Paolo Contis denies he was in Baguio for more than three days

by James Patrick Anarcon
Sep 12, 2021
Paolo Contis denies he was in Baguio for more than three days: “Paano mangyayari iyon? August 28 nagpabakuna ako sa Caloocan. August 30, nag-taping ako ng Bubble Gang. September 3, nag-taping ako ng Dear Uge."
PHOTO/S: @paolo_contis on Instagram / CTTO via TikTok

Pinabulaanan ni Paolo Contis ang sinasabing more than three days siyang nasa Baguio City kasama ang aktres na si Yen Santos.

Ito ay base sa text message na kanyang ipinadala sa talent manager at showbiz reporter na si Ogie Diaz, na binasa niya sa kanyang vlog na inilabas ngayong araw, September 12, 2021.

Ayon kay Paolo, naloka raw siya sa mga naglababasang ulat mula sa netizens.

Text ni Paolo kay Ogie, "Ang sabi nila, five days daw kami sa Baguio ni Yen. May nasulat naman 10 days daw kami. Pakisabi gawin na nilang 30 days para happy sila.”

Base sa mga larawang inilabas sa social media, August 25 pa lang ay may nakakita na kay Paolo sa isang Ramen restaurant sa Baguio.

Noong August 27 ay lehitimong namataan sina Paolo at Yen sa isang restaurant.

May netizen din kasing nagsabi na September 3 ay nakita pa si Paolo sa Baguio.

Continue reading below ↓

Pero ayon sa text niya kay Ogie, August 28 ay nasa Maynila na siya para um-attend sa kanyang showbiz commitments.

Patuloy ni Paolo, “Paano mangyayari iyon? August 28 nagpabakuna ako sa Caloocan. August 30, nag-taping ako ng Bubble Gang. September 3, nag-taping ako ng Dear Uge.

"So ano iyon, inaaraw-araw ko ang akyat panaog sa Baguio? Ano ito, road trip every other day?”

Sinabi rin ni Paolo na sana ay mag-post naman daw ang mga nagpa-picture sa kanya noong nagpabakuna siya noong August 28.

Hinaing niya, “Bakit walang nag-post? Hahaha. Now is the best time, i-post niyo iyon dahil pinagbibintangan akong lima o 10 araw sa Baguio. Sayang, walang CCTV noong nagpabakuna ako."

Sa statement na ipinost ni Paolo tungkol sa hiwalayan nila ng longtime partner na si LJ Reyes, sinabi niyang tatlong araw siyang nanatili sa Baguio pagkatapos lumipad ni LJ papuntang United States. Ito raw ay para makapag-isip-isip.

Continue reading below ↓

Niyaya rin daw niyang sumama si Yen "as a friend" at idineny niyang ang leading lady niya sa A Faraway Land ang third party sa kanilang hiwalayan.

HOT STORIES

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paolo Contis denies he was in Baguio for more than three days: “Paano mangyayari iyon? August 28 nagpabakuna ako sa Caloocan. August 30, nag-taping ako ng Bubble Gang. September 3, nag-taping ako ng Dear Uge."
PHOTO/S: @paolo_contis on Instagram / CTTO via TikTok
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results