Janus del Prado commends Paolo Contis for owning up to mistakes: “I applaud you. As a friend.”

by Arniel C. Serato
Sep 13, 2021
Janus del Prado (left) pokes fun at friend Paolo Contis’s “as a friend” statement after the latter's breakup with LJ Reyes (right): “You apologized and just let things be. And for that alone, I applaud you. As a friend. Chos.”
PHOTO/S: Courtesy: @janusdelprado on Instagram / Paolo Contis on Facebook

Sinaluduhan ni Janus del Prado ang pagpapakalalaki raw ni Paolo Contis sa pag-amin nito ng kanyang kamalian kaugnay sa hiwalayan nila ni LJ Reyes.

Sa kanyang Instagram kagabi, September 12, nag-post si Janus ng photo message para sa kaibigang aktor.

Ayon kay Janus, kahanga-hanga ang pag-ako ni Paolo sa kanyang pagkakamali.

Hinayaan din daw ni Paolo na atakehin siya ng netizens sa social media dahil sa kanyang pang-iiwan kay LJ.

Mensahe ni Janus: “Taking accountability for your action shows what you are really made of.

“It shows character. You didn’t justify your actions nor retaliate.

“You welcome the trolls and the haters with open arms as long as they don’t attack anyone else involved.

“You apologized and just let things be.

“And for that alone, I applaud you. As a friend. Chos.”

Sa caption, tinag pa ni Janus si Paolo. Ginamit din niya ang sikat na “as a friend” meme na galing sa statement ni Paolo na inilabas niya sa Instagram noong September 8.

Continue reading below ↓

Sabi pa ni Janus, dapat ay tingnan din ng mga “sawsawero” ang tamang ginawa ng isang tao mula sa kanyang pagkakamali.

Aniya: “Edit: Wag lang yung mali ang tingnan nating mga sawsawero. I-recognize din natin yung ginawang tama. [heart emoji]”

Nagkasama ang dalawa sa dating youth-oriented show ng ABS-CBN na Ang TV.

Ang papuring ito ni Janus kay Paolo ay malayung-malayo sa pagbatikos niya sa kapwa ring aktor na si Gerald Anderson.

Ilang buwan nang laman ng "blind item" ni Janus si Gerald na nag-ugat sa hindi magandang breakup ni Gerald at ng matalik na kaibigan ni Janus na si Bea Alonzo.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janus del Prado (left) pokes fun at friend Paolo Contis’s “as a friend” statement after the latter's breakup with LJ Reyes (right): “You apologized and just let things be. And for that alone, I applaud you. As a friend. Chos.”
PHOTO/S: Courtesy: @janusdelprado on Instagram / Paolo Contis on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results