LJ Reyes spotted at New York Fashion Week amid breakup issue

by Bernie V. Franco
Sep 11, 2021
LJ Reyes was spotted at the New York Fashion Week this September 10 (September 11 in the PH). The actress reveals that this is her first time to attend the semi-annual fashion event and based on her posts, she had a great time.
PHOTO/S: YouTube (The Boy Abunda Talk Channel) /@moart_official on Instagram

Spotted si LJ Reyes sa New York Fashion Week (NYFW) nitong nakaraang Biyernes, September 10 (September 11 sa Pilipinas).

Halatang nag-enjoy si LJ sa prestihiyosong international semi-annual fashion show at nagpaka-fangirl pa ito matapos makitang rumampa ang international model na si Gigi Hadid.

Kung pupunahin ang mga post ni LJ, animo’y panandalian niyang nakalimutan na nasa gitna siya ng kontrobersiya ngayon.

HOT STORIES

Mainit na usapin pa rin ngayon sa bansa ang breakup nila ni Paolo Contis at ang mga dahilan ng kanilang paghihiwalay.

LJ'S FIRST PUBLIC APPEARANCE AMID BREAKUP

Recently, active naman si LJ sa kanyang social media accounts, na madalas ay pagpo-promote ng brands.

Pero lumalabas na ang pag-attend niya ng fashion week sa New York ang kanyang unang public appearance matapos ang breakup nila ni Paolo.

Sunud-sunod ang post ni LJ sa kanyang Instagram Story ngayong araw dahil ito ang kanyang first time na makanood ng NYFW.

Tampok sa show ang spring/summer 2022 collection ng American designer na si Brandon Maxwell.

Continue reading below ↓

Bakas sa captions ni LJ na nasa good mood siya sa panonood, lalo na noong si Gigi Hadid na ang rumampa.

Ipinost niya ang video ng pagrampa ng sikat na American model.

Caption ni LJ: “Manay Gigi ang ganda mooooo!!!!!! [bawling faces and faces with heart eyes emojis]

Karugtong nito: “In English, Ms. @gigihadid YOU ARE SOOOOO BEAUTIFUL!!!!”

Sa sumunod na slide, caption ni LJ: “My first #NYFW!!! [heart emoji] and it was such an eye candy!!! And can’t get over @gigihadid and these creations!”

Continue reading below ↓

Sa bawat post ni LJ sa event ay naka-tag ang clothing line at ang Korean makeup brand na sponsor ng event.

Kapansin-pansin na hindi nag-post ng kanyang larawan si LJ sa kanyang social media accounts.

Gayunpaman, hindi pa rin nakaligtas si LJ dahil ipinost ng makeup brand ang video ni LJ habang kinukunan ng larawan.

Simple lang ang ayos ni LJ: brushed up wet-look hair, sleeveless dark top, loose leather pants, at smokey-eyes makeup.

Continue reading below ↓

Kapansin-pansin din ang pagre-repost sa IG account ng makeup brand ang mga Instagram Story posts ni LJ tungkol sa fashion show.

LJ TO STAY INDEFINITELY IN THE U.S.

Noong August ay lumipad si LJ patungong New York kasama ang dalawang anak, kasunod ng paghihiwalay nila ni Paolo.

Kasama ni LJ roon ang kanyang ina na isang overseas Filipino worker.

Sa interview kay LJ ni Boy Abunda noong September 1, inihayag ni LJ na wala pang definite plans kung mananatili siya sa U.S. o babalik sa Pilipinas.

Pagtutuunan muna raw ni LJ na i-“rebuild” ang sarili at “recover emotionally and mentally.”

“I have the option to migrate here… I will sacrifice my career and whatever I have,” saan ni LJ.

“I have no concrete plan. But it’s all about the kids. It all boils down to them.”

HOT STORIES

Use these Lalamove promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Continue reading below ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
LJ Reyes was spotted at the New York Fashion Week this September 10 (September 11 in the PH). The actress reveals that this is her first time to attend the semi-annual fashion event and based on her posts, she had a great time.
PHOTO/S: YouTube (The Boy Abunda Talk Channel) /@moart_official on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results