Megan, Chynna, Iya, Camille, Carla applaud LJ Reyes for showing strength amid breakup

by Arniel C. Serato
Sep 13, 2021
Kapuso actress LJ Reyes took some snaps outside the New York Fashion Week venue in Brooklyn, New York after attending the semi-annual fashion event last Friday, September 10.
PHOTO/S: Courtesy: @lj_reyes / @niceprintphoto on Instagram

Hinangaan ng kapwa niya celebrities ang pagpapakita ng katatagan ni LJ Reyes sa gitna ng pinagdadaanan nitong pagsubok bunsod ng hiwalayan nila ng longtime partner na si Paolo Contis.

Kasalukuyang nasa Amerika si LJ upang makapaghilom sa natapos na relasyon.

Kasama ng aktres ang anak nila ni Paolo na si Summer at ang anak niya sa dating karelasyong si Paulo Avelino na si Aki.

Noong September 10 (September 11 sa Pilipinas), spotted si LJ sa New York Fashion Week (NYFW).

Base sa mga larawang lumabas, tila nag-enjoy si LJ sa panonood sa prestihiyosong international semi-annual fashion show.

Nagpaka-fangirl pa siya matapos makitang rumampa ang international model na si Gigi Hadid sa show.

Kagabi, September 12, nag-post ang 33-year-old Kapuso actress sa Instagram ng mga larawang kuha sa labas ng venue ng show.

Tanging caption niya: “NYFW 2021 [heart emoji]”

View this post on Instagram

A post shared by LJ Reyes (@lj_reyes)

Sa comments section, pinapurihan ng kapwa niya celebrities ang anila’y unti-unting pagmu-move on ni LJ sa pangyayari.

Continue reading below ↓

Sabi ni Chynna Ortaleza: "[clapping hands emoji] Pwede pumalakpak ng todo… slow clap.. para sa isa sa pinaka malakas na babae na kilala ko! [heart emoji]"

Suhestiyon ni Megan Young: “Work [clapping hands emoji] it [clapping hands, fire emojis]

Continue reading below ↓

Fire emojis din ang komento ni Melissa Ricks sa post ni LJ.

Sabi naman ng Mars Pa More host na si Iya Villania, “Go mars [heart emoji]”

Continue reading below ↓

Tatlong “100 emojis” naman ang sabi sa kanya ni Nikki Valdez.

Komento naman ni Carla Abellana sa kanyang post ay tatlong red heart emojis.

Continue reading below ↓

Saad ni Sugar Mercado, “[smiling face with heart-shaped eyes, fire emojis] I loveyou Ganda ganda [heart emoji]”

Masaya naman para sa kanya ang isa pang host ng Mars Pa More na si Camille Prats.

Aniya, “Love it mars!! [heart emojis] proud of youuuuuu [fire emojis] keep shining!!!”

Continue reading below ↓

LJ-PAOLO BREAKUP

Lumipad si LJ papuntang New York noong huling linggo ng Agosto.

Noong panahong yun, unti-unti nang umaalingawngaw sa social media ang diumano’y hindi na mabuting lagay ng pagsasama nina LJ at Paolo.

Nagsimula ito nang i-unfollow ni Paolo si LJ sa Instagram at sa pagbura nito ng lahat ng larawan nila.

September 1, inilabas ni Boy Abunda sa kayang vlog ang tell-all interview ni LJ kung saan idinetalye ng aktres ang hiwalayan nila ng aktor.

Hindi tinumbok ni LJ ang tungkol sa third party. Pero ilang araw ang lumipas mula nang siya’y magsalita, naging viral ang video ni Paolo kasama ang isang “mystery girl.”

Noong una, mga netizen na ang nagsabing si Yen Santos ang kasama ng aktor sa video.

Noong September 8, kinumpirma mismo ni Paolo na si Yen nga ang kasama niyang nagsimba sa Manaoag, Pangasinan, at nagkape sa Baguio City.

Pero paglilinaw ni Paolo, “as a friend” lamang ang pagsama ni Yen sa kanya.

Continue reading below ↓

Nagkalapit sina Paolo at Yen habang ginagawa nila ang pelikulang A Faraway Land.

Sa ngayon, nananatiling tikom ang bibig ni Yen, pero may source na nakapagsabi sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na apektado ang aktres sa isyu at “down na down” daw ito.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actress LJ Reyes took some snaps outside the New York Fashion Week venue in Brooklyn, New York after attending the semi-annual fashion event last Friday, September 10.
PHOTO/S: Courtesy: @lj_reyes / @niceprintphoto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results