Showbiz couple Alex Castro, Sunshine Garcia poke fun at controversial “Baguio” issue

by Bernie V. Franco
Sep 11, 2021
Showbiz couple Alex Castro and Sunshine Garcia (main photo) jump on the bandwagon of netizens making fun of the joke "punta sa Baguio" amid the controversy involving the alleged affair of Paolo Contis and Yen Santos (inset).
PHOTO/S: @bmalexcastro, @ysantos on Instagram

Running joke ngayon ng netizens sa social media ang pagpunta o pagbabakasyon sa Baguio.

Nag-trending pa nga ang “Baguio” mula September 8 hanggang kinabukasan, September 9, sa kasagsagan ng kontrobersiyang kinasasangkutan nina Paolo Contis, LJ Reyes, at Yen Santos.

Sa paghihiwalay nina Paolo at LJ, inaakusahang si Yen ang diumano’y third party.

Sa official statement ni Paolo via Instagram post noong September 8, ibinunyag niyang tatlong araw siyang nanatili sa Baguio, matapos tumungo sa Amerika si LJ bitbit ang dalawang anak nito.

Inamin ni Paolo na inimbitahan niya si Yen na samahan siya sa Baguio.

“I invited Yen for a day para may makausap since malapit lang siya sa North din,” pahayag ni Paolo.

"She went there as a friend. Hindi ko naisip na madadamay siya ng ganito. I’m sorry for this."

Pero hindi kinagat ng netizens ang paliwanag na ito ni Paolo, at pinagsususpetsahan ang tunay na ugnayan ng aktor at ni Yen.

Continue reading below ↓

Dito na nagsimulang mag-post ang maraming netizens, at ginawang biro ang “punta sa Baguio.”

Nagsulputan na rin ang memes tungkol sa pagpunta sa summer capital ng bansa.

Pero pati ilang artista ay nakisakay na rin sa running joke.

Recently, nag-post sa Instagram si Alex Castro na akmang sasakay sa motorsiklo.

Pero ang agaw-pansin ay ang caption ni Alex.

Itinag ni Alex ang asawang si Sunshine Garcia: “@sunshine_garcia punta lang akong BAGUIO ha?

“(Nakisakay lang ako sa naka park na motor)”

Sumakay naman ang dancer-actress sa biro ng asawa.

Sagot ni Sunshine: “Pwede naman.. Choose 1 isasama mo kami or magzero account ka [laughing emoji]”

Continue reading below ↓

Malaman ang birong “zero account” ni Sunshine dahil nag-ugat ang usapang hiwalayang Paolo-LJ nang masulat noong August 19 na nag-“zero following” si Paolo, at kahit si LJ ay in-unfollow niya.

Nasakyan naman ng ilang netizens ang biruan ng mag-asawa at nagkomento rin silang “benta” ang joke ng mag-asawa.

Nagsalita si LJ sa paghihiwalay nila ni Paolo noong September 1, 2021.

Continue reading below ↓

Sa takbo ng interview, may pahapyaw si LJ na may kinalaman sa third party at pera ang ilan sa posibleng dahilan ng paghihiwalay.

Nagsalita na rin si Paolo nang i-post ang two-part Instagram post noong September 8 at inisa-isa ang mga ipinupukol na isyu sa kanya tungkol sa breakup nila ni LJ.

Nananatili namang tahimik si Yen at inaabangan ngayon kung magsasalita siya tungkol sa isyu.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Showbiz couple Alex Castro and Sunshine Garcia (main photo) jump on the bandwagon of netizens making fun of the joke "punta sa Baguio" amid the controversy involving the alleged affair of Paolo Contis and Yen Santos (inset).
PHOTO/S: @bmalexcastro, @ysantos on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results