant sa Baguio noon ding araw na iyon.

Ani RR: "At hindi din kami basta basta umaangkla sa lalaking kasama namin if hindi namin gusto or karelasyon ha [laughing emoji].

"Ako lang yan ha. Ewan ko sa ibang girls..

"Basta kapag sumama ako ibig sabihin parang alak lang yan. Kapag may alak may balak [smiley with tongue sticking out] CHAR lang!!!! Pasok bashers [laughing emojis]."

Continue reading below ↓

Ganunpaman, naniniwala si RR na may positibong dulot ang hiwalayan nina Paolo at LJ.

"On a serious note lahat tayo nagkakamali. Nananabang sa partner natin na akala natin nung una sila na talaga ang the one para sa atin.

"Kapag niloko or iniwan ka ng jowa mo palagi mo tatandaan na sinisave ka lang ni God sa mga pwede pang worst na gawin ng partner mo."

RR: "TINGIN DIN TAYO SA SALAMIN."

Sentro man ng kontrobersiya ngayon si Paolo, idiniin ni RR na lahat ng tao ay hindi perpekto.

"Huwag din tayo magmalinis na akala natin si Paolo na yung pinakababaerong lalaki sa balat ng lupa.

"Tingin din tayo sa salamin coz sure ako may kasalanan ka din nagawa sa buhay mo. Hindi man pambababae or panglalalaki pero sure ako meron.

"At naniniwala ako na lahat ng kasalanan pantay pantay yan sa mata ng Diyos!!!"

Si RR ay dating TV host at dancer na aminadong "nakisawsaw" lang siya sa isyu.

Continue reading below ↓

Aniya, "P.S. Ang pakikisawsaw ko ay hango sa tunay na storya! Patnubay ng magulang ang kailangan!"

ALLEGED CCTV PHOTO OF PAOLO AND YEN

Matapos ilabas ni Paolo ang kanyang opisyal na pahayag sa mga kontrobersiyang kinasasangkutan, may netizens na kumontra sa sinabi niyang isang araw lang sila nagkita ni Yen sa Baguio.

Kumalat ang umano'y CCTV photo kunsaan namataan din silang kumakain sa isang Japanese restaurant.

Base sa litrato ay ibang damit ang suot ni Paolo at ng kasama niyang babae na pinaniniwalaang si Yen.

Walang pahayag si Paolo sa panibagong isyung binato ng netizens sa kanya. Si Yen ay patuloy na tikom ang bibig sa isyu.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
RR Enriquez (left) on Paolo Contis (center) inviting Yen Santos (right) to Baguio "as a friend": "Don't us."
PHOTO/S: RR Enriquez TikTok / Paolo Contis / Yen Santos Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results