Does Bea Alonzo check her boyfriend’s cellphone for signs of infidelity?

by Bernie V. Franco
2 days ago
Bea Alonzo admits unfollowing and blocking an ex-boyfriend on all social media accounts. Asked why she did so, she answered: "I think alam niyo na."
PHOTO/S: @johnvalle20, @beaalonzo on Instagram

Walang pag-aalinlangang sinagot ni Bea Alonzo ang mga tanong na may kinalaman sa ex-boyfriends.

Kabilang na rito ang pag-amin niyang pag-unfollow at pag-block sa isang dating nakarelasyon.

Sumalang si Bea sa “Guilty or Not Guilty” challenge sa unang guest appearance niya sa The Boobay And Tekla Show (TBATS) ng GMA-7 nitong Linggo, September 12.

Isa sa mga tanong: "In-unfollow ang ex sa Instagram."

Itinaas ni Bea ang “Guilty” sign nang paulit-ulit, na animo’y ipinagdidikdikan ang sign para makita sa camera.

“Hindi lang in-unfollow, binlock sa lahat!” volunteer pa ng tumatawang si Bea.

Inusisa ng host na si Boobay ang bagong Kapuso actress kung bakit niya binlock ang dating boyfriend na ito.

“Pag-uusapan ba natin ‘yan ngayon? I think alam niyo na,” hirit ni Bea.

Continue reading below ↓

Hindi pinangalanan ni Bea ang ex-boyfriend niyang ito.

NOT THE JEALOUS TYPE

Isa pang personal na tanong: “Pinakialaman ang cellphone ng boyfriend dahil pinaghihinalaan na may babae.”

“Not guilty,” sagot ni Bea.

Iyon naman daw ang maipagmamalaki ng aktres, na hindi nito pinakialaman ang cell phone ng kahit sinong boyfriend niya.

“Alam mo, totoo. Proud ako diyan.

“Never akong nag-check ng phone kahit na… oo, never…” pakli ng dramatic actress.

Hindi ba siya ang tipong titingnan ang cellphone ng lalaki para malaman kung niloloko siya?

“Hindi,” diin ni Bea.

“Parang I respect one’s privacy. Parang feeling ko kasi, yung cellphone, parang toothbrush. Sa ‘yo lang.”

Naniniwala si Bea na pahihirapan lang ng babae ang sarili nito sa pag-check ng cellphone ng boyfriend sa suspetsang nagloloko ito. Makakahanap at makakahanap daw ng paraan ang isang karelasyong nais magloko.

Paliwanag ni Bea, "Parang binibigyan mo lang din lalo ng pasakit yung sarili mo. Kasi kahit ano pang gawin mo, kung magloloko, magloloko…

Continue reading below ↓

“So, never. Never in my life...”

Ayon pa kay Bea, hindi siya selosa at mapatutunayan ito ng kanyang mga dating boyfriend, puwera na lang sa isa.

“Sa totoo, hindi ako selosa. Kahit tanungin niyo yung mga… well, yung isang ex, hindi.

“Yung ibang exes. Charot!” sabay tawa ni Bea.

Kabilang sa mga dating boyfriend ni Bea sina Gerald Anderson, Zanjoe Marudo, at ang yumoang si Miko Palanca.

DOMINIC IS A BIG BLESSING

Sa episode din ng TBATS ay pinag-usapan ang relasyon ni Bea sa current boyfriend niya si Dominic Roque.

“He is a big blessing sa buhay ko,” sabi ni Bea tungkol sa nobyo.

Mensahe pa niya sa boyfriend, “Thank you for coming into my life.”

Bagamat mas open na sila ngayon sa pagpo-post ng kanilang sweet photos, mas expressive daw si Dominic sa private moments nila.

“Mas expressive siya kapag kaming dalawa lang kasi mahiyain talaga siya," sabi ng aktres.

Continue reading below ↓

Si Dominic daw ang tipo na ipararamdam ang pagmamahal sa pamamagitan ng actions.

“Ganun siya. Yung love language niya kasi, service. Mahilig talaga siyang alagaan ka.”

Bilang girlfriend, si Bea raw ay “demonstrative.”

“Clingy ako, e, talaga. Tsaka yung words of affirmation. Mahilig akong mag-'I love you.' Expressive,” aniya.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bea Alonzo admits unfollowing and blocking an ex-boyfriend on all social media accounts. Asked why she did so, she answered: "I think alam niyo na."
PHOTO/S: @johnvalle20, @beaalonzo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results