Senator Manny Pacquiao files P100-M libel case vs Pastor Apollo Quiboloy

by Jojo Gabinete
Sep 14, 2021
pacquiao sues quiboloy
Senator Manny Pacquiao appears at the Makati City Prosecutors office on Tuesday, September 14, 2021 to file a P100-million libel and cybercrime complaint against Pastor Quiboloy, the self-proclaimed "Appointed Son of God."
PHOTO/S: Jerome Ascano

Cyberlibel na nagkakahalaga ng P100 million for damages ang kasong isinampa ni Senator Manny Pacquiao laban kay Pastor Apollo Quiboloy ng Kingdom of Jesus Christ.

Inihain ni Pacquiao ang kanyang reklamo sa Prosecutor’s Office ng Makati City ngayong Martes ng umaga, September 14.

Sinabi ni Pacquiao na grabe ang perhuwisyong ginawa ni Quiboloy sa pangalan niya dahil sa "fake news" na ikinalat ng kontrobersiyal na pastor tungkol sa diumano’y P3.5 billion na ginastos ng pamahalaan para sa Sports Training Center na ipinagawa ng Pambansang Kamao noong house representative pa ito ng Sarangani Province.

Si Quiboloy ay kilalang malapit na kaibigan at supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte.


Continue reading below ↓

Unang inihayag ni Pacquiao ang plano niyang pagdedemanda laban sa Davao-based pastor sa panayam sa kanya ng Headstart ng ANC noong September 1.

Saad ng athlete-politician, “Ito si Quiboloy po gumagawa ng issue na di niya alam. Dapat di siya nakikialam sa gobyerno. Mag-pokus na lang po siya dun sa pag-evangelize sa kanyang mga disipulong naniniwala sa kanya.”

Nakasaad sa labintatlong (13) pahinang reklamo ni Pacquiao na gumamit si Quiboloy ng mga kasinungalingan para sirain ang reputasyon ng isang matapat na public servant.

“He used this deliberate falsehood to brainwash the minds of the Filipino public, recklessly propagating lies to blacken the image and reputation of an honest public servant.

“He even had the audacity to quote the Holy Scripture in furtherance of his lies, misleading his flock, and confusing the public, with the end in view of blackening another’s reputation,” pahayag ni Pacquiao.

Naniniwala si Pacquiao na “criminal in nature and cannot go unpunished” ang mga pahayag ni Quiboloy laban sa kanya.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senator Manny Pacquiao appears at the Makati City Prosecutors office on Tuesday, September 14, 2021 to file a P100-million libel and cybercrime complaint against Pastor Quiboloy, the self-proclaimed "Appointed Son of God."
PHOTO/S: Jerome Ascano
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results