Netizens react to Korina Sanchez's post showing Manny Pacquiao eating with hands

by Arniel C. Serato
Sep 14, 2021
Rated Korina host Korina Sanchez refutes netizen's claim that the picture of Senator Manny Pacquiao eating with his hands is a photo op: "I think he really eats this way. Hindi nya alam kinukunan ko sya."
PHOTO/S: Courtesy: @korina on Instagram

Ikinatuwa nang husto ni Korina Sanchez ang pagkain ni Senator Manny Pacquiao nang nakakamay.

Sa kanyang Instagram kahapon, September 13, ibinida ng Rated Korina host ang larawan ng Pambansang Kamao habang kumakain nang nakakamay.

Ayon pa kay Korina, naubos ni Manny ang dalawang takal ng kanin at isda pero hindi nito kinain ang nakahandang grilled chicken.

Lahad ng veteran broadcaster sa caption ng kanyang post, “Ang sabi ni Sen. Manny Pacquiao: basta. Mas masarap kumain nang naka kamay.

"PS: Naubos ang dalawang takal ng kanin and fish. Naiwan ang chicken. FYI. [grinning squinting face, heart, zany face emojis]”

NETIZENS ARGUE ABOUT PACQUIAO EATING USING HIS HANDS

Sa comments section, nagbigay ng kanyang oras at panahon ang broadcaster na sagutin ang ilang komento ng netizens ukol sa kanyang post.

Ang ilan dito ay election-related comments dahil napapabalitang tatakbo si Pacquiao sa pagkapangulo sa 2022 elections.

Ayon sa ilang netizens, lumang style na ang pagpapakuha ng mga pulitiko habang kumakain nang nakakamay, kadalasan pa nga ay kasama ang mga mahihirap.

Continue reading below ↓

Sabi ng isang nagkomento, “Hndi nayan oobra sa tao [face with tears of joy emoji]”

Tugon ni Korina sa netizen, “Ewan kung oobra. Basta ganyan sya kumain eh [smiling face with heart-shaped eyes emoji]”

Komento ng isa pang netizen, “Bumenta na yann”

Balik-tanong ni Korina, “Anong binebenta?”

Continue reading below ↓

Sabi naman ng isang netizen, masarap talagang kumain nang nakakamay pero lumang style na ito lalo na kapag nalalapit ang eleksyon/

Paglilinaw ni Korina, hindi alam ng mambabatas na kinukunan niya ito ng litrato.

Aniya, “Di naman nya alam na kinukunan ko sya kaya totoo naman na ganyan ang kain nya sa bahay. [smiling face with heart-shaped eyes emoji]”

Continue reading below ↓

Biro ng isa pang netizen, “hmmm yan kamay gamit na gamit na [face with tears of joy emoji] sa next nyan sirang sapatos namrn [face with tears of joy emoji]”

Tugon ni Korina, “Kumakain lang. Dami nang sinabeh? [face with tears of joy emoji]”

Sabi ng isa pang netizen, “The time when eating with your hand means election is coming to town [face with tears of joy emojis]”

Continue reading below ↓

Sagot ni Korina, “I really dont think so. I think he really eats this way. Hindi nya alam kinukunan ko sya. [smiling face with heart-shaped eyes emoji]”

Sabi ng isa pa, “Hndi nayan oobra, luma naya, wala ng iba? [face with tears of joy, thumbs down emojis]”

Buwelta ni Korina, “Nagkakamay lang sa kain. Ang haba na ng nilakad ng kuwento mo beh [face with tears of joy emoji]”

Continue reading below ↓

“BEST WAY TO EAT”

Marami ring netizens ang naka-relate kay Senator Pacquiao sa kanyang pagkain nang nakakamay.

Ayon sa isang netizen, “Gold plated yung mga mga kunyertos”

Sabi naman ni Korina, kahit may mga kubyertos pa sa mesa ay gusto talaga ng senador na kumain nang nakakamay.

Continue reading below ↓

Sabi pa ng isang netizen, “But I agree, eating with our hands is the best way to eat. It allows us to connect with our food and the people who prepared them. Eating should be a spiritual experience."

Pagsang-ayon ni Korina, “I love eating naka kamay [raising hands emoji]”

Sabi ng isa pang nagkomento, dapat ay i-appreciate na lang natin ang mga taong gumagawa ng mga simpleng bagay.

Continue reading below ↓

Komento nito, “ang kumain na nakakamay hindi dahil mahirap ka o galing ka sa mahirap, noong bata ako yon din ang pag kakaintindi ko pero mali ako kasi dito sa ibang bansa mahirap man o mayaman makikita mo silang kumakain ng nakakamay miski sa mga restaurant may makikita kang kumakain ng nakakamay. Kaya i appreciate natin yon ang kumakain na nagkakamay.”

Tugon ni Korina, “I agree. Walang masama. Ewan ko ba [face with tears of joy emoji]”

Continue reading below ↓

Biro ng isa pang netizen kay Korina, “Kumakain naman kami naka kamay pero hindi mo kami na post sa ig mo"

“NASAN KA? Heloooooo!?” ang tila natatawang sagot ng broadcaster.

Hindi kaila sa publiko na galing sa hirap si Pacquiao at sanay nang kumakain nang nakakamay, kahit pa bilyonaryo na ito ngayon.

Continue reading below ↓

NETIZENS ON JINKEE

May apela naman ang isang netizen kay Korina na mensahe para sa asawa ni Manny na si Jinkee Pacquiao.

Kamakailan ay naging tampulan ng usapan sa social media si Jinkee dahil sa milyones nitong outfit-of-the-day (OOTD) sa laban ng asawa sa Las Vegas noong August 21.

Mensahe ng netizen, “Kung tatakbo siyang Presidente, dapat pgsabihan nya si Jingkee na hinay hinay lang pgsosoot ng mamahaling bagay. Baka sabihin ng botante another Imelda Marcos. Kahit sabihin natin na galing nman sa pgboboxing ni Manny ang pera nila.”

Tugon ni Korina, kung siya ay meron namang kakayahang magsuot ng mararangyang bagay, na galing sa marangal na paraan, hindi naman ito dapat ikahiya.

Aniya, “Ako naman bakit ako magpapanggap na cannot afford eh nagpapabugbog ako ng mukha at marangal ang kita ko? Huwayy will I pretend? [face with one eyebrow raised emoji]”

Continue reading below ↓

Birada naman ng isa ng netizen sa ibang bashers, “so what kung gold lahat pera nila yan hindi nakaw paki nyo.”

“Totoo namannn,” pagsang-ayon ni Korina.

HOT STORIES

Use these MetroMart promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rated Korina host Korina Sanchez refutes netizen's claim that the picture of Senator Manny Pacquiao eating with his hands is a photo op: "I think he really eats this way. Hindi nya alam kinukunan ko sya."
PHOTO/S: Courtesy: @korina on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results