Matindi ang pagdadalamhati ni John Arcilla sa sunud-sunod na pagpanaw ng kanyang mga kapamilya nitong pandemya.

Una na rito ang kanyang ama na pumanaw noong 2020 at sumunod naman ang kanyang kuya na pumanaw dahil sa heart failure nito lamang June 14.

Nitong linggo lang, pumanaw ang kanyang kapatid na si Teresa Arcilla dahil sa COVID-19.

Sa solo press conference ni John na inayos ng Star Magic para sa kanyang upcoming series na On The Job: The Missing 8, inamin ni John na natakot na magpa-swab test ang kanyang kapatid at ma-confine sa ospital dahil sa mga “negative na sinasabi” tungkol sa quarantine facilities ng COVID-19 patients.

Ayaw man manisi ni John ng sinumang tao sa pagkamatay ng kanyang kapatid pero naniniwala siyang naging biktima ito ng “social injustice.”

Mangiyak-ngiyak si John na naglabas ng sama ng loob sa pagkamatay ng kapatid lalo pa’t sa kabila ng pandemya ay mayroon ngang nawawalang bilyon na sana raw ay naipambili na ng mas maayos na mga gamot at facilities para sa mga pasyente ng COVID-19.

HOT STORIES

#JohnArcilla #OTJ #SocialInjustice

Video Producer: Jimpy Anarcon
Video Editor: Rommel R. Llanes

Know the latest in showbiz on http://www.pep.ph!

Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/PEPMediabox

Follow us!
Instagram: https://www.instagram.com/pepalerts/
Facebook: https://www.facebook.com/PEPalerts
Twitter: https://twitter.com/pepalerts

Visit our DailyMotion channel! https://www.dailymotion.com/PEPalerts

Join us on Viber: https://bit.ly/PEPonViber

Watch us on Kumu: pep.ph

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Recommended Videos

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results