Camille Prats thankful for getting second chance at love, building a family

by James Patrick Anarcon
Sep 14, 2021
Camille Prats is thankful that husband VJ Yambao (leftmost, left frame) came into her life after the death of her first husband, Anthony Linsangan (left, right frame). She tells PEP.ph, “To be honest, naalala ko pa nga noon, sabi ko after that happened, na parang okay na pala ako na kami na lang ni Nathan. Parang happy naman na ako noon."
PHOTO/S: @camilleprats on Instagram / PEP Files

Isa sa ipinagpapasalamat ni Camille Prats sa kanyang buhay ay ang pagkakaroon ng second chance para bumuo ng pamilya.

Matatandaang noong 2008, ikinasal si Camille sa una niyang asawa na si Anthony Linsangan. Noong panahong iyon ay buntis na siya sa kanyang panganay na anak, si Nathan.

Subalit pagkatapos lamang ng tatlong taon, pumanaw si Anthony dahil sa nasopharyngeal cancer.

Makalipas ang ilang taon, nagkaroon ng second chance sa pag-ibig si Camille sa pamamagitan ng asawang si VJ Yambao.

Sa PEP Spotlight episode ni Camille na inere noong Biyernes, September 10, 2021, napag-usapan ang tungkol dito.

Pag-amin ni Camille, hindi niya akalaing magkakaroon pa siya ng pagkakataong makabuong muli ng bagong pamilya pagkatapos ng trahedyang kanyang pinagdaanan.

Sabi ni Camille, “Alam mo, whenever I look back doon sa time na nangyari iyon sa buhay ko, hindi ko rin akalain na I’m going to have another shot at life and being a mom and being a wife.

Continue reading below ↓

“Kasi ito yung mga bagay na hindi naman natin mapo-foresee ahead of us, e.

“Kumbaga, mangyayari na lang siya habang tumutuloy ang buhay, pero it wasn’t something na pinlano ko para sa sarili ko.”

Nang pumanaw ang unang asawa ni Camille, naisip daw niyang mag-settle nang silang dalawa lang ng anak niyang si Nathan.

Patuloy niya, “To be honest, naalala ko pa nga noon, sabi ko after that happened, na parang okay na pala ako na kami na lang ni Nathan. Parang happy naman na ako noon.

“My goal was just to really be able to provide for my son, yun na lang yung ultimate goal ko noong panahon na yun.”

CAMILLE’S SECOND CHANCE

Subalit nagbago ang kanyang plano nang dumating na si VJ sa buhay niya.

Grade-school classmates sila at muling nagkrus ang landas nila noong 2012.

Dito ay nag-reconnect sila hanggang sa nagkamabutihan, naging magnobyo, at ikinasal na nga noong January 7, 2017.

Continue reading below ↓

Sa ngayon ay may dalawa na silang anak, sina Nala at Nolan.

Kuwento ni Camille, “VJ came into my life, tapos yun nga, parang nabago na lahat yung buhay ko, nadagdagan na kami, nagkaroon ako ng family once again.

“So minsan talaga, magugulat ka na lang kung paano ka dinadala ng Diyos sa mga bagay na noong una, mahirap—hindi talaga madali—at malalagpasan mo lang talaga yun kung kakapit ka lang talaga sa Kanya.”

Pero inamin ni Camille na noong nagkasakit at nawala si Anthony ay nagkaroon din ng maraming katanungan sa isip niya.

Pero ang pagdating daw ni VJ ang naging kasagutan sa lahat ng tanong na yun.

“But then, I had so many questions at that time: ‘Ang bata bata ko pa, bakit ako?’

“I had those questions in me and, of course, they were left unanswered for a very long time.

“Tapos, ngayon ko na lang nare-realize noong nagka-family na ako ulit, dumating si Nala, si Nolan sa buhay namin ni Nathan.

Continue reading below ↓

“That’s when I realized why things had to happen for a reason, bakit kailangang pagdaanan yun.

“Kasi, may iba pa palang plano ang Diyos para sa akin, para kay Nathan. And ito yun, ito yung buhay na yun that I get to enjoy now.”

HOT STORIES

Use these MetroMart promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Camille Prats is thankful that husband VJ Yambao (leftmost, left frame) came into her life after the death of her first husband, Anthony Linsangan (left, right frame). She tells PEP.ph, “To be honest, naalala ko pa nga noon, sabi ko after that happened, na parang okay na pala ako na kami na lang ni Nathan. Parang happy naman na ako noon."
PHOTO/S: @camilleprats on Instagram / PEP Files
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results